Yeng, Moira, at Moi nakakuha ng tips kung paano gumawa ng disinfectant para sa cellphone, veggies... at paa!

by Jojo Gabinete
May 16, 2020
Itinuro ng chemist na si Pinky Tobiano kina Moira dela Torre, Moi Bien, at Yeng Constantino kung paano gumawa ng sariling foot bath at vegetable and fruits wash, pati na rin kung paano linisin ang cellphone.
PHOTO/S: Screen grab from Cornerstone Facebook

Upang makaiwas sa sakit na dulot ng COVID-19, kasama na sa pamumuhay ng tao ang pagdi-disinfect sa tuwing sila ay umaalis ng bahay.

Pero ano ba ano ba ang dapat gawin kapag gusto mong i-sanitize ang mga pinamili mong gulay at prutas. Sapat na ba ang paghuhugas?

Ano ang dapat gawin para masigurong germ-free ang iyong cellphone?

Sapat na ba ang proper handwashing? Paano ang pag-sanitize sa mga paa?

Ito ang mga naging topic sa Facebook Live ng Essential Cleaning Tips noong Huwebes, May 7, na napanood sa official Facebook page ng Cornerstone Entertainment Inc.

Itinuro ng chemist na si Pinky Tobiano kina Moira dela Torre, Moi Bien, at Yeng Constantino kung paano gumawa ng sariling foot bath at vegetable and fruits wash, pati na rin kung paano linisin ang cellphone.

EASY-TO-DO FOOT BATH

Ayon kay Tobiano, "Uso na ngayon ang foot bath dahil ito na ang new normal na kailangan sa mga pamamahay at sa opisina."

Continue reading below ↓

Importante na matutunan itong gawin ng lahat ng mga Pilipino para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.

"Ang parating sinasabi, wash your hands. Pero ang hindi natin naiisip, how about the feet?

"Ang paa, pumupunta tayo sa palengke, pupunta sa palikuran, pumupunta tayo sa iba’t-ibang lugar, hindi naman natin nalilinisan. Ipinapasok natin sa iba’t ibang mga lugar. Ang advise namin, kailangan palitan every three days ang footbath,” ang paliwanag ni Tobiano.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Galvanized rectangular tray, tuwalya o rug at isang brand ng trusted disinfectant solution lamang ang mga kailangan sa do-it-yourself foot bath.

DO-IT-YOURSELF VEGETABLE AND FRUIT WASH

Para naman sa do-it-yourself vegetable at fruit wash, suka at tubig lamang ang kailangan.

Ayon kay Tobiano ,mahalaga na hugasan muna ang mga gulay at prutas dahil kinakapitan din ng ito ng coronavirus, base sa pag-aaral na ginawa ng mga eksperto.

“Kailangan na i-mix na mabuti ang one tablespoon ng suka sa isang pitsel ng tubig. It’s a vinegar and water combination dahil ang suka ay acetic acid. Ang ibig sabihin, meron siyang anti-septic property na nakakapatay ng germs, virus at bacteria.

Continue reading below ↓

“Ibababad ang gulay at prutas for five minutes para ma-attack ng acetic acid o suka ang germs at bacteria bago hugasan at iluto.”

WASTONG PAGLILINIS NG CELLPHONE

Inamin ni Yeng na guilty ito nang ituro ni Tobiano ang wastong paglilinis ng cellphone na hindi niya madalas na ginagawa.

Hindi nag-iisa si Yeng dahil maraming tao ang nakakalimot na linisin ang kanilang mga telepono na hindi nawawalay sa ating mga katawan pero madalas na nababale-wala o taken for granted.

Sa paglilinis ng mga cellphone at tablets, alcohol, disposable tissue at pinggan na pagpapatungan ang mga kailangan.

"Para sa cellphone, ang pinaka-advisable na panglinis is 70% Isopropyl alcohol at kailangan, every night ang paglilinis.

"Disposable tissue rin ang advisable na pamunas at ang pagpupunas, cellphone, parang number 8, paikot-ikot or circular motion, hindi up and down at kailangan per section ang paglilinis ng cellphone at ng cover nito.

"Pagkalinis, ilagay muna sa pinggan ang cellphone at ang case. Maghintay ng ten minutes bago ipasok ang cellphone sa cover o case para siguradong napatay ng alcohol ang virus at germs.

Continue reading below ↓

"We have to clean our phone kasi kung saan-saan natin ito inilalapag, ganoon din ang iPad,” ang mahigpit na paalala ni Tobiano kina Moira, Yeng, Moi at sa lahat ng mga nanood sa Facebook ng simple but very informative essential cleaning tips sa panahon ng coronavirus pandemic.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Itinuro ng chemist na si Pinky Tobiano kina Moira dela Torre, Moi Bien, at Yeng Constantino kung paano gumawa ng sariling foot bath at vegetable and fruits wash, pati na rin kung paano linisin ang cellphone.
PHOTO/S: Screen grab from Cornerstone Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results