ABS-CBN reporters, may sama nga ba ng loob sa GMA counterparts?

by Jojo Gabinete
May 11, 2020
ABS-CBN reporter Jeff Canoy, nagpatutsada nga ba sa GMA-7 reporter na nagsabi umanong "walang punto ang laban" ng ABS-CBN?
PHOTO/S: ABS-CBN Studio / GMA Network Online

Umani ng papuri ang GMA-7 broadcasters dahil sa pakikisimpatiya nila sa mga kapwa nila journo sa ABS-CBN, nang ipasara ang Kapamilya network noong May 5.

Hindi lamang Kapuso news reporters ang nagpakita ng pakikiisa sa kanilang mga kasamahan sa propesyon.

May ilan ding GMA-7 stars ang naghayag ng kalungkutan dahil sa sinapit na tigil-operasyon ng ABS-CB TV and radio programs.

Kaya nagpasalamat sa kanila ang ABS-CBN sa pamamagitan ng isang news report na may caption na “Maraming Salamat Kapuso.”

Pero tila panandalian lamang ang pagkakaisa ng magkabilang network.

Diumano, hindi nagustuhan ng mga reporter ng ABS-CBN ang panayam ni Jessica Soho sa 24 Oras kay Estrellita “Neng” Juliano Tamano.

FICTAP'S ALLEGATIONS

Si Tamano ay presidente ng Federation of International Cable TV Associates of the Philippines (FICTAP), isa sa mga grupong inirereklamo ang umano'y "violations" ng ABS-CBN.

Sinabi ni Tamano na kuwestiyonable ang pay-per-view feature ng Kapamilya Box Office, na available sa digibox ng ABS-CBN, at kilala sa tawag na ABS-CBN TVplus o Mahiwagang Blackbox.

Continue reading below ↓

Umalma rin si Tamayo sa umano'y multiple channels ng ABS-CBN gayong iisa lamang daw ang prangkisa nito.

Mapapanood ang panayam kay Tamano tungkol sa isyu ng franchise renewal ng Kapamilya Network, sa live telecast ng 24 Oras noong May 5.

Sinasabing nagtampo ang Kapamilya reporters dahil hindi raw kinuha ng 24 Oras ang panig ng Kapamilya Network.

ABS-CBN denies FICTAP's allegations

Pero noong May 7, inilibas sa primetime news program ng GMA- 7 ang sagot ng ABS-CBN tungkol sa mga pahayag ni Tamano.

Sabi rito, nanindigan ang ABS-CBN na "hindi labag sa batas" ang magkarga ng multiple channels sa isang frequency, na ginagarantiya ng isang prangkisa.

Nanindigan din ang ABS-CBN na si Department of Justice Secretary Menardo Gueverra ang nagsabing hindi violation ang KBO ng Kapamilya network.

Ito ay dahil saklaw raw ng prangkisa ng ABS-CBN ang paggamit ng broadcast facilities nito para sa "commercial purposes."

Si Jessica pa rin ang naghatid ng balitang ito sa 24 Oras.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

ABS-CBN'S JEFF CANOY VS UNNAMED GMA-7 REPORTER

Noong weekend, nag-post sa Facebook ang ABS-CBN news reporter na si Jeff Canoy ng saloobin tungkol sa pagsasara ng network na pinaglilingkuran niya.

"There were dark days. There will be more. But time and again, the answer remains: let journalism be the light.

"So as a note to myself and to my colleagues in our newsroom and in others, here’s to doing better journalism.

"If we have enough shards of light, maybe—just maybe—we have a fighting chance.

"Maybe we can drive out the darkness."

Sabay may patutsada si Canoy sa isang hindi pinangalanang GMA News reporter, na diumano'y detractor ng ABS-CBN.

"(At doon sa reporter sa kabila na may sabi na walang punto ang laban na ito: Urur.

"Kahihiyan ka sa organisasyon ninyo at sa industriya)."


Continue reading below ↓

Pakiwari ng netizens, ang "urur" na salitang ginamit ni Canoy ay isang expletive na iniba lamang ng spelling.

Hindi na mahanap sa public Facebook posts ni Canoy ang naturang pahayag.

Pero may mga nakapag-screenshot ng kanyang post bago ito naglaho.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN reporter Jeff Canoy, nagpatutsada nga ba sa GMA-7 reporter na nagsabi umanong "walang punto ang laban" ng ABS-CBN?
PHOTO/S: ABS-CBN Studio / GMA Network Online
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results