Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Boy Abunda sa patuloy na house arrest ng mga 60 years old and above: "It’s marginalizing healthy seniors."

by Jojo Gabinete
Apr 30, 2020
Boy Abunda: "So, in one word, do not marginalize the seniors. Aralin lang na mabuti. To me, it’s discriminatory to a certain point."
PHOTO/S: Jet Hitosis

Muling pag-uusapan ang guidelines para sa senior citizens sa ilalim ng isang General Community Quarantine (GCQ).

Gagawin ito ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases—o IATF—matapos umalma ang maraming senior citizens sa "house arrest" na ipatutupad.

Una nang sinabi ng IATF na ang mga mamamayang edad 60 pataas ay hindi pahihintulutang lumabas ng bahay—kahit ma-downgrade pa ang kanilang lugar sa GCQ mula ECQ (Enhanced Community Quarantine)—dahil susceptible diumano sila sa COVID-19.

Para sa award-winning television host na si Boy Abunda, na isa ring senior citizen, nararapat na pag-aralang mabuti ang GCQ guideline na ito.

Sa kanyang pananaw, ito ay discriminatory.

Inihayag ni Boy ang saloobin sa isyu nang makausap siya ng Cabinet Files sa telepono nitong Miyerkules ng hapon, April 29.

"They’re marginalizing a big part of the population, lalo na yung 60 to 65 years old," sabi niya.

"Maganda yung intent ng panukala, pero ang pananaw ko, there’s a big chunk of healthy seniors.

Continue reading below ↓

"And nalaman natin in the past months that COVID-19 just doesn’t attack seniors, although vulnerable sila.

"Pero kung titingnan mo ang data ay walang piniling edad."

SENIOR CITIZENS IN GOVERNMENT

Dapat lang pag-aralan itong mabuti dahil, una raw, karamihan ng namumuno sa gobyerno ay senior citizens.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kabilang rito ang pinakamataas na public official ng bansa, si Pangulong Rodrigo Duterte, na 75 years old na.

Pahayag ni Boy, "Ang thinking ko ay pag-aralan pang mabuti because leaders of industries, even government and various agencies, are mostly seniors.

"A lot of the first and second layers of offices or government agencies are seniors.

"And these are people who have to move around to be able to implement programs and policies.

"Sa mga industriya rin, private industries, marami rin."

Dagdag niya, "So, in one word, do not marginalize the seniors. Aralin lang na mabuti.

"To me, it’s discriminatory to a certain point."

Nilinaw ni Boy na hindi niya pinagdududahan ang magandang intensiyon ng IATF, pero masyado raw naging mabilis ang desisyon sa panukalang tinututulan ngayon ng senior citizens.

Continue reading below ↓

"Kasi ang sinasabi nila, baka mahina na, vulnerable, mas susceptible.

"The intent is good, pero sa palagay ko, 60 is the new 50.

"Ang dami lang madi-disenfranchise na mga senior who can contribute so much in this time of crisis.

"You have to also remember na most of these decisions are made really quickly.

"It is our responsibility to react, to respond, and to engage people in healthy conversations.

"This is not the time also to be divided. This is not also a time to quarrel.

"I don’t think we should get there.

"Yung may disagreement tayo, pag-usapan nating mabuti.

"Pero ako, halimbawa, in normal times, it’s really discriminatory.

"It’s marginalizing healthy seniors," saad niya.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boy Abunda: "So, in one word, do not marginalize the seniors. Aralin lang na mabuti. To me, it’s discriminatory to a certain point."
PHOTO/S: Jet Hitosis
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results