Nakakaalarma ang pagdagsa ng mga Pinoy sa malls

by Jojo Gabinete
May 16, 2020
mall entrance, mecq
Nagdagsaan sa malls ang mga kababayan nating nasabik dahil dalawang buwan ding naka-quarantine dala ng COVID-19 pandemic.
PHOTO/S: Jerome Escano

Parang mga nakawala sa kural at hawla ang pag-describe sa mga Pinoy na dumagsa ngayon sa mga kalye.

Sakay ng kanilang mga motorsiklo at kotse, sumugod ang mga ito sa mga mall na nagbukas sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

“Hello Marcos Highway…saan punta? Sa beach?” ang caption ni Christopher Roxas sa mga litrato na ni-repost niya sa Facebook.

Continue reading below ↓

Makikita ang maraming sasakyan na naging sanhi ng traffic sa Marcos Highway.

Sa Facebook Live ni Arnell Ignacio, nakausap namin ang isang eyewitness sa pagdagsa ng mga tao sa isang mall.

Ayon sa eyewitness na si Mikey Chan, dagsa ang mga tao sa isang Cubao mall, kasabay ng mga taong gumagala sa paligid ng mall na walang suot na facemask.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Pumupunta sila sa mga restaurant for pick-up and basically, yung iba, gumagala lang just to see what’s there to see.

“Some were not wearing masks. Parang wala lang sa kanila. Yung iba, naka-mask pero nasa baba lang ng mall,” ayon sa eyewitness account ni Chan.

Kung may mga taong sinamantala ang pagkakataong makapunta ng mall dahil sa MECQ, may mga personalidad na piniling manatili sa bahay bilang pag-iingat sa sarili, gaya nina Christopher Roxas at Arnell Ignacio.

“Takot ako na pumunta sa mall kasi magdadagsaan ang mga tao.

"Biro mo yung mga higanteng aircon, kapag umikot yun, hindi mo alam kung may virus yun na hinigop 'tapos ibubuga nila yun sa ’yo,” ang sabi ni Arnell.

Continue reading below ↓

Pinag-aaralan namang mabuti ni Christopher ang pagbubukas ng Estela, ang restaurant nila ng asawang si Gladys Reyes na matatagpuan sa isang mall sa Cainta, Rizal.

“Dapat sasabay ako ng pagbubukas ng Estela sa Monday, May 18, pero nagdadalawang-isip ako.

“May plan and projection na ako, pero siguro, mas maigi na aralin ko muna for a week or two.

“Mahirap din kasi para sa mga tao ko. Allowed kami to operate from 6 am to 6 pm pero walang dine-in. Take out and delivery for now.

“It’s actually costly and sakripisyo, pero I strongly believe that in any crisis there’s always an opportunity.

"So, siguro, be positive and mag-adapt sa system,” ang pahayag ni Christopher.

Malaki ang malasakit niya sa kanyang mga tauhan at sa kalusugan ng lahat, kaya naalarma siya nang makita ang traffic situation sa Marcos Highway.

“Free for all, e. I mean, hindi ako ipokrito, lumalabas din naman ako. Nagpupunta ako sa house ng trusted friend ko.

Continue reading below ↓

"Pero dapat safe pa rin, wala nang ibang istasyon na pupuntahan at iikutan.”

Ngayong May 16 ang kaarawan ni Patricia Javier at kabilang ito sa maraming mga Pilipino na lumabas ng bahay.

Pumunta siya sa Makati branch ng chiropractic and wellness clinic nila ng kanyang asawa.

Nag-Facebook live pa si Patricia habang papunta sa kanilang clinic sa Makati dahil tumatanggap na sila ng mga pasyente pero by appointment.

Tiniyak ni Patricia na ipinatutupad sa clinic nila ang mga protocol ng MECQ: ang social distancing, pagsusuot ng facemask, at checking of body temperature.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagdagsaan sa malls ang mga kababayan nating nasabik dahil dalawang buwan ding naka-quarantine dala ng COVID-19 pandemic.
PHOTO/S: Jerome Escano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results