Pinoy, saksi sa tagumpay ng Vietnam laban sa COVID-19

by Jojo Gabinete
Apr 24, 2020
Pinay na si Cielo Superticioso, ibahagi na ang favorite Vietnamese restaurant ang una niyang pinuntahan pagka-lift ng lockdown sa Vietnam.

Nagsimula kahapon, April 23, ang pagbabalik sa normal na pamumuhay ng mga mamamayan sa Vietnam.

Hindi na ito nanganganib sa banta ng COVID-19 kaya unti-unti nang inaalis ng Vietnamese government ang ipinatupad na lockdown noong April 1, 2020.

Sa kasalukuyan, 248 ang bilang ng confirmed cases ng COVID-19 sa Vietnam. 224 ang bilang ng mga gumaling, at walang record ng namatay.

Sa sampung bansang miyembro ng Association of Southeast Nations (ASEAN), ang Vietnam ang kauna-unahang nagdeklara ng lifting of lockdown.

Noong 2018, naitala ng Ministry of Foreign Affairs na 25,000 ang mga Pinoy na naninirahan sa Vietnam.

Sampung libo rito ay Filipino professionals, kasama ang kanilang pamilya, na naninirahan sa Ho Chi Mhin City.

Tumatanggap ng papuri ang Vietnamese government dahil sa mahusay na pagkontrol nila para hindi kumalat ang coronavirus.

Ngayong gabi, April 24, nakipag-ugnayan ang Cabinet Files kay Cielo Superticioso, ang Pilipina mula sa Iloilo City na anim na taon nang naninirahan at nagtatrabaho sa Ho Chi Minh City.

Continue reading below ↓

CONTACT TRACING

Tinanong namin siya tungkol sa preventive measures na ipinatupad ng Vietnamese government para labanan ang COVID-19.

Sinabi ni Cielo na mabilis ang naging pagkilos ng Vietnamese government pagdating sa contact tracing.

Inalaman agad ang travel history sa ibang bansa ng mga taong may COVID-19.

Kaya raw mababa lang ang bilang ng mga nagpositibo sa virus at walang nagbuwis ng buhay dahil dito.

Sa madaling-salita, simple at walang malaking sikreto ang Vietnamese government maliban sa pagiging maagap—na hindi nagawa ng lider ng ibang mga bansa.

WALANG PASAWAY?

Sinabi ni Cielo na may mga Vietnamese at mga dayuhang lumalabag sa mga ordinansa na pagsusuot ng face mask at social distancing measures.

Pero iilan lamang daw ang violators at mas marami ang sumusunod.

Tinanong si Cielo kung may mga kababayan tayong naging pasaway sa Vietnam, tulad ng nangyari sa Italy sa panahon ng COVID-19.

Sagot niya, walang ganoong insidente roon.

Ipinagmalaki pa niya ang mga donation drive na ginawa ng mga Pilipino sa Vietnam habang naghihintay sila ng assistance mula sa Philippine Embassy.

Continue reading below ↓

Si Cielo ang administrator ng Facebook page ng Filipinos in Vietnam Support Group.

PRIORITY AFTER LOCKDOWN: GO TO FAVORITE RESTO

Nang makausap siya ng Cabinet Files nitong Biyernes ng hapon, kumakain siya ng kanyang favorite Pho noodles sa isang Vietnamese restaurant.

Ito ang unang pinuntahan ni Cielo pagka-lift ng lockdown.

"Noong April 1 ang total lockdown at kahapon, April 23, na-lift.

"It’s been seven days of no new COVID-19 case," ani Cielo.

Dati raw siyang teacher sa Iloilo at Vietnam bago nagtrabaho bilang marketing/content manager sa kompanya na pag-aari ng isang Pilipino roon.

Sa May 4 ay nakatakdang magsimula ang klase ng mga estudyante.

Sabi pa ni Cielo, "I feel safe here in Vietnam. Even during the lockdown, people can still go outside to walk or run.

"Personally, yung only fear na na-feel ko during the lockdown was mental exhaustion."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinay na si Cielo Superticioso, ibahagi na ang favorite Vietnamese restaurant ang una niyang pinuntahan pagka-lift ng lockdown sa Vietnam.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results