Direk Perci Intalan, hanga sa pagkilala ni Vico Sotto at Pasig LGU sa LGBTQ families

by Jojo Gabinete
May 14, 2020
Perci Intalan and Jun Lana (left photo) praise Mayor Vico Sotto (right photo) and the Pasig admin for respecting families where parents are of the same sex.
PHOTO/S: Perci Intalan Instagram / Vico Sotto Facebook

Ikinagagalak ng direktor at movie producer na si Perci Intalan ang pagpapahalagang ibinigay ni Pasig City Mayor Vico Sotto at ng pamahalaan nito sa mga miyembro ng LGBTQ community.

Ang LGBT—o kung minsan ay LGBTQIA+ o LGBTQ—ay tumutukoy sa lesbian, gay, bisexual, transgender, queer/questioning, intersex, at asexual.

Residente ng Pasig City si Perci at ang kanyang partner na si Jun Lana, isa ring director at movie producer.

Kasama nila sa household ang kanilang mga anak, at kabilang daw sila sa mga qualified para sa Pasig Supplemental Social Amelioration Program (SAP).

Ito ay ang sariling inisyatibo ng pamahalaan ng Pasig para "lahat" ng households sa lungsod ay makatatanggap ng cash aid.

"Hindi ko inakalang pwede palang mangyari ito sa bakuran ko mismo," maligayang reaksyon ni Perci.

Pasok daw sa kinikilalang "pamilya" kapag ang nagsasamang LGBTQ partners ay mayroong anak, na ang apelido ay sumusunod sa surname ng isa man sa mag-partner.

Continue reading below ↓

Para kay Perci, ang pagkilala sa kanila bilang pamilya ay simbolo ng progreso sa pagsulong ng karapatan ng LGBTQ community.

"Nakakatuwa na may government agency na nag-recognize na iba’t iba ang klase ng pamilya at kasama ang mga pamilya na LGBTQ ang magulang," aniya sa Cabinet Files.

BUSINESS STRUGGLES CAUSED BY COVID-19

Sina Perci at Jun ang mga producers ng The IdeaFirst Company.

At tulad ng ibang mga movie company, apektado ng coronavirus pandemic ang projects nila sa telebisyon at pelikula.

"Natapos ang shoot pero natigil ang post production ng isang movie namin—yung Big Night starring Christian Bables, Eugene Domingo, John Arcilla, na directed ni Jun.

"Meron kami dapat gagawin na tatlong pelikula pero hindi na nasimulan. May mga series rin kami na naputol ang production.

Ramdam na ramdam daw nila ang malaking epekto ng COVID-19 sa local movie and television industry.

"Napakalaki ng impact ng krisis na ito sa buong industriya natin.

Continue reading below ↓

"Kailangan talaga nating magtulungan para mag-survive, hindi na nga para mag-thrive.

"Maraming babaguhin sa proseso ng paggawa ng pelikula para siguraduhin na safe ang mga tao, kaya maglalakihan ang mga budget, at malamang, maraming producers ang mapapaisip."

Nangangamba rin daw ang producers na baka hindi pa handa ang moviegoers manood ng sine.

“Yung iba, baka hindi na lang tumuloy muna kasi hindi rin madali na mababawi ang mga gagastusin kung hindi pa rin sigurado ang mangyayari sa mga sinehan.

"Hindi rin natin alam kung kailan may pera ang mga tao para manood uli ng sine."

"Pero kausap ko ang mga producer at mga taga-industriya, lahat sila gustong pilitin na kayanin, alang-alang na lang sa mga tao na kailangan ng trabaho at alang- alang sa industriya na kailangan natin na panatilihin na buhay."

STILL OPTIMISTIC

Umaasa si Perci na magiging normal na muli ang takbo ng entertainment industry sa huling quarter ng taon, o bago man lang sumapit ang Pasko.

Continue reading below ↓

Hindi nawawalan ng pag-asa si Perci na mapapagtagumpayan ng sambayanang Pilipino ang krisis.

"Optimistic na ang last quarter. Sana talaga sa Pasko pero hindi rin natin masabi.

"Depende sa dami ng mga tao na maghahanap ng trabaho pagkatapos ng pandemic.

"Sana talaga, mabilis na makabangon ang mga tao para makabangon rin ang industriya natin.'

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Perci Intalan and Jun Lana (left photo) praise Mayor Vico Sotto (right photo) and the Pasig admin for respecting families where parents are of the same sex.
PHOTO/S: Perci Intalan Instagram / Vico Sotto Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results