Watch Now

Hashtag Nikko Natividad, nag-react sa payo sa ABS-CBN stars na "e di maglipatan kayo lahat sa GMA"

by Jojo Gabinete
May 11, 2020
Hashtag Nikko Natividad, sinabihan ang netizens na wala sa paglipat sa ibang network ang solusyon sa pagkawala ng trabaho ng ABS-CBN stars.
PHOTO/S: Hashtag Nikko Instagram

Dahil siya ay star of lesser magnitude, hindi masyadong napapansin ang mga pagbatikos sa Hashtags member na si Nikko Natividad.

Pero tulad nina Coco Martin at Kim Chiu, umaani ng pagpuna si Nikko dahil sa pagdedepensa sa ABS-CBN.

Nagpabuntunan si Nikko ng bashers dahil sa kanyang Twitter post noong May 9 na dumepensa uli sa Kapamilya network.

Nakarating daw kay Nikko ang comment ng ibang netizen na may option ang ABS-CBN stars na lumipat sa karibal na TV network, ang GMA-7.

Sabi raw ng isang netizen: "e di maglipatan kayo lahat sa GMA."

Sumagot si Nikko na hindi iyon ang solusyon sa pagpapasara sa ABS-CBN.

Tweet ni Nikko noon ngang May 9: "Anu tingin nyo samin naghahanap lang ng apartment?"

Nabatikos si Nikko dahil sa kanyang "mayabang" daw na tweet.

May mga nagpatutsada pang "parang tatanggapin ka naman sa GMA pag lumipat ka dun" at "parang may offer naman sa’yo ang GMA."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umalma rin ang ibang netizens sa pagkakadamay daw ng GMA-7 sa isyu ng pagpapasara ng National Telecommunications Commission (NTC) sa ABS-CBN.

Pero hindi na nakipagdebate pa si Nikko.

Sabi na lang niya (as is): "Hindi nako mabibigla kung hindi nilaa gets meaning nung post ko."

Nag-iwan din siya ng tweet na nagsasabing hindi siya apektado ng bashers.

Tweet ni Nikko, "Salamat sa mga sumusuporta. Ok lang ako madlang pips.

"Pinipikon ko lang yung mga basher at troll [kisses emojis] Last na to.

"Sana kayanin ko na hindi na mang asar [laughing emoji]

"Goodnight bashers at troll thankyou at sobra nyo akong nilibang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para sa mga hindi pamilyar at nakakakilala kay Nikko, nabigyan siya ng pagkakataong makapasok sa showbiz dahil sa "Gandang Lalake" contest ng It’s Showtime noong October 2014.

Ang It's Showtime ay ang daily noontime show ng ABS-CBN.

Si Nikko ang itinanghal na grand winner sa "Gandang Lalake," na naging daan para mabago ang kanyang kapalaran at matupad ang kanyang mga pangarap.

Tubong Malolos, Bulacan, si Nikko.

Dati siyang nagtatrabaho bilang waiter, pero naging artista mula nang manalo siya sa contest ng noontime program ng Kapamilya Network.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hashtag Nikko Natividad, sinabihan ang netizens na wala sa paglipat sa ibang network ang solusyon sa pagkawala ng trabaho ng ABS-CBN stars.
PHOTO/S: Hashtag Nikko Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results