Kris-Eric, Marian-Dingdong, Angel-Richard movies free streaming sa Facebook page ng Regal

by Jojo Gabinete
Apr 30, 2020
Three rom-com movies in one day... for free! Mapapanood sa Facebook page ng Regal Entertainment bukas, May 1, ang mga pelikulang So... Happy Together, You To Me Are Everything, at I Will Always Love You.
PHOTO/S: Regal Entertainment

Libreng mapapanood sa Facebook page ng Regal Entertainment bukas, May 1, ang tatlong mga pelikula nila.

Ito ang So... Happy Together (2004), I Will Always Love You (2006), at You To Me Are Everything (2010).

"This is actually exciting,” sabi ni Regal producer Roselle Monteverde nang makausap siya ng Cabinet Files sa telepono ngayong gabi, April 30, tungkol sa free movie streaming ng kanilang mga pelikula.

Naisakatuparan daw ito dahil sa partnership nila sa Facebook at Globe Broadband.

"We will have for the first time, premiere on Facebook of the Regal movies for free.

"Nag-brainstorm kami with Facebook at ang hashtag is #StayAtHomeCinema and #RegalMovieAtHome.

"The exciting thing is, for the first time, we will have live chats of lead actors before each movie.

"May mga ad na ang Facebook ang bahala na maglagay.

"All monetary [income] will be donated to COVID-19 relief program and for our frontliners."


Continue reading below ↓

Nagpapasalamat si Roselle sa mga artista ng mga nabanggit na pelikula dahil libre ang participation nila sa live chat at question-and-answer session.

Ang So... Happy Together ang 2004 movie ng Regal na pinagbidahan nina Eric Quizon at Kris Aquino.

Mula sa direksyon ni Joel Lamangan ang pelikula, kaya magkakaroon si Direk Joel at si Eric ng Facebook live chat at Q&A mula 11 a.m. hanggang 11:30 a.m. bago mag-umpisa ang streaming ng So... Happy Together.

Mga bida ng You To Me Are Everything sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

May live chat session din ang married Kapuso couple, mula 3 p.m. hanggang 3:30 p.m., bago simulan ang streaming ng pelikula nila.

Lastly, sina Angel Locsin at Richard Gutierrez ang makakausap ng fans sa live chat na naka-schedule ng 5:30 p.m.

Susundan agad ito ng streaming ng I Will Always Love You, ang Valentine’s Day movie nila na idinirek ni Mac Alejandre at napanood sa mga sinehan noong February 2006.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Three rom-com movies in one day... for free! Mapapanood sa Facebook page ng Regal Entertainment bukas, May 1, ang mga pelikulang So... Happy Together, You To Me Are Everything, at I Will Always Love You.
PHOTO/S: Regal Entertainment
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results