Watch Now

(UPDATED) Stranded construction workers sa UP compound, kumain ng daga at pusang gala para pantawid-gutom?

by Jojo Gabinete
Apr 20, 2020
428 ang bilang ng construction workers na stranded ngayon sa UP compound, matapos silang mawalan ng trabago mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine.
PHOTO/S: Courtesy of Alfred Allan Jose

Survival of the fittest.

Para maibsan ang kanilang gutom, dumating sa puntong mga pusang gala at mga daga ang kinain ng mga kababayan nating construction workers na nawalan ng trabaho at na-stranded sa University of the Philippines Diliman compound.

Nalaman ng Cabinet Files ang kaawa-awang sitwasyon ng 428 stranded construction workers mula kay Alfred Allan Jose.

Si Allan ang founder ng Quezon City COVID-19 Food and Goods Donation, ang grupo na nagbibigay ng mga pagkain sa mga Pilipinong apektado ng COVID-19 pandemic at naghahatid ng mga libreng personal protective equipments para sa frontliners.

Ayon kay Allan, walang natatanggap na suporta at tulong ang mga construction workers mula sa kanilang employers.

Gumawa lang daw ang mga ito ng sariling diskarte para hindi sila magutom.

Tulad ng pagkain daw ng mga prutas mula sa fruit-bearing trees sa paligid at, ang pinakamalungkot, pagkain daw ng mga daga at pusang gala.

Hindi sila makauwi sa kani-kanilang mga probinsiya dahil sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine sa Luzon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman nagkulang at nagpabaya ang UP administration sa pagtulong sa stranded construction workers.

Nanawagan din sila sa mga employers at private contractors na tulungan ang mga laborers.

Hindi lamang ang mga construction workers ang tinutulungan ng UP administration dahil inaalagaan at inaasikaso rin nila ang stranded employees at students ng unibersidad.

Hindi naman makatulong ang barangay officials dahil hindi residente ng kanilang barangay ang mga manggagawa.

Ang mga construction workers ang isa sa mga sektor ng lipunan na pinakanaapektuhan at nasalanta ng ECQ.

Kasama sila sa mga trabahador na “no work, no pay,” kaya hindi nauubos ang mga malulungkot na kuwento tungkol sa gutom at hirap na kanilang dinaranas.

Bukod sa mga construction workers, stranded din sa UP compound ang mga indigenous people na pinuntahan ni Allan kahapon, April 19.

"Ang mga stranded na indigenous people, nasa UP din. I went there yesterday to give rice.

"Eighty to one hundred people sila, including staff who feed them who are housed in UP also,” kuwento ni Allan sa Cabinet Files ngayong Lunes ng hapon, April 20.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaninang umaga, nagsadya sa UP si Allan at ang kanyang mga kasamahan dahil nagdala sila ng apat na kaban ng bigas na hahatiin sa labing-apat na lugar na kinaroroonan ng mga construction workers.

Pero hindi ito naging sapat, kaya tatanggap na ang kanilang grupo ng mga donasyon tulad ng manok at gulay na lulutuin at kakainin ng stranded construction workers.

Para sa mga nagnanais tumulong sa construction workers sa UP compound, maaaring makipag-ugnayan kay Katrin Maria Escay sa cellphone number 0917-8316922.

UP DILIMAN STATEMENT

Kaagad namang naglabas ng bulletin ang UP Diliman kaugnay ng report na ito ng Cabinet Files.

Nilinaw sa bulletin na kinausap ng Office of the Vice-Chancellor for Planning and Development ang mga manggagawa.

Sinabi raw ng mga ito na nakatanggap sila ng P4,000 noong March 17 at P2,000 noong April 14 mula sa kanilang employers.

Narito ang buong pahayag ng UP Diliman noong April 21:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FAKE NEWS?

Pagkatapos maglabas ng bulletin ang UP Diliman, may ilang netizens na inakusahang "fake news" ang impormasyong ibinahagi ni Allan sa Facebook.

Martes, April 28, binalikan namin si Allan upang kunin ang kanyang reaksiyon sa paratang na "fake news" ang pagkain ng pusang gala at daga ng ilang construction workers na nakausap nila.

Ito ang tugon niya: "Siguro, Sir, best ko masabi is that the people saying it was fake news didn't deter me from still trying to help the workers.

"News would eventually uncover the truth of the situation.

"At the end of the day, facts reported by the news, product of the help we've rallied for the workers, and support from people we don't know but trusted us is irrefutable proof."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
428 ang bilang ng construction workers na stranded ngayon sa UP compound, matapos silang mawalan ng trabago mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine.
PHOTO/S: Courtesy of Alfred Allan Jose
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results