Akusado sa Atio Castillo hazing case, humiling ng temporary liberty dahil sa takot sa COVID-19

by Jojo Gabinete
Apr 22, 2020
Atio Castillo's mother on Mhin Wei Chan's motion for temporary release: "Naisip ba nila yung hustisya para sa amin, o sa iba pang kamukha namin na biktima na mayroon ding mga motion na nakahanda galing sa mga akusado?"
PHOTO/S: Instagram

Ang palayain siya pansamantala dahil sa coronavirus pandemic ang petisyon ni Mhin Wei Chan.

Isa si Chan sa sampung akusado sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio "Atio" Castillo III noong September 17, 2017.

Kasalukuyang nakakulong si Chan at ang ibang mga akusado na miyembro ng Aegis Juris Fraternity sa Manila City Jail.

Nangangamba si Chan para sa kanyang kalusugan dahil siksikan ang mga preso, kaya humihiling siya ng temporary liberty mula sa korte.

Bahagi ng urgent motion ng legal counsel ni Chan:

“We are aware of the fact that the Manila City Jail is notorious for being one of the most congested and overpopulated detention facilities in the Philippines, which makes it a perfect nesting place for the immediate and uncontrollable spread of the COVID-19.

"Such situation puts the life and health of herein Accused in great danger.

"His prolonged exposure to his fellow inmates or their exposure to each other can only aggravate their current situation.

Continue reading below ↓

"It will be the height of injustice if we stand by and wait for the COVID-19 to spread and infect hundred or even thousands of inmates at MCJ, which considering their overpopulation, is a very possible consequence."

ATIO'S MOM SAYS NO

Ang ina ni Atio na si Carmina Castillo ay hindi pabor na pansamantalang palayain si Chan nang dahil lang killer virus.

Halos tatlong taon na ang lumipas, pero nagdadalamhati pa rin ang ginang sa pagkamatay ng anak.

Buwelta ni Mrs. Castillo: "Naisip ba nila yung hustisya para sa amin, o sa iba pang kamukha namin na biktima na mayroon ding mga motion na nakahanda galing sa mga akusado?"

Sa Senate hearing noong October 18, 2018 tungkol sa pagkamatay ni Atio, isinalaysay ni Mrs. Castillo ang mga kaganapan kung paano nila natuklasan ang malagim na sinapit ng anak.

Nangako raw sa kanila si Atio na na uuwi ito ng bahay noong September 17.

Continue reading below ↓

Pero nag-alala raw si Mrs. Castillo nang hindi sinasagot ni Atio ang kanyang mga tawag at texts simula noong gabi ng September 16.

Lahad ni Mrs. Castillo, “He told me he was supposed to arrive before lunch.

"He promised to be home by lunch time Sunday.

"I was trying to call him up, but he never answered his phone."

Dahil sa pag-aalala sa anak, timawagan at tinext din daw ni Mrs. Castillo ang ilang miyembro ng Aegis Juris na nakalista sa flier na ipinakita sa kanila noon ni Atio.

Pero wala raw sumagot sa mga ito.

“Nobody would even tell me where he [was]. Nobody helped,” sabi ni Mrs. Castillo.

Napag-alaman sa hearing na kinuha ng isang Aegis Juris member ang telepono ni Atio habang isinasagawa ang hazing sa fraternity library.

Nalaman lang daw ni Mrs. Castillo ang nangyari sa kanyang anak nang mag-text ang isang di nagpakilalang tao noong September 18.

Continue reading below ↓

Ayon sa text, nasa Chinese General Hospital si Atio.

Pero natuklasan daw nilang patay na ang anak nila nang may magsabing hospital staff na dinala na ang mga labi ni Atio sa isang funeral parlor sa Manila.

Sa madaling salita, hindi alam ng pamilya Castillo ang nangyari kay Atio.

Kaya sabi ni Mrs. Castillo sa mga kaharap na frat members: “Tell me what happened during thosse days. You have to answer for all of that.”

Sampung miyembro ng Aegis Juris ang in-indict ng Department of Justice noong Mrch 8, 2018 dahil sa pagkamatay ni Atio.

Pero alam daw ng pamilya Castillo na guilty rin ang iba pang frat members na hindi nakasuhan ng DOJ.

Pahayag noon ni Mrs. Castillo: “Those others who were named but not included will eventually fall.

"We know that they are guilty.

"Rest assured we will not stop until everybody involved in this crime will get their fair share of justice."

Continue reading below ↓

CONGRESSMAN GARBIN OPPOSES CHAN MOTION

Kontra rin sa mosyon ni Chan si Alfredo Garbin Jr..

Si Garbin ay representative ng Ako Bicol Party-List at vice chair ng Committee on Justice sa Kamara.

Isa siya sa principal authors ng Republic Act No. 1038 o Recognizance Act of 2012.

Layunin ng batas na ito na hindi singilin ang isang akusado na walang kapasidad magbayad ng piyansa.

Para rin daw ito sa mga akusado na ang atraso ay "not punishable by death or life imprisonment."

Sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic, inirekomenda ng Committee on Justice sa Kamara na pansamantalang palayain ang "detainees in highly congested jails."

Kahit pa raw iyong mga kasong labas sa probisyon ng RA No. 10389, pero alinsunod pa rin ng "Constitution and other existing laws."

Pero para kay Congressman Garbin, hindi dahilan ang COVID-19 para pagbigyan ang hiling ni Chan.

Lalo pa't wala raw ginawa si Chan upang mabigyang-hustisya ang Atio hazing case.

Continue reading below ↓

Nagpahayag ang kongresista ng pagtutol sa kanyang Facebook post ngayong Miyerkules, April 22.

Saad niya, "Many still remember how Mr. Mhin Wei Chan and his other co-accused chose to uphold their fraternity’s code of silence rather than shed light on the hazing death of Castillo, who then was a 22-year-old freshman at UST Law when he died of 'severe blunt traumatic injuries' after undergoing the initiation rites of the Aegis Juris fraternity on September 17, 2017.

"Mhin Wei Chan, in his motion, cited the recommendation of the House Committee on Justice where I am one of the Vice-Chairmen:

"Since the current COVID-19 crisis demands prompt action, there is a need to grant provisional liberty to detainees in highly congested jails outside the provisions of RA No. 10389, but still within the bounds of the Constitution and other existing laws."

Kontra ni Garbin, hindi pasok ang kaso ni Chan sa probisyon ng batas na ito.

Continue reading below ↓

Aniya, "I trust that the prosecutor handling the case would readily see that provisions in the Recognizance Act of 2012 apply only to the release of any person in custody or detention for the commission of an offense who is unable to post bail due to abject poverty."

Hindi nakuntento si Garbin sa kanyang Facebook post dahil naglabas din siya ng video recorded message tungkol sa urgent motion ni Chan.

Dito niya sinabi na non-bailable offense ang Atio hazing case.

"Sa aking palagay po, at alinsunod sa rekomendasyon namin sa Committee on Justice, Chairman Ching Veloso, it will only apply to those cases that are bailable and those who don’t have the capacity to bail or those who are sickly, elderly and first time offenders.

"Pero to say it specifically, yung accused sa Atio hazing case, for all intents and purposes, it will not apply to them because those are not bailable offenses."

Continue reading below ↓

Ang nangyari kay Atio ang isa sa mga pinakamalaking balita sa bansa noong September 2017.

Isinadula pa ito noong November 2017 sa Imbestigador, ang investigative docudrama show ni Mike Enriquez sa GMA-7.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Atio Castillo's mother on Mhin Wei Chan's motion for temporary release: "Naisip ba nila yung hustisya para sa amin, o sa iba pang kamukha namin na biktima na mayroon ding mga motion na nakahanda galing sa mga akusado?"
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results