TV Patrol at 24 Oras, patuloy ang tapatan kahit nagsara ang ABS-CBN

by Jojo Gabinete
May 8, 2020
Buhay na buhay ang healthy competition sa pagitan ng TV Patrol ng ABS-CBN at 24 Oras ng GMA-7. Ang news anchors ng TV Patrol ay sina Ted Failon, Bernadette Sembrano, at Noli de Castro. Sa 24 Oras, ang news anchors ay sina Vicky Morales, Jessica Soho, at Atom Araullo.
PHOTO/S: TV Patrol / 24 Oras

Simula ngayong gabi, May 8, mapapanood mula 6:00 P.M. ang TV Patrol, ang primetime news program ng ABS-CBN.

Nakatigil man ang broadcast operations ng ABS-CBN, muling nagbalik ang TV Patrol sa mga social media platform ng ABS-CBN kagabi, May 7.

Sabay ang live streaming sa kanilang exclusive streaming app na iWant at sa cable channel na ANC.

Isang araw na nagpahinga ang TV Patrol matapos ang cease and desist order ng National Telecommunications Commission noong May 4.

Pero hindi lamang ang online edition ng TV Patrol ang mapapanood sa 6 p.m. timeslot.

Dahil umpisa ngayong gabi, May 8, magsisimula rin ng 6 P.M. ang 24 Oras, ang primetime news program ng GMA-7.

Noong Lunes, May 4, halos tatlong oras na umere ang 24 Oras dahil nagsimula ito ng 6:25 P.M. at natapos ng 8:56 P.M.

Noong Martes, May 5—ang gabi na nag-sign off ang ABS-CBN—halos dalawang oras na napanood ang primetime news program ng Kapuso Network.

Continue reading below ↓

Matalas ang pakiramdam at paniningin ng televiewers dahil sila ang nakapansin tungkol sa magkasabay na oras na pagsisimula at pagtatapos ng TV Patrol at 24 Oras.

Ganoon na raw talaga bago pa ipinatupad ang enhanced community quarantine noong Marso.

Isang patunay na buhay na buhay ang kumpetisyon sa pagitan ng mga nabanggit na programa na pareho ang misyon—ang mapaglingkuran ang mga Pilipino sa pamamagitan ng mga balitang kanilang inihahatid.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Buhay na buhay ang healthy competition sa pagitan ng TV Patrol ng ABS-CBN at 24 Oras ng GMA-7. Ang news anchors ng TV Patrol ay sina Ted Failon, Bernadette Sembrano, at Noli de Castro. Sa 24 Oras, ang news anchors ay sina Vicky Morales, Jessica Soho, at Atom Araullo.
PHOTO/S: TV Patrol / 24 Oras
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results