Maria Ressa nag-apologize sa ABC News Australia tungkol sa ABS-CBN employees' "error"

by Jojo Gabinete
May 9, 2020
Ininterbyu ng The World presenter na si Beverley O'Connor (L) si Maria Ressa tungkol sa ABS-CBN shutdown noong May 7, 2020.
PHOTO/S: Screenshot from The World

Humingi ng paumanhin si Maria Ressa, ang chief executive officer at executive editor ng Rappler, sa ABC News ng Melbourne, Australia, at sa The World presenter na si Beverley O’Connor.

Ito ay dahil sa naging sagot ni Ressa sa tanong ni O'Connor tungkol sa bilang ng empleyado ng ABS-CBN.

Heto yung bahagi ng interview ng The World kay Ressa noong Huwebes ng gabi, May 7: "This is a network that has about 11 million employees when I was heading the news group...”

Hindi na mapapanood sa YouTube Channel ng ABC News ang nasabing part dahil deleted na ito. Pero may nakapag-secure ng unedited version.

Ang panayam kay Ressa ang nagtala ng pinakamataas na bilang ng viewers, nasa 60,000, kumpara sa lahat ng mga videos sa YouTube Channel ng ABC News.

Bukod sa mataas ang screen time ng mga Pinoy, marahil ay curious din sila lalo pa't mainit ngayon ang usapin tungkol sa ABS-CBN shutdown.

Continue reading below ↓

Samantala, disabled ang comments section ng mga video ng ABC News kaya hindi puwedeng makapagbigay ng reaksiyon at opinyon ang sinuman.

Kahit edited na ang original copy ng panayam sa kanya, nag-apologize pa rin si Ressa.

Aniya, "Apologies to @abcnews & @bevvo14.In our Thursday night interview, I made a mistake.@ABSCBN has 11,000 workers. My mind raced ahead to market cap when I was there, which was in hundreds of millions of dollars. The constant gov’t attacks have chipped away 67% of its stock price.”

Ang hindi sinasadyang pagkakamali ni Ressa ang dahilan kaya umani ito ng mga batikos at masasakit na salita, pero may buwelta siya sa mga basher.

"That error has been used by very nice Filipinos to call me ugly, incite to hate, and to attack Rappler. The error was all mine. Sad that you have nothing better to do while our freedoms are being eroded.”

Naging head ng ABS-CBN News and Current affairs si Ressa mula 2005 hanggang 2010.

Continue reading below ↓

In January 2018, ni-revoke ng Securities and Exchange Commission ang license to operate ng Rappler dahil sa violation umano nito sa nationality restrictions regarding ownership and control of mass-media companies.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ininterbyu ng The World presenter na si Beverley O'Connor (L) si Maria Ressa tungkol sa ABS-CBN shutdown noong May 7, 2020.
PHOTO/S: Screenshot from The World
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results