Walang network war sa Mother's Day video na ito

by Jojo Gabinete
May 11, 2020
Kasama sa mga kumanta ng ilang linya mula sa "Heal The World" ay sina: (clockwise) Amarah Khatibi at Mommy Cristine Reyes; Pauleen Luna; Vika, Mommy Jolina Magdangal, at Pele; Ayesha Zara Soldevilla at Mommy Yasmien Kurdi; Kaye Abad and son Joaquin Castillo; Diana Zubiri and daughter Aliyah Rose Smith.
PHOTO/S: Scrrengrab from Facebook

Inspiring at heartwarming ang Mother’s Day music video na brainchild ni Max Collins.

Nilahukan ito ng mga nanay at malapit nang maging nanay na aktres sa showbiz.

Si Max ang nag-imbita sa kanyang mga kapwa artista na kumanta ng dalawang linya mula sa "Heal The World," ang 1992 hit song ni Michael Jackson, para makapagbigay sila ng saya sa mga nanay at expecting moms sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Si Max din ang bumuo ng music video na inumpisahan noong April 1, at inilabas kahapon, May 10, ang araw ng mga ina.

Nagkaisa ang mga Kapamilya at Kapuso stars na nagsama-sama sa bihirang pagkakataon sa pag-awit ng "Heal The World."

Sina Jolina Magdangal, Solenn Heussaff, Cristine Reyes, Yasmien Kurdi, Pauleen Luna, Camille Prats, Kaye Abad, Iya Villania, Denise Laurel, Empress Schuck, LJ Reyes, Diana Zubiri, at Max ang featured performers.

Kasama rin sina Ellen Adarna, Sunshine Cruz, Lara Quigaman, Jessa Zaragoza, Nikki Valdez, Suzi Entrata, Rochelle Pangilinan, Chynna Ortaleza, Kyla, Nikki Gil, Jade Lopez, Dani Barretto, Roxanne Guinoo, Chariz Solomon, Maricar de Mesa, Regine Tolentino, Cai Cortez, Dianne Medina, at Nadia Montenegro.

Continue reading below ↓

Added attraction sa Mother’s Day music video ng Kapuso at Kapamilya stars ang mga cute na anak nina Solenn, Diana, Kaye, Cristine, Jade, Rochelle, Dani, Yasmien, Lara, Chynna, Camille, Jolina, LJ, Maricar, Regine, Cai at ang grown-up children ni Nadia.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kasama sa mga kumanta ng ilang linya mula sa "Heal The World" ay sina: (clockwise) Amarah Khatibi at Mommy Cristine Reyes; Pauleen Luna; Vika, Mommy Jolina Magdangal, at Pele; Ayesha Zara Soldevilla at Mommy Yasmien Kurdi; Kaye Abad and son Joaquin Castillo; Diana Zubiri and daughter Aliyah Rose Smith.
PHOTO/S: Scrrengrab from Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results