Guidelines sa muling pagbubukas ng Robinsons Magnolia simula May 16

by Jojo Gabinete
May 15, 2020
Kabilang ang Robinsons Magnolia sa Aurora Blvd., Quezon City, sa mga magbubukas muling establisimyento simula ngayong Sabado, May 16.

Sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), balik-operasyon ang mga piling branch ng Robinsons, SM, Megaworld Lifestyle, at Ayala Malls simula bukas, May 16.

Dalawang buwan na nagsara ang mga malls sa Metro Manila dahil sa coronavirus pandemic, kaya malalaman natin kung tunay na nasabik pumunta sa mga establishments na ito ang ating mga kababayan.

Definitely, hindi kasama sa mga bubuksan ang mga mall cinema, pati na ang mga beauty salon, barbershop, spas, at skin clinics.

Mananatili ring nakasara ang mga chapel sa loob ng mga mall, tulad ng Capilla de San Lorenzo, isa sa pinakamagandang kapilyang matatagpuan sa 5th floor mezzanine ng Robinsons Magnolia sa Aurora Boulevard, Quezon City.

Nakausap ng Cabinet Files nitong Biyernes ng hapon, May 15, si Jasmin Lucio, regional operations manager ng Robinsons Malls.

STORES THAT WILL OPEN

Inusisa namin siya tungkol sa precautionary measures na ipatutupad ng Robinsons management bilang proteksiyon sa mallgoers.

Continue reading below ↓

"Actually, ang hindi lang allowed mag-open ay ang mga gym, fitness studios, kids amusement industries, mga massage parlor, dental care clinics…

"Magbubukas ang mga supermarket, drugstores, at True Value.

"Ang Uniqlo, mag-o-open this month, pero hindi makakasabay bukas,” sabi ni Lucio.

Magbubukas din ang mga restaurant at food court.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pero bawal ang dine-in kaya limitado sa take-out at delivery ang pagbili ng mga pagkain.

SOCIAL DISTANCING MEASURES

Mahigpit na ipatutupad sa Robinsons Malls ang social distancing. Dahil dito, apat lamang ang puwedeng sabay-sabay gumamit ng elevator, kasama na ang operator.

Makikita sa loob ng elevator ang mga naka-install na disinfecting diffusers at markers na pupuwestuhan ng elevator passengers.

"Yung mga diffuser na ‘yon, it can disinfect and prevent airborne bacterias and viruses," ani Lucio.

Sa mga escalators, paiiralin ang distansiya ng mga tao na tatlong hakbang mula sa isa't-isa. Tutukan daw itong mabuti ng security personnel.

Naglagay ang Robinsons Malls management ng UV Care sterilizer para sa handrails ng mga escalator na hindi maiwasang hindi hawakan ng mga kostumer.

Continue reading below ↓

Naglagay rin sila ng footbath sa lahat ng entrance.

NO FACE MASK, NO ENTRY

Sa utos ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF), ipagpapatuloy ang nakasanayan nang temperature check.

Hindi rin papasukin ang mga hindi nakasuot ng face mask.

Nasa 26 degrees lang ang aircon temperature at walang Wi-Fi para hindi tumambay ang mga kostumer.

Ayon kay Lucio, "Ang mga kostumer, takot pa rin sa COVID-19, so I think they will follow the MECQ protocols.

"Kami rin, we will check from time to time kung nasusunod ang protocols.

"Magra-rounds din kami sa mga tenant.

“We also have a partnership with Movers delivery service.

"Kung may mga kailangan ang customers, they can just call us, a particular restaurant or tenant, then yung service partner namin ang magde-deliver sa kanila with P125 charge sa five-kilometer distance."

Hndi pa matiyak kung magbubukas ang lahat ng mga tindahan sa Robinsons Magnolia, bilang nakasalalay ang kapalaran nito sa complimentary shuttle service na puwedeng ibigay ng mall tenants sa kanilang mga empleyado.

Continue reading below ↓

Ipinagbabawal pa rin kasi ang pagbiyahe ng mga pampublikong sasakyan.

Ang mall hours sa Robinsons Magnolia: mula 11 A.M. to 7 P.M. tuwing Lunes hanggang Huwebes; at 10 A.M. to 7 P.M. tuwing Biyernes hanggang Linggo.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang ang Robinsons Magnolia sa Aurora Blvd., Quezon City, sa mga magbubukas muling establisimyento simula ngayong Sabado, May 16.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results