Celebs, may tipid tips sa kuryente para makaawas sa gastusin ngayong krisis

by Jojo Gabinete
May 14, 2020
Gladys Reyes, Ricky Davao, Paolo Ballesteros, at Direk Toto Natividad, dumadaing sa naipong electricity bills dala ng community quarantine.
PHOTO/S: @iamgladysreyes / @pochoy29 Instagram / Facebook / Noel Orsal for Ricky Davao

Umaaray na ang mga Pilipino dahil natatanggap na nila ang Meralco bill, na mas nauna pa raw dumating sa ayuda mula sa pamahalaan.

Higit pa atang pinangangambahan ng taumbayan ang naipong bills kaysa sa banta ng COVID-19.

Panlulumo ang karamihan sa reaksyon ng ating mga kababayan dahil sa malaking halaga ng kuryenteng babayaran nila.

May mga reklamo pa na kung kailan sarado ang kanilang mga negosyo, saka tumaas ang singil ng Meralco.

Pero sa panahon ng coronavirus pandemic, lahat ay pantay-pantay.

Dahil hindi lamang ang mga ordinaryong mamamayan ang nasasaktan at nababahala, umaaray din ang mga celebrity gaya nina Gladys Reyes, Ricky Davao, Paolo Ballesteros, at direktor Toto Natividad.

Sila ay pawang mga head of the family at “chairperson ng budget committee” ng kanilang mga tahanan.

DIREK TOTO NATIVIDAD

"Full tank ng ina n’yo!" galit na mensahe ni Direk Toto sa Meralco.

Hindi raw niya mawari kung paano kinuwenta ng electric company ang kuryente na kanyang babayaran.

Continue reading below ↓

"Sana, bigyan pansin ng pamahalaan ang napakataas na bill.

"Ngayon panahon ng COVID-19 pandemic, lockdown, no work no pay...

"Sabayan ka pa ng nakamamatay na Meralco bills, papatayin n’yo ba talaga ang mahihirap?"

Dumagdag pa raw ito sa suliranin ng mga mahihirap, tulad ng "mga batang walang gatas," mga nangangailangan ng "gamot at vitamin para sa senior," hirap na persons with disabilities at iba pang hikahos sa buhay.

Dagdag ng direktor, “Hindi ngayon ang panahon ng pagkita. Full tank ng ina n’yo!!!”

Si Direk Toto ay dating director ng ABS-CBN prime-time series na FPJ's Ang Probinsiyano.

Noong 2018, naging "guest director" siya ng GMA-7 prime-time series na Cain at Abel.

GLADYS REYES

Parang isang suspense movie naman ang Meralco experience ni Gladys Reyes dahil hindi pa raw nito alam kung magkano ang babayaran sa Meralco.

Sa huling billing statement na natanggap niya, 0.00 ang nakalagay sa sinisingil sa kanya.

“Yung electric bill namin, nagtaka ako bakit 0.00. Baka na-debit na or baka babawian kami sa next billing,” ani Gladys.

Continue reading below ↓

Ipinadala pa ng aktres sa Cabinet Files ang kopya ng billing statement ng Meralco, na naka-automatic debit umano sa bank account niya.

Bilang ina ng tahanan, aminado si Gladys na apektado rin siya ng mataas na singil sa kuryente.

Kaya tinuruan daw niya ang mga anak nila ni Christopher Roxas na magtipid.

“Oo naman, naapektuhan din kami,” pagtatapat ni Gladys.

“Tinuturuan din namin ang kids na magtipid—like sa isang room lang muna kami natutulog.

"Malaki naman ang kama namin, kasya kaming lima. Pero si Christopher, sa mattress na nakalatag siya natutulog.

“Tuwing after lunch naman, nasa playroom na sila, sama-sama para sulit sa aircon.

"Saka may timer yung aircon, dahil kapag malamig na sa loob ng playroom, saka binubuksan ang electric fan.”

RICKY DAVAO

Ganito rin ang sentimiyento ng beteranong actor-director na si Ricky Davao.

Kuwento niya, malaki ang itinaas ng kanilang konsumo sa kuryente buhat nang magsimula ang Enhanced Community Quarantine noong March 15, 2020.

“Medyo tumaas siya. Tumaas ng mga 50 percent nang mag start ang lockdown. Ngayon summer, baka tumaas pa,” ani Ricky.

“As head of the family, I always tell my kids and household to be matipid in everything.

Continue reading below ↓

"Kahit we’re in this situation right now, we still practice it, kaya lang some things can’t be avoided."

Marami raw alalahanin ang pamilya ni Ricky.

“Umaaray rin kami sa lahat ngayon, not only sa electric bill.

"We always talk about this, so that we’re always conscious sa mga galaw namin, especially sa safety protocols.”

PAOLO BALLESTEROS

Itinuturing naman ni Paolo na masuwerte siya dahil ang nanay niya ang sumasakit ang ulo sa gastos nila sa pang-araw-araw.

Sadyang mataas daw ang kuryente nila dahil sa madalas na paggamit ng aircon.

“Kababayad lang namin sa Meralco ng dalawang buwan.

"Ganoon talaga, malaki ang bill kasi 24/7 ang aircon sa kuwarto, tapos may TV pa."

Pero maliban sa kuwarto niya, nagtitipid daw ang kanyang mga kaanak sa paggamit ng kuryente.

“Siyempre, umaaray rin kaya nga may schedule ang bukas namin sa mga aircon, except sa kuwarto ko.

“Pero ‘yung mga aircon ng iba, sa gabi lang binubuksan kapag matutulog na sila. Electric fan muna sa umaga.

“Actually, buti na lang, si Mama ang nagba-budget sa bahay kaya siya ang sumasakit ang ulo."

Continue reading below ↓

MERALCO's STATEMENT

Noong May 11, 2020, naglabas ng paliwanag ang Meralco para maunawaan ng shocked Filipinos ang dahilan ng pagtaas ng konsumo at singil sa kuryente.

Ipinaalala ng Meralco na naipon ang singil sa kuryente dahil sa pumayag ang kanilang kumpanya sa deferred payments mula noong Marso hanggang sa kasalukuyan.

Bukod pa rito ay mas lumakas ang konsumo ng taumbayan dahil sa lahat ay nanatili sa bahay mula nang magsimula ang community quarantine noong Marso.

Narito ang pahayag ng Meralco:

"Maaaring mas mataas ang bill mo ngayong buwan.

"These are the possible reasons: Para sa mga areas na pwede nang basahan ng meter readers, reflected na ang actual consumption sa May bill, plus adjustments on the March and April bills.

"Remember, lahat ng April bills at ilang March bills ay estimated based on average consumption for the past 3 months dahil sa #ECQ and in accordance [with the] Distribution Services and Open Access Rules or DSOAR issued by the ERC.

"Maaaring mas mataas din ang konsumo natin ngayon dahil during ECQ, naging #NewNormal ang staying and working from home, at sinamahan pa ng summer. Kaya mas madalas ang pag gamit ng TV, computer, electric fan, aircon, at ref.

"For unpaid balances from bills due within ECQ period (March 1 to May 15), pwede mo itong bayaran in 4 monthly installments.

Continue reading below ↓

"Makikita ang 1st installment sa mga May 16 bill dates onwards na sisimulang ipadala ng May 18."

Sa kabila ng anunsiyo ng Meralco ay marami pa ring consumers ang nagugulumihanan sa mataas na singil sa kuryente, na dumagdag sa alalahanin ngayong panahon ng krisis.

HOT STORIES


(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gladys Reyes, Ricky Davao, Paolo Ballesteros, at Direk Toto Natividad, dumadaing sa naipong electricity bills dala ng community quarantine.
PHOTO/S: @iamgladysreyes / @pochoy29 Instagram / Facebook / Noel Orsal for Ricky Davao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results