Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Movie producers, nagsalita tungkol sa epekto ng COVID-19 pandemic sa film industry

by Jojo Gabinete
Apr 28, 2020
Big bosses na sina Roselle Monteverde (kaliwa) ng Regal Entertainment, Vincent del Rosario (gitna) ng Viva Films, at Robbie Tan (kanan) ng Seiko Films, nagsalita tungkol sa estado ng Philippine movie industry sa panahon ng COVID-19 crisis.
PHOTO/S: Noel Orsal / Viva Films

Ipatutupad simula sa May 1 ang General Community Quarantine (GCQ) sa mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19.

Ito ay iyong moderate-risk at low-risk areas kaya maaari nang magbukas ang mga mall at ang ibang mga business establishment sa mga lugar na ito.

Pero hindi kasama sa listahan ang mga sinehan sa pinayagang mag-operate muli.

Kaugnay nito, inalam ng Cabinet Files mula sa tatlong kilalang movie producers ang kanilang opinyon tungkol sa magiging kapalaran ng local movie industry.

ROBBIE TAN OF SEIKO FILMS

Positibo ang sagot ng Seiko Films producer na si Robbie Tan.

Hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ng ibang mamamatay ang industriya ng pelikulang Pilipino.

Pahayag ni Tan: "Hindi pa rin mamamatay pero matatagalan bago bumangon—mga four to five months.

"Aangat at lalakas pagkatapos ng COVID-19 pandemic kasi it’s a kind of escape para sa mga tao.

"Lalakas ang TV at mga online exhibitions like Netflix at mga TV dramas, like Crash Landing On You."

Continue reading below ↓

Hindi na aktibo na ngayon aktibo sa pagpu-produce ng pelikula ang Seiko Films, na nakilala sa "ST films" noong dekada '90.

VINCENT DEL ROSARIO OF VIVA FILMS

Hindi nalalayo sa pahayag ni Tan ang sagot ni Viva Films producer Vincent del Rosario.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Naniniwala siyang lilipas muna ang ilang mga buwan bago bumalik ang mga tao sa panonood ng sine.

Pahayag ni Vincent, "I think there will be a few months before we see people slowly coming back to the cinemas.

"At the end of the day, what would make people start watching movies again in theaters are good films.

"Kailangan maganda and worth their time.

"I also see a parallel wag of consuming content.

"Yung traditional way sa moviehouse and yung modern way through the streaming platforms."

ROSELLE MONTEVERDE OF REGAL ENTERTAINMENT

Para kay Roselle Monteverde ng Regal Entertainment Inc., dapat magpatuloy ang movie producers sa paggawa ng magagandang pelikula na tatangkilikin ng mga tao.

Continue reading below ↓

Pero dapat tingnan muna raw ang public behavior tungkol sa pagpunta sa mga sinehan.

need for BETTER healthcare system

Tinanong din namin kina Robbie, Vincent, at Roselle ang mga pagbabago na nais nilang makita kapag natapos na ang coronavirus pandemic.

Ayon kay Robbie, "After three months, gusto kong makita na babalik ang kabuhayan ng mga tao at babalik ang mga tao sa mall para kumain at mag-shopping."

Ang improvement naman ng health care system sa ating bansa ang gustong mangyari ni Vincent.

Sabi ng anak ni Boss Vic del Rosario, "That the healthcare system in the country improves so that when we confront something like this again, we’ll be better prepared."

QUICK RESPONSE FROM THE GOVERNMENT

Naging brutally frank naman si Roselle sa mga pinapangarap nitong matupad kapag nagwakas na ang health crisis sa Pilipinas na hatid ng COVID-19.

Sana raw ay aksiyunan agad ng gobyerno ang pangangailangan ng mga mamamayan.

Continue reading below ↓

Saad ng anak ni Mother Lily, "Mawala sana ang red tape, corruption, at mga gusto lang magpabida at pumapel.

"At isagawa ang ikabubuti ng lahat—regardless if for fame or just to gain points from the electorate.

"Maging realistic sa mga projection at huwag puro drawing lang."

Dagdag ni Roselle, "Maging honest sila sa mga tungkulin nila at ipakita na worthy ang ibinabayad na buwis para sa ikauunlad ng ating infrastructure sa lahat ng mga sector."

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Big bosses na sina Roselle Monteverde (kaliwa) ng Regal Entertainment, Vincent del Rosario (gitna) ng Viva Films, at Robbie Tan (kanan) ng Seiko Films, nagsalita tungkol sa estado ng Philippine movie industry sa panahon ng COVID-19 crisis.
PHOTO/S: Noel Orsal / Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results