Sunshine Guimary, ang babaeng naagawan ni Ivana Alawi

by Jojo Gabinete
Apr 25, 2020
Sunshine Guimary in flesh-toned two-piece bikini. Ivana Alawi in orange two-piece bikini
Aminado si Sunshine Guimary (kaliwa) na nanghihinayang siya sa pagkakataong nakaalpas sa kanya at napunta kay Ivana Alawi (kanan).
PHOTO/S: Instagram: @sunshine_guimary, @ivanalawi

Dahil sa extension ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon hanggang May 15, malabo na matuloy ang plano ni Sunshine Guimary na bumalik sa Metro Manila.

Nasa Metro Manila sana si Sunshine sa susunod na buwan para sa kanyang acting workshop at sa pagsisimula ng kanyang showbiz career.

Cebu-based si Sunshine at pumirma siya ng exclusive contract sa Viva Artists Agency (VAA) noong March 12.

Continue reading below ↓

Sa interview sa kanya noon ng Cabinet Files, sinabi ni Sunshine na uuwi muna siya sa Cebu at babalik sa May na posibleng hindi nga mangyari dahil sa coronavirus pandemic.

Tiyak na hindi kilala si Sunshine ng mga kababaihan pero popular na popular siya sa mga kalalakihan dahil sa kanyang provocative pictures sa Instagram.

Continue reading below ↓

Mahigit na sa isang milyon ang bilang ng followers niya na kinabibilangan ng isang celebrity Metro Manila mayor, mga male showbiz personality, at mga foreigner.

Hindi itinanggi ni Sunshine na nakilala siya dahil sa mga sexy photo sa kanyang Instagram account.

Naging instrumento ito para ipahanap siya ng VAA at papirmahin ng exclusive contract.

Continue reading below ↓

“Na-discover ako ng VAA dahil sa social media, sa Instagram ko. Ngayon, I have more than one million followers," sabi ng 25-year-old Cebu-based model.

“Tinawagan ako ng VAA at ginrab ko na ang offer nila.

"Dati naman, hindi ko pangarap na maging artista. Pero sa social media, marami ang nagpu-push sa akin.”

Wala raw talagang kahirap-hirap ang pagpasok niya sa showbiz.

Sa mga komento na puwede siyang itapat sa rising sexy star na si Ivana Alawi, binanggit ni Sunshine na may role sana para sa kanya sa Ang Probinsyano.

Continue reading below ↓

Tinanggihan nga lang daw niya kaya napasakamay ito ng former StarStruck Season 6 aspirant.

“Actually, tinawagan ako para sa Ang Probinsyano dahil nakita nga nila ako sa social media. Naghahanap sila ng may potential na beginner 'tapos sexy figure.

“Yung role, parang sugar daddy si Eddie Garcia, yun ang first appearance ni Ivana.

"Tinawagan ako ng direktor, nag-cam-to-cam kami, sabi niya, pasok na ako sa Ang Probinsyano.

“Parang biglaan… parang first time ko sa showbiz. Ang layo ng Manila. Hindi mo naman mapi-feel kapag nasa probinsya ka.

“Natagalan ang desisyon ko, after one week pa. Parang hindi na sila nakapaghintay.

“Then one time, nag-chat uli kami ng direktor. Sabi niya, ‘Kilala mo si Ivana?’

“Sabi ko, 'Sino siya, sir?' Kasi nga beginner siya.

"Sabi niya, ‘Yun dapat ang role mo.’"

Inamin ni Sunshine na nanghinayang siya sa oportunidad na pinalampas. Kaya nang matanggap niya ang alok ng Viva, hindi na siya nagdalawang-isip pa.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aminado si Sunshine Guimary (kaliwa) na nanghihinayang siya sa pagkakataong nakaalpas sa kanya at napunta kay Ivana Alawi (kanan).
PHOTO/S: Instagram: @sunshine_guimary, @ivanalawi
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results