DepEd, inanunsiyo na August 24 na ang pagbubukas ng klase

by Jojo Gabinete
May 5, 2020
Department of Education Secretary Leonor Briones:"A ng napili nating school opening ay August 24. Pero hindi ibig sabihin na lahat pisikal na papasok. Kasi may lockdown naman tayo sa iba’t ibang mga lugar. Puwedeng virtual, puwede din physical sa mga lugar na ina-allow ang pisikal na pagbubukas ng eskuwelahan."
PHOTO/S: Courtesy of DepEd

Mahigit sa tatlong buwan pa ang itatagal ng bakasyon ng mga estudyante.

Opisyal na magsisimula ang pagbubukas ng mga eskuwelahan sa August 24, 2020.

Matatapos naman ito sa April 30, 2021.

Ito ang pahayag ni Department of Education Secretary Leonor Briones,

Sinabi ni Briones ang petsa ng school opening sa panayam sa kanya ni Secretary Martin Andanar at ng reporter na si Rocky Ignacio sa Laging Handa.Ph public briefing na naganap nitong Martes ng umaga, May 5.

Ayon kay Briones, ang napiling petsa ay resulta ng konsultasyon na ginawa ng kanyang departamento sa 700,000 raw na respondents tungkol sa mauudlot na pagbubukas ng mga paaralan dala ng panganib ng COVID-19 pandemic.

"Tamang-tama naman ito dahil sang-ayon ito sa ating batas," sabi ni Briones.

"Dahil ang batas natin, nagsasabi na ang pag-open ng school, mag-uumpisa anytime between June and August.

"So, ang napili nating school opening ay August 24.

"Pero hindi ibig sabihin na lahat pisikal na papasok. Kasi may lockdown naman tayo sa iba’t ibang mga lugar.

Continue reading below ↓

“Puwedeng virtual, puwede din physical sa mga lugar na ina-allow ang pisikal na pagbubukas ng eskuwelahan.

"Pero officially, August 24, tapos matapos ang school year by April 30," saad ni Briones.

Iginiit ng DepEd sectretary na ang kaligtasan ng mga mag-aaral ang pinahahalagahan nila.

Pahayag ni Briones, "Una sa lahat, ang pinakamalaking konsiderasyon natin dito ay to protect the health and the safety and well-being of the learners.

"Yun ang pinaka-unang priority natin, kaya sumusunod tayo sa payo ng Department of Education at saka sa mga polisiya ng IATF.

"At the same time, gusto natin na patuloy ang edukasyon.

"Ang hirap naman kung pigilan natin ang learning process samantalang nandito ang pandemic.

"Dahil ang ating mga kabataan, kung nasa bahay, kailangan patuloy din ang pag-aaral nila, patuloy din ang pag-acquire nila ng knowledge.

"Pero mas malaki na ang papel ng mga magulang, ng mga lola at lolo sa pag-learn ng mga bata."

Continue reading below ↓

Isang malaking hamon daw sa DepEd ang bagong pamamaraan ng pagtuturo, gaya ng pagtuturo sa labas ng silid-aralan.

"Kasi meron naman tinatawag na flexible learning options," paliwanag ni Briones.

"Puwedeng may mga school na handa na silang magbukas ng online—ma-public o privateng kanilang full lessons. Meron din thru cellphone.

"Nag-survey kami, tapos puwede rin sa telebisyon at sa radyo.

"Napansin namin na yung pinakamalaki, para sa mga malalayong lugar, ay sa radyo.

"So, itong mga pamamaraan sa pagturo, ina-adjust natin, kasama na rin ang pagbabago ng ating curriculum.

"Hindi lamang yung pamamaraan sa pagturo kundi ang content also ng ating curriculum ang ating babaguhin," dagdag na paliwanag ni Briones tungkol sa mga bagong hakbang na ipatutupad ng DepEd.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Department of Education Secretary Leonor Briones:"A ng napili nating school opening ay August 24. Pero hindi ibig sabihin na lahat pisikal na papasok. Kasi may lockdown naman tayo sa iba’t ibang mga lugar. Puwedeng virtual, puwede din physical sa mga lugar na ina-allow ang pisikal na pagbubukas ng eskuwelahan."
PHOTO/S: Courtesy of DepEd
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results