Babaeng nagwala sa Caloocan checkpoint, arestado sa "alarm and scandal and unjust vexation"

by Jojo Gabinete
May 14, 2020
Babaeng walang face mask at quarantine pass, arestado matapos makipagsagutan at makipagpatintero sa Caloocan police officers.
PHOTO/S: Axis Adevino Facebook

Inaresto ang isang babaeng 27 anyos na nagpupumilit pumasok sa border ng Caloocan City, isang siyudad na naka-hard lockdown.

Mahigpit sa Barangay 156 gawa ng mataas na bilang ng kaso ng COVID-19, at ipinapatupad ang hard lockdown dito mula Mayo 14 hanggang Mayo 20.

Nangyari ang insidente nitong Huwebes, May 14, sa ganap na 12:05 p.m.

Alarm and Scandal and Unjust Vexation ng Article 151 ng Revised Penal Code ang mga reklamong isinampa ng Caloocan Police sa babae.

Isa sa mga pulis ang sinasabing nakakuha ng video ng pangyayari.

Nang makita ito ng publiko, hindi nila nagustuhan ang klarong hindi pag-comply ng suspect sa quarantine protocol na bawal lumabas nang walang quarantine pass at walang face mask.

Lalo na't hindi rin maganda ang ginawang pagsasagot ng babae sa pulisya.

THE INCIDENT

Mabilis na nag-viral ang video ng pagwawala, pakikipagsagutan, at pakikipag-patintero ng female suspect sa mga pulis na nakabantay sa checkpoint.

Kapansin-pansing walang suot na face mask ang suspect habang nagpupumilit na makapasok sa Barangay 156 ng District 1 ng Caloocan City.

Continue reading below ↓

Sinita ng pulisya ang kawalan ng face mask ng suspect; ang sagot doon ng babae ay tinatakpan niya ng alampay ang kanyang mukha.

Hiningan siya ng quarantine pass, na dapat ay dala ng isang residente sa tuwing lalabas para sa essential activities; walang ipinakitang quarantine pass ang babae.

Base pa rin sa video, ilang beses pinagsabihan ang suspect na hindi siya maaaring makapasok sa border; sinubukan nitong idahilan na siya ay buntis.

Nagmamadali siyang makadaan ng checkpoint dahil nasusunog na raw ang mukha niya sa sikat ng araw.

Paliwanag pa ng suspect, mabilis na iaabot lamang niya sa isang kakilala ang bitbit na overnight bag.

Tumagal nang mahigit sa pitong minuto ang pakikipag-argumento at pakikipag-patintero ng supect sa mga pulis.

Pero sa huli, hindi umubra ang pagiging pasaway niya; inaresto siya at sinampahan ng mga reklamong alarm and scandal and unjust vexation.

POLICE COMPLAINT: alarm, scandal, unjust vexation

Nakakuha ang Cabinet Files ng kopya ng reklamo ng Caloocan Police laban suspect.

Continue reading below ↓

Nakasaad dito na "non-resident" ito sa Barangay 156 ng Caloocan City.

Ipinaalam daw ng pulisya sa suspect na may "hard lockdown" sa lugar, na pinatutunayan naman ng video.

Nag-alok pa raw ng tulong ang pulisya, pero nairita raw ang suspect at ilang beses nagmura at hindi nagsalita ng maganda nang hindi pa rin siya pinalusot sa checkpoint.

Ang pag-eeskandalo ng suspect ang nag-udyok daw sa awtoridad na dakpin na siya at dalhin sa New Caloocan City Hall para isyuhan ng "ordinance violation receipt."

Tikom daw ngayon ang bibig ng suspect sa mga alegasyon laban sa kanya.

Bukod sa arresting officers ay mayroon pa raw ibang saksi na maaaring iharap ang pulisya "in due time."


Continue reading below ↓

THE VIDEO

Si Axis Adevino ng Barangay 156 ang uploader ng video, na higit 330,000 ang shares at 46,000 comments sa Facebook.

At siya ang nakausap ng Cabinet Files tungkol sa insidenteng nangyari sa kanilang lugar.

Si Adevino rin ang nagpadala sa Cabinet Files ng mga larawan ng suspect nang ito ay pormal na sampahan ng reklamong alarm, scandal, at unjust vexation ng pulisya.

Continue reading below ↓

Ayon kay Adevino, ang pamangkin niya ang nagpasa sa kanya ng video na pag-aari ng pulis.

"Hindi po ako ang may-ari ng video. Isinend lang sa akin ng pamangkin ko. Sa asar ko sa babae, i-pinost ko,” ani Adevino sa Cabinet Files.

Dahil mabilis na nag-viral ang video na inilabas ni Adevino, ibinalita agad sa May 14 edition ng 24 Oras ang insidente na kinasangkutan ng suspect at ng mga miyembro ng Caloocan Police.

Minabuti ng Cabinet Files na huwag gamitin ang mga larawan ng suspect na nagpapakita ng mukha nito, at huwag na siyang pangalanan. Private citizen siya at, sa kasalukyan, ay suspect pa lamang.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Babaeng walang face mask at quarantine pass, arestado matapos makipagsagutan at makipagpatintero sa Caloocan police officers.
PHOTO/S: Axis Adevino Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results