Koronadal City, dahan-dahang bumabalik sa normal dahil wala nang COVID-19 cases

by Jojo Gabinete
May 2, 2020
Nagbukas muli ang malls at iba pang establishments sa Koronadal City, South Cotabato, simula nitong May 1. Ito ay matapos ipatupad ang Modified General Community Quarantine dahil wala nang COVID-19 cases sa lungsod.
PHOTO/S: Courtesy of Rels Rendaje

Nagbukas na muli ang mga mall at ibang business establishments sa Koronadal City, South Cotabato, kahapon, May 1.

Wala na kasing kaso ng COVID-19 sa naturang lugar kaya ipinatutupad na ang Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Ang businessman at barbershop owner na si Rels Rendaje, residente ng Koronadal City, ang nagbigay sa Cabinet Files ng impormasyon tungkol sa kanyang mga nasaksihan sa desisyon ng pamahalaang dahan-dahang ibalik sa normal ang pamumuhay ng mga tao sa kanilang siyudad.

Ang matagal na pagsasara ng mga mall ang dahilan kaya nasabik ang mga taong dumagsa sa KCC Mall of Marbel nang magbukas ito kahapon.

Pero tiniyak ng management ang mahigpit na pagpapatupad sa social distancing.

Nasa loob ng mall ang barbershop na pag-aari ni Rendaje.

Saad niya, "Ang barber namin is anim, pero ang puwede lang mag-duty is apat, kasi dapat one seat ang pagitan ng mga kostumer.

"Maliit lang ang aming area sa mall, so ang ginawa namin, kapag may waiting, dalawa lang ang puwedeng umupo sa waiting area.

Continue reading below ↓

"Nag-advise na lang kami na wala nang waiting.

"Binibigyan namin sila ng mga number at kinukuha namin ang kanilang cellphone number para tawagan na lang sila kapag turn na nila na gupitan."

CLUSTERING SYSTEM

Nang mag-announce ang Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases tungkol sa pagpapatupad ng Modified General Community Quarantine mula May 1, sinabi nilang pahihinaan ang mga airconditioning unit at aalisin ang mga WI-Fi connection sa mga mall para hindi tumambay ang mga tao.

Kinumpirma ito ni Rendaje sa Cabinet Files.

"Tinanggal na yung Wi-Fi, so wala nang Wi-Fi, pero tuloy pa rin ang clustering dito sa amin.

"Kung ano ang araw ng clustering namin, iyon pa rin ang araw na puwede kaming lumabas at pumunta sa mall."

Sa clustering system, may takdang araw na maaaring lumabas ang mga residente.

"So, hindi pa talaga maluwag na maluwag ang sitwasyon.

"At yung mga Sunday namin, no movement pa rin.

Continue reading below ↓

"Sarado pa rin ang lahat kapag Sunday, except ang mga ospital at pharmacy."

Ayon pa kay Rendaje, hanggang May 15 ang MGCQ sa Koronadal City.

"Oobserbahan muna kung ano ang magiging action hanggang May 15.

"Marami ang nagkokomento na huwag masyadong kampante dahil zero ang kaso ng COVID-19.

"Kaya may mga precautionary measure pa rin na ginagawa.

"Like, sa ibang mga municipality, may araw na tatlong municipality lang ang puwedeng pumunta sa Koronadal, at one person per family lang ang makakapasok sa city namin."

BUSINESS AFFECTED

Bukod sa barbershop, si Rendaje ay nagmamay-ari rin ng travel agency at exporter ng mga pinya sa South Korea, Hong Kong, at Iran.

Naapektuhan daw nang husto ng coronavirus pandemic ang kanyang mga negosyo.

“Affected ang export business namin dahil walang mga barko.

"Alam niyo naman na container ang ginagamit for delivery kaya sa barko isinasakay ang mga pinya.

"Apektado rin ang travel agency at ito ang pinakamasaklap… pinakamasakit dahil ang dami nang cancellation ng mga biyahe.

Continue reading below ↓

"Sabi nila, next year na lang daw sila bibiyahe.

"Talagang ang industriya ng turismo is patay," nanghihinayang pahayag ni Rendaje.

Gustung-gusto raw ni Rendaje na magpadala ng tulong sa mga apektado ng COVID-19 sa Luzon, pero hindi niya magawa dahil kanselado nga ang biyahe ng mga eroplano at barko.

"Nagtanong ako sa airport pero wala talagang mga flight para makapagpadala man lang sana kami ng tulong sa Luzon."

Masuwerte raw sila sa Mindanao dahil maraming mapagkukuhanan ng pagkain dahil malawak ang lupain doon.

"Wala kaming gutom dahil sa mga pananim na kamote, saging, mga prutas at gulay.

"Dahil walang movement ang products dito, ang style namin is barter system.

"Kung ano ang meron ako, ipo-post ko sa barter online page namin.

"Like, for example, may mga grocery ako, iba-barter ko ng isang box ng gatas, puwede kaming mag-exchange kung magkano ang equivalent.

"Wala kaming inilalabas na pera, parang bayanihan din siya in a sense," sabi ni Rendaje.

Continue reading below ↓

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagbukas muli ang malls at iba pang establishments sa Koronadal City, South Cotabato, simula nitong May 1. Ito ay matapos ipatupad ang Modified General Community Quarantine dahil wala nang COVID-19 cases sa lungsod.
PHOTO/S: Courtesy of Rels Rendaje
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results