Xia Vigor, Ryzza Mae Dizon, Baeby Baste payag masuspinde ang klase hanggang December 2020

by Jojo Gabinete
Apr 24, 2020
Xia Vigor, Ryzza Mae Dizon, at Baeby Baste, nagsalita sa panukala ng UP experts kung paano susugpuin ang COVID-19.
PHOTO/S: Instagram

Pabor ang child stars na sina Xia Vigor, Ryzza Mae Dizon, at Baeby Baste sa proposed long-term class suspension upang sugpuin ang COVID-19 sa bansa.

Kaugnay ito ng rekomendasyon ng UP COVID-19 Pandemic Response Team, na nag-iisip ng paraan para pigilan ang pagtaas ng bilang ng mga taong dinadapuan ng virus.

Ang suspension ng mga klase hanggang sa Disyembre 2020 ang rekomendasyon ng grupo.

Pinangunahan ni Mahar Lagmay, executive director ng University of the Philippines Resilience Institute, ang isang press briefing noong Martes, April 21.

Base sa kanilang pag-aaral, mataas ang social interaction ng mga estudyanteng pumpasok sa paaralan.

Pinakamataas ang interaksyon sa mga sanggol hanggang sa graduating college students—o edad na 0 hanggang 19 years old.

Binubuo sila ng 56 percent, ayon pa rin sa pag-aaral ng mga eksperto mula sa UP.

Sumunod ang mga kabataang may edad na 20 hanggang 29 years old—na binubuo ng 29 percent.

Ang social interaction ng mga may edad na 60 pataas ay binubuo lamang ng 2 percent.

Continue reading below ↓

Base sa datos na ito, malaki raw ang mababawas sa COVID-19 transmission kung walang klase hanggang sa Disyembre.

IN FAVOR OF SUSPENSION OF CLASSES

Ang rekomendasyon ng UP experts ang dahilan kaya inalam ng Cabinet Files ang reaksiyon ng teen star na si Ryzza Mae, gayundin ang child stars na sina Xia at Baeby Baste.

XIA, 10

Naintindihan ni Xia ang panukala ng UP experts na long-term class suspension sa ngalan ng health and public safety.

May paraan daw para patuloy na matuto ang mga batang tulad niya.

Pahayag ng Miracle In Cell No. 7 star, "Pabor po ako para mas kokonti ang mamamatay.

"At para po sa akin, maraming kakayahan ang mga nanay na mag-share ng mga knowledge sa mga anak.

"Dahil mas alam ng mga nanay kung paano nila ile-level ang pagtuturo na mas maiintindihan ng mga anak."

Nag-alala naman si Xia sa mga batang walang aalalay na magulang.

Continue reading below ↓

"Pero sa kabilang side, na ang mga bata ay walang mga nanay na matiyagang tuturuan sila, or may mga case pa na inaabuso sila mismo ng kapamilya nila, baka need nilang pumasok nang mas maaga.

"Kasi baka sumasaya lang sila kapag nasa school dahil naroon ang friends nila.

“Saka po, para sa akin, may mga bagay na hindi naituturo ang school na naituturo ng mga nanay.

"Kaya ito na po yung chance na maituro nila yun sa mga anak nila."

RYZZA MAE, 14

Maiksi, pero on point ang sagot ni Ryzza Mae.

Pabor ang Eat Bulaga! mainstay ma-delay ang pagsisimula ng klase, kung ito raw ang makakatulong para maging maayos ang kalagayan ng ating bansa.

BAEBY BASTE, 7

Ang nanay naman ni Baste na si Shiela Granfon ang sumagot para sa child star.

Pabor si Shiela, lalo na raw kung patuloy na tumaas ang bilang ng mga dinapuan ng virus.

Continue reading below ↓

Pero kailangan ay tuloy pa rin daw ang pag-aaral ng bata sa bahay.

Pahayag niya, "Kapag hindi pa po na-flatten ang curve at hindi confident ang country na COVID-19 free na po tayo, pabor po ako.

"Marami naman po na paraan para makapag-aral ang mga bata tulad ni Baste.

"Puwede pong online modules, or papagawa po ng homeworks."

Lalo lang daw mag-aalala ang mga magulang kung hindi pa masigurong safe ang mga anak sa school setting.

"This is to ensure the safety sa bawat kids.

"As a parent, [gusto ko na] may peace of mind po akong ihatid sa school ang aking anak at kaya na po niya na maki-halubilo sa ibang students.”

WHAT THEY DO TO PREVENT SPREAD OF COVID-19

Sa murang edad, may mga simpleng paraan sina Xia, Ryzza Mae, at Baeby Baste para makatulong na maibsan ang COVID-19 crisis.

XIA

Aktibo raw si Xia sa paggtulong sa COVID-19 patients.

Continue reading below ↓

Aniya: "Sa kontribusyon po, siguro maswerte ako na may social media ako na nagagamit ko to create awareness.

"Kahit sa simple na tama na paghuhugas ng kamay or yung ginawa ko po sa TikTok.

"Saka tumutulong po ako sa mga charity organization to raise funds para sa Save The Children na makapamigay sa mga batang naapektuhan ng COVID-19."

RYZZA MAE

Pinayuhan naman ni Ryzza Mae ang ibang kabataang huwag maging pasaway.

"Wag po lalabas ng bahay. Mag-stay lang po sa house hangga’t may COVID-19, para po mas mapabilis po na bumalik sa normal ang lahat.

"At siyempre po, pray po lagi kay Lord na mawala na po ang pandemic na’to."

BAEBY BASTE

Sinusunod din ni Baeby Baste ang regular na paghugas ng kamay para makaiwas sa sakit.

Sabi niya: "Gagamitin ko po ang aking social media accounts upang paalalahanan ang ating mga Dabarkads na mag-stay at home lang po.

"Magsisimula po 'yonn sa ating mga sarili sa pamamagitan ng paghuhugas lagi ng kamay, maligo, at proper hygiene po."

Continue reading below ↓

Mahalaga rin daw na kumustahin ang lagay ng iba pang mahal sa buhay.

"Lagi din pong mag-check sa mga mahal natin sa buhay, to stay at home at stay healthy.

"Magpakita po ng support, empathy, and concern sa frontliners."

missing family and friends

Ramdam din nina Xia, Ryzza Mae, at Baeby Baste ang mga pagbabago buhat nang ipagbawal ang paglabas ng bahay dahil sa quarantine protocol.

XIA

Limitado raw kasi ang nagagawang aktibidades ni Xia.

"Ang nami-miss ko po ay ang outdoor activities—gaya ng swimming, football at yung cravings po na kumain sa mga restaurant."

Dagdag niya, "Miss ko na rin po ang mag-shoot at mag -taping ng Team Yey. Miss ko na rin po ang manood ng movie sa mga cinema."

Si Xia ay bahagi ng Team Yey, isang kid-oriented show sa Yey Channel ng ABS-CBN TV Plus.

RYZZA MAE

Nami-miss naman ni Ryzza Mae ang Dabarkads sa Eat Bulaga, ang noontime show sa GMA-7.

Continue reading below ↓

Sabi pa niya, "Bukod sa Eat Bulaga, nami-miss ko na po na lumabas at magpunta po ng mall, tulad nang dati."

BAEBY BASTE

Sinusulit naman ni Baeby Baste ang bonding kasama ng kanyang pamilya.

"Parang mas nakaka-miss po itong quality times with my family.

"Dahil nga po sa work, minsan po, wala na tayong time sa bahay.

"Ito po yung time na more bondings, more quality time.

"A time to eat together, pray, play and learn together," sabi ng Eat Bulaga! mainstay.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Xia Vigor, Ryzza Mae Dizon, at Baeby Baste, nagsalita sa panukala ng UP experts kung paano susugpuin ang COVID-19.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results