Edu Manzano, Malou Choa-Fagar, Liza Lorena umalma sa patuloy na quarantine ng senior citizens; tinawag itong "discriminatory"

by Jojo Gabinete
Apr 29, 2020
Tumutol sina (mula kaliwa) Edu Manzano, Malou Choa-Fagar, at Liza Lorena sa ordinansang magbabawal sa senior citizens lumabas ng tahanan sa ilalim ng GCQ. Sa ngayon, sa ilalim ng ECQ ay bawal na silang lumabas ng bahay. Ibig sabihin, tuloy-tuloy na "house arrest" ang mangyayari.
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

Maingay na tumututol ang maraming senior citizens sa ordinansang magbabawal sa kanilang lumabas ng tahanan dahil sa paniwalang madaling tamaan ng COVID-19 ang may edad na 60 pataas.

Ipatutupad ang mandatory quarantine sa senior citizens kapag nagsimula na sa May 1 ang General Community Quarantine sa ilang lugar sa Pilipinas.

Ibig sabihin ay tuloy-tuloy ang pagbabawal sa senior citizens lumabas ng bahay dahil ganito na ang kalakaran ngayong may mas mataas na quarantine level, ang Enhanced Community Quarantine.

Hindi nga naman maintindihan kung bakit naka-virtual "house arrest" ang senior citizens.

Ibig sabihin ba nito ay wala na silang productive years na natitira? Wala nang mako-contribute sa iba't-ibang larangan? Wala nang maaaring investments na makakatulong sa iba? Wala nang maiaambag pa sa lipunan?

Kung si President Rodrigo Duterte nga na nagpapatakbo ng buong bansa ay 75 years old, di ba ibig sabihin nito'y ang edad 75 ay productive pa?

Bakit lilimitahin ang mundo ng lahat ng 60 pataas?

Continue reading below ↓

Ngayong Miyerkules ng hapon, April 29, pinagpasa-pasahan sa social media ng mga “naghihimagsik” na senior citizens ang appeal letter na inaasahang makararating sa mga policymakers.

Naglalaman ito ng panawagan sa pamahalaan na "protection not isolation" ang kailangan ng senior citizens na walang problema sa kalusugan.

Ito ang kabuuan ng appeal letter na kumakalat sa social media:

Continue reading below ↓

Hiningi ng Cabinet Files ang opinyon ng ilang senior citizens mula sa entertainment industry tungkol sa appeal letter na ito.

EDU MANZANO, 64

“Of course, I am in favor,” reaksiyon ng aktor na si Edu Manzano tungkol dito.

Kinuwestiyon ni Edu ang pinagbasehan ng data na nagbabawal sa senior citizens na lumabas ng bahay sa ilalim ng GCQ.

Saad niya, "Yung sinasabi kasi ng iba na kaya sila umabot sa ganoong klase ng desisyon ng gobyerno, e, dahil ‘yan po ay science-based, hindi lang dahil sa data.

"Ang point ko, gaano na ba katagal sinasabi ng mga scientist, ng mga dalubhasa na 60 is the new 40, 50 is the new 30?

"Sa facility, to acquire yung mga treatment o mga gamot ngayon at yung healthy living, nagbago na talaga ang sinasabing scientific data."

Sabi pa ni Edu tungkol sa "house arrest" na gagawin sa mga senior citizen:

"So katulad ko, I’m 64, pero nakakatakbo ako, nakakapagbuhat pa ako, nakakapag-practice pa ako ng martial arts.

Continue reading below ↓

"Ayoko yung basta mo na lang ako isasantabi.

"Marami pa akong maaaring maging kontribusyon na positibo, hindi lang sa pamilya ko kundi pati sa society."

Saad pa niya, "I think it would be unfair kung ipi-pigeon hole mo yung tao.

"Baka puwede nilang iurong sa 70 years old?

"Nasa pag-aalaga mo ‘yan sa sarili mo. It doesn’t mean na kapag umabot ka sa isang edad, automatic na you fall under this category.

"Last year, nagsasabi nga sila tungkol sa healthy living, mae-extend yung buhay mo, tapos ngayon bigla kang ikukulong?

"Huwag tayo agad-agad magmamadali na ikahon agad yung mga senior citizen.

"It’s becoming discriminatory.

"In the absence of data, kapag sinabing 60 ka na, matanda ka na."

Hamon pa ni Edu: "Sabi nga nila, 60 is the new 40 and I’m willing to prove it!”

MALOU-CHOA FAGAR, 64

Ayon naman sa TAPE, Inc. executive na si Malou Choa-Fagar, dapat ma-assess ang panukalang magbabawal sa senior citizens lumabas.

Continue reading below ↓

Saad niya, "Not all companies are capable of work from home.

"As long as the senior is still strong to work or to move around, puwede sana.

"Ganoon pa rin, wear a mask, practice social distancing, kaya naman yun."

LIZA lorena, 70

Sinang-ayunan din ito ng veteran actress na si Liza Lorena.

Aniya, "Seniors who are still strong, healthy, and can still work shouldn’t be confined in their homes.

"Lalo lang iigsi ang buhay nila."

Hiniling din ni Liza na ipagdasal ng lahat na huwag nang mangyari sa ating bansa ang kinatatakutang second at third wave ng COVID-19 pandemic.

Kabilang din sa nag-share ng appeal letter sa kanyang social media account ay ang direktor na si Chito Roño.

“I shared it. I agree,” sabi ng premyadong filmmaker.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tumutol sina (mula kaliwa) Edu Manzano, Malou Choa-Fagar, at Liza Lorena sa ordinansang magbabawal sa senior citizens lumabas ng tahanan sa ilalim ng GCQ. Sa ngayon, sa ilalim ng ECQ ay bawal na silang lumabas ng bahay. Ibig sabihin, tuloy-tuloy na "house arrest" ang mangyayari.
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results