GMA-7 broadcasters, nakisimpatiya sa kapwa journo sa ABS-CBN

by Jojo Gabinete
May 6, 2020
Sina (mula kaliwa) Atom Araullo, Howie Severino, Raffy Tima, at Joseph Morong ang ilan sa GMA-7 broadcasters na nagpalakas ng loob ng kanilang kapwa journo sa ABS-CBN Newsroom.
PHOTO/S: Atom Araullo / Howie Severino / Raffy Tima Facebook / GMA News

Idinaan ng GMA-7 news broadcasters sa cryptic social media posts ang pakikisimpatiya sa malungkot na pagsasara ng ABS-CBN.

Huling emere sa telebisyon at radyo ang ABS-CBN simula Martes ng gabi, May 5, 2020.

Alinsunod ito sa utos ng National Telecommunications Commission (NTC), na ikinabigla ng mga Pilipino.

Hindi binigyan ng palugit ang ABS-CBN network matapos mag-expire ang license to broadcast ng kumpanya noong May 4.

Galing man sa karibal na istasyon, dalangin ng GMA-7 news broascasters na malampasan ng counterparts nila sa Dos ang pagsubok na kinahaharap ng mga ito.

RAFFY TIMA & Joseph morong

"A bloody sunset" ang caption ni Raffy Tima sa mga larawan ng ABS-CBN compound at tower na nakunan niya ng litrato.

Nagkomento rito ang kasamahan niya sa GMA News na si Joseph Morong.

Sabi ni Joseph, "History will be your guide in this darkness."


Continue reading below ↓

MARIZ UMALI

Ang misis ni Raffy na si Mariz Umali, na isa ring GMA reporter, ay nag-tweet naman ng "Praying with u and your entire ABS-CBN Family."

Naka-tag sa post ni Mariz ang ABS-CBN news reporters na sina Adrian Ayalin, Jeff Canoy, Sherie Ann Torres, Bianca Dava, Ian Esguerra, at RG Cruz.


Continue reading below ↓

HOWIE SEVERINO

Ang batikang broadcast journalist na si Howie Severino ay naglabas ng matalinhagang quote tungkol sa malayang pamamahayag, mula sa English novelist at journalist na si George Orwell.

"If liberty means anything at all, it means the right to tell people what they do not want to hear."

Sinundan ito ni Howie ng linya ni Crisostomo Ibarra, fictional character sa nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal.

"I have observed that the prosperity of misery of each people is in direct proportion to its liberties or its prejudices."

Continue reading below ↓

ATOM ARAULLO

Isang simple pero makahulugang tweet ang tila mensahe ni Atom Araullo, isa sa news ancors ng 24 Oras, primetime newscast ng GMA-7.

Home network ni Atom ang ABS-CBN sa loob ng 13 taon bago siya nagbalik-Kapuso noong October 2017.

Tweet ni Atom para sa mga dating kasamahan sa ABS-CBN Newsroom: "Sorrow today, courage and defiance tomorrow. #DefendPressFreedom."

Continue reading below ↓

MAKI PULIDO

Si Maki Pulido ay nag-post naman ng quote mula sa French philosopher at journalist na si Albert Camus.

"A free press can, of course, be good or bad, but, most certainly without freedom, the press will never be anything but bad."

DANO TINGCUNGCO

Isa pang GMA news reporter na si Dano Tingcungco ay may matalinhagang mensahe na tila para sa mga kapanalig na broadcasters mula sa Dos.

Continue reading below ↓

Tweet niya, "Ano man lalim ng dilim, buburahin muli ng pagsikat ng araw."


CES DRILON

Samantala, madamdamin naman ang tweet ni ABS-CBN broadcast journalist Ces Drilon tungkol sa lungkot na nadama ng mga kasamahan niya sa ABS-CBN newsroom.

"We just signed off. And people in our newsroom couldn’t even hug each other," ani Drilon.

Continue reading below ↓

Ganunpaman, palaban ang binitiwang salita ni Drilon tungkol sa umano'y panggigipit sa Kapamilya network.

"You can take us off the air but you can’t silence us," tweet niya.

Dagdag ni Drilon, "Laban Kapamilya!"

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sina (mula kaliwa) Atom Araullo, Howie Severino, Raffy Tima, at Joseph Morong ang ilan sa GMA-7 broadcasters na nagpalakas ng loob ng kanilang kapwa journo sa ABS-CBN Newsroom.
PHOTO/S: Atom Araullo / Howie Severino / Raffy Tima Facebook / GMA News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results