Commonwealth Hospital and Medical Center, hindi raw tinanggihan si Katherine Bulatao

by Jojo Gabinete
Apr 28, 2020
Ayon sa assistant hospital administrator ng Commonwealth Hospital and Medical Center, ang pamilya ni Katherine Bulatao ang nagdesisyong ilipat sa ibang opsital ang pasyente matapos hindi ito mabigyan agad ng kuwarto. Paliwanag pa ng ospital, wala silang alam sa kundiyon ng pasyente dahil wala itong record mula sa pinanggalingang ospital.
PHOTO/S: Courtesy of Smart Parenting

Pinabulaanan ng Commonwealth Hospital and Medical Center sa Quezon City ang paratang na tinanggihan nila ang pasyenteng si Katherine Bulatao nang dalhin ito sa ospital noong April 24, 2020.

Sa panayam ng Cabinet Files sa asawa ni Katherine na si Jan Bulatao noong April 25, sinabi nitong kabilang ang Commonwealth Hospital and Medical Center sa anim na ospital na tumangging tanggapin ang kanyang misis.

Nakaranas ng bleeding o pagdurugo si Katherine matapos isilang ang kanilang bunsong anak dahil hindi lumabas ang inunan ng sanggol.

Buong pahayag ni Jan: "Nagpunta po kami sa Commonwealth Hospital, sa likod ng SM Fairview, mga 5 p.m. na po.

"Pina-fill up po ako ng form at yung nanay ni Misis, tiningnan niya kung may available operating room.

“Pagbaba po nila, wala na raw pong bakante.

"Si Misis po, okey pa noon. Nagagalit pa nga siya dahil gusto niyang uminom ng tubig kaso hindi puwede dahil may suwero at oxygen siya. Malakas pa po siya nun.

Continue reading below ↓

“Nung walang bakanteng kuwarto, itinuro po kami sa FEU Medical Center sa Dahlia Street, Fairview."

COMMONWEALTH HOSPITAL ANSWERS BULATAO'S ALLEGATIONS

Nakausap ng Cabinet Files sa telepono si Dr. John Rosello Madrid, assistant administrator ng Commonwealth Hospital and Medical Center, ngayong Martes ng umaga, April 28.

Nilinaw nito ang mga naging pahayag ni Jan.

Ayon kay Dr. Madrid, dumating sa kanilang ospital si Katherine noong April 24, Sabado, bandang 6:30 ng gabi.

Kasama raw nito ang asawang si Jan, ang kanyang ina, isang pinsan, at dalawa umanong healthcare workers.

"Upon interview with the relatives, nalaman namin na 3 p.m. pa pala siya nanganak.

"Then, initially, the patient was brought to North Caloocan Doctor’s Hospital.

"Due to persistent vaginal bleeding kaya siya dinala doon.

"According din naman sa news, dahil sa placental fragments.

"However, due to unknown reason, dinala po siya dito sa ospital namin without any coordination," bungad na kuwento ni Madrid tungkol sa kaso ni Katherine.

Continue reading below ↓

Kasunod nito ay ipinaliwanag ni Dr. Madrid ang kundisyon ng pasyente nang dumating ito sa kanilang opsital.

"Sa emergency triage area, dun siya nakita ng triage nurse namin who immediately took her vital signs.

"At that time, patient was conscious, coherent.

"In-advise namin yung patient to go inside the emergency room area in order to be properly assisted and managed."

Tumanggi raw ang mga kamag-anak ni Katherine dahil mas gusto raw ng mga ito na ma-admit ito at kumuha ng kuwarto.

Ayon kay Dr. Madrid, "The room should be secured first, so siyempre, the ER nurse, although they insist na ipasok yung pasyente, since stable naman, they obliged the patient to go to the admitting office.

"Binigyan siya ng admitting slip, then the mother and yung cousin, they proceeded to the admitting office.

"Yung admitting staff, pina-fill up sila ng form, yung patient data sheet.

"And then, after asking questions about data ng pasyente, tina-try na ng admitting staff namin to secure a room."

Continue reading below ↓

UNCOORDINATED TRANSFER

Nilinaw ni Dr. Madrid na hindi agad nila nabigyan ng kuwarto si Katherine dahil ang kaso nito ay "uncoordinated transfer."

Ibig sabihin, wala raw silang alam kung ano ang kundisyon ng pasyente.

"Hindi pa namin alam, wala pa kaming diagnosis ng patient.

“What we really do is dapat ma-assess talaga sa ER.

"So, I understand with the admitting office namin, hindi pa ito naa-assess sa ER. Of course, they’re having difficulty finding and securing a room.

“Ang sabi ng admitting namin sa kanila, ‘Ma’am, tina-try po namin na i-secure yung room.'

"Kasi, of course, we are handling COVID-19 suspect patients.

"We are advising na dalhin muna sa ER yung pasyente kasi inaayos pa yung room na puwede nilang gamitin."

Pero bigla raw nagdesisyon ang mga kaanak ni Katherine na ilipat na lang ito sa ibang ospital.

Lahad ni Dr. Madrid, "Nung ibinabalik na sila sa ER, hindi namin alam, maybe they decided na lang na ilipat yung pasyente.

Continue reading below ↓

"Sa ER pa rin, in-advise namin sila na ipasok yung patient.

"Siyempre, magpapa-sign pa kami ng waiver.

"Nung in-express nila yung intention to transfer, we told them na kailangan sila magsulat sa waiver."

Dagdag nito, "We want sana nga is, number one, proper coordination sana.

"Mahirap din naman na bigla na lang laging bulaga.

"Bigla na lang dumarating yung patient and, of course, na-assess na ito [pasyente] sa kabilang ospital.

"Nung ma-assess siya sa kabilang ospital, alam na ng relatives yung assessment, that’s why maybe yun ang reason kung bakit pinipilit nila na sa admitting muna sila pumunta."

PROPER PROTOCOL

Iginiit ni Dr. Madrid na sinunod nila ang proper protocol sa pag-a-admit ng pasyente.

Una, dalhin ang pasyente sa emergency room para ma-assess ito.

Pero ayaw raw ng mga kamag-anak na dalhin si Katherine sa emergency room.

Patuloy ni Dr. Madrid, "Yung sa admitting staff naman, hindi naman medical yung nasa loob ng admitting staff, of course they wouldn’t know kung anong room dapat yung patient."

Continue reading below ↓

Wala rin daw silang nakuhang abstract o impormasyon tungkol sa pasyente mula sa pinanggalingan nitong ospital.

"Ang importante po kasi is ma-manage yung case ng patient within the emergency room.

“At least, yung initial management, kahit po sabihin natin na ilang oras po silang mag-aantay sa kuwarto, e, maa-admit at maa-admit naman," saad ng assistant hospital administrator ng Commonwealth Hospital and Medical Center.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa assistant hospital administrator ng Commonwealth Hospital and Medical Center, ang pamilya ni Katherine Bulatao ang nagdesisyong ilipat sa ibang opsital ang pasyente matapos hindi ito mabigyan agad ng kuwarto. Paliwanag pa ng ospital, wala silang alam sa kundiyon ng pasyente dahil wala itong record mula sa pinanggalingang ospital.
PHOTO/S: Courtesy of Smart Parenting
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results