Viva Hot Babe-turned-councilor Jaycee Parker, natupad ang birthday wish

by Jojo Gabinete
May 16, 2020
jericho aguas, jaycee parker with staff
Tinupad ng mga kaibigan ni Jaycee Parker (nakaitim na shirt) ang kayang birthday wish na tulong para sa kanyang constituents. Isa nang konsehal sa Angeles City, Pampanga, si Jaycee na dating miyembro ng sexy all-girls group na Viva Hot Babes. Kasama ni Jaycee ang mister na si Jericho Aguas (naka-cap) at ang kanyang staff sa pamimigay ng relief goods.
PHOTO/S: Jaycee Parker's Facebook

Noong May 12 ang 35th birthday ng former Viva Hot Babes turned Angeles City Councilor Jaycee Parker-Aguas.

Isa sa birthday wish post nito sa Facebook ay marami sana ang magbigay sa kanya ng regalo na pakikinabangan ng constituents niya.

Natupad ang birthday wish ni Jaycee. Relief goods ang ipinadala ng kanyang mga kaibigang nakabasa sa wish niya.

“Nag-post ako noong May 1 na yung mga magreregalo sa akin sa birthday ko, kung puwede na bigas, noodles, canned goods, kape, at gatas ng mga bata ang kanilang ibigay, at yun nga ang ginawa nila.

“Sobrang saya ko dahil marami ang nagpadala kaya nakapamigay kami ng 2,500 na relief goods at walong-libong kilo ng mga okra,” ang masayang balita ni Jaycee sa Cabinet Files.

“Nag-start kami ng non-stop relief operations mula pa noong March 19.

"Every week, namimigay kami ng relief goods at mga PPE [Personal Protection Equipment] sa mga ospital dahil marami ang nagtiwala at nagbigay sa amin ng mga donasyon.”

Continue reading below ↓

Kasama ni Jaycee ang asawang si Jericho Aguas sa pamimigay ng tulong sa jeepney at tricycle drivers, senior citizens, at PWD (Persons With Disabilities) sa Angeles City.

“Nakakatakot lumabas at maghatid ng relief goods, pero bilang nanunungkulan, hindi natin makakaya na bale-walain ang sigaw ng ating mga kababayan.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Hangga’t hindi natatapos ang coronavirus pandemic, hindi kami titigil ni Geryk sa pagtulong,” banggit pa ni Jaycee tungkol sa kanilang mag-asawa.

Lubos ang pasasalamat niya sa mga nagbigay ng donasyon sa kanyang kaarawan.

Naranasan kasi noon ni Jaycee ang maghirap, kaya nang mahalal siyang konsehal ng Angeles City, ipinangako niyang gagawin ang lahat para makatulong sa mga nangangailangan.

Ganunpaman, hindi maiiwasang may mga magtatampo pa rin, kaya napilitan siyang ilabas ang saloobin at humingi ng paumanhin.

“Bakit noong hindi ako konsehal, pag tumutulong ako, walang nagagalit? Ngayong konsehal ako...nagagalit na ang iba.

“Ipagpaumanhin n’yo po, hindi ko po kayang reply-an o bigyan lahat. Pasensya na po.

Continue reading below ↓

“Naiintindihan ko po, nahihirapan ang lahat, pero sana wag po kayong magalit sa akin.

"Ginagawa ko naman po ang lahat sa abot ng aking makakaya para makatulong.

“Kung mayaman lang ako, bibigyan ko kayo lahat, pero paano ako makakapagbigay kung wala naman akong maibibigay?

"Kaya malaki ang pasasalamat ko sa aming mga kaibigan na walang-sawang nagbibigay rin ng blessings nila dahil alam ng aking mga kaibigan na masaya ako kapag nakakatulong.”

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tinupad ng mga kaibigan ni Jaycee Parker (nakaitim na shirt) ang kayang birthday wish na tulong para sa kanyang constituents. Isa nang konsehal sa Angeles City, Pampanga, si Jaycee na dating miyembro ng sexy all-girls group na Viva Hot Babes. Kasama ni Jaycee ang mister na si Jericho Aguas (naka-cap) at ang kanyang staff sa pamimigay ng relief goods.
PHOTO/S: Jaycee Parker's Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results