Pasaway nga ba ang Pinoy?; malaman ang sagot ng UST sociologist

by Jojo Gabinete
May 17, 2020
Crowded mall
May banta ang DILG na kasuhan ang malls. Ito ay matapos dumagsa ang mga Pinoy sa muling pagbukas ng malls kahapon, May 16. Sabi ng isang UST sociologist, ang gobyerno ang nagdeklarang puwede nang magbukas ang malls; maaaring hindi malinaw ang mismong health protocols.
PHOTO/S: Tony Leachon Facebook page

Mapipilitang ipasara uli ang mga mall at sampahan pa ng kaso ang management ng mga ito.

Kung hindi ay baka hindi maiwasan ang second wave ng nakamamatay na Coronavirus 2019.

Ito ang sinabi ng Department of Interior and Local Government at ibinalita naman ng Inter-Agency Task Force nitong Linggo nang umaga.

Ayon kay IATF adviser Dr. Tony Leachon, sinabi ni DILG Secretary Año na malamang ganito ang mangyari dahil sa maraming paglabag sa Bayanihan Act.

Continue reading below ↓

Ang Bayanihan Act o Bayanihan To Heal As One Act, na kilala rin bilang Republic Act No. 11469, ay ang batas na nagbibigay ng dagdag na kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte para malabanan ang pagkalat ng COVID-19 sa Pilipinas.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kabilang sa mga probisyon ng Bayanihan Act ang pag-adopt ng guidelines mula sa World Health Organization (WHO).

Nakapaloob sa guidelines ng WHO ang pag-obserba ng social distancing, pagsusuot ng indibiduwal ng personal protective equipment, at iba pang best practices para maiwasang ma-infect ng COVID-19.

Pinirmahan naman nina Health Secretary Francisco Duque III at Cabinet Secretary Karlo Nograles nitong Biyernes, May 15, ang Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine in the Philippines.

Ito ang bagong guidelines na basehan ng ipinatupad na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), Enhanced Community Quarantine (ECQ), General Community Quarantine (GCQ), at Modified General Community Quarantine (MGCQ) nitong May 16, Sabado.

Nasa ilalim ng MECQ ang Metro Manila, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Zambales, Angeles City, at Laguna hanggang May 31.

Continue reading below ↓

Mahigpit na pinairal ang physical distancing at pagsusuot ng mga facemask ng mga tao na pumapasok sa mga mall, pero nabale-wala ang MECQ protocols sa ibang malls dahil sa diumano’y katigasan ng ulo ng mga Pilipino.

May koneksyon ang pahayag ni Año sa pagdagsa ng mga tao nang magbukas kahapon ang mga mall sa Metro Manila.

NAMANA NG MGA PINOY?

Ang United States of America at Spain ang dalawa sa mga bansang pinakamaraming kaso ng COVID-19.

May 1.5 million confirmed COVID-19 cases, 273,000 recoveries, at 89,420 deaths ang Amerika; samantalang may 231,000 confirmed cases ng coronavirus, 150,000 recoveries, at 27,650 deaths ang Spain.

Isinisisi ito sa pagiging pasaway ng kanilang mga mamamayan.

Sa Pilipinas, as of today, May 17, may 12,513 confirmed cases ng COVID-19, 2,635 ang recoveries, at 824 ang bilang ng mga namatay.

Iyan ang mga numero habang wala pang ginagawang mahusay na testing para sa virus. Ibig sabihin, malamang ay underreported ang kaso ng infected sa Pilipinas.

Underreported man o hindi, nakakaalarma pa rin dahil nagtagumpay na ang ibang Asian countries tulad ng Thailand, Cambodia, at Vietnam sa laban nila sa coronavirus pandemic.

Continue reading below ↓

May tatlong daan at tatlumpo’t tatlong taon (1565- 1898)—333 years—na sinakop ng Espanya ang Pilipinas.

Tumagal naman ng apatnapu't walong taon (1898-1946)—48 years—ang pananakop ng Amerika sa ating bansa.

Kaya may mga nag-iisip, posible kayang ang pagka-pasaway ng mga Pilipino ay dahil, hanggang ngayon, taglay pa rin natin ang impluwensya ng mga Kastila at Amerikano sa kultura at pag-uugali?

PASAWAY NGA BA ANG PINOY?

Hiningi ng Cabinet Files ang opinyon ni Professor Clarence Batan, isang sociologist sa Department of Sociology at Coordinator ng Faculty of Arts and Letters ng University of Santo Tomas.

Clarence Batan speaking at an event.

Continue reading below ↓

Para higit na maunawaan natin ang pinagmumulan ng bintang na pasaway ang mga Pilipino na ramdam na ramdam sa panahon ng coronavirus pandemic.

Para kay Batan, walang sadyang pasaway, dahil hindi talaga handa ang buong henerasyon sa dumating na pandemya.

"[Ang] buong mundo, hindi lang ang mga Pilipino, ang dumaan sa isang karanasang ma-quarantine, na ang huling pagkakataon ay noong 1918-1919 dulot ng Spanish flu.

"Kaya ang buong henerasyon ng nabubuhay ngayon ay hindi handa sa ganitong sitwasyon,” panimulang paliwanag ni Batan sa aming mensahe sa kanya sa Facebook messenger.

“Samantalang may mga lumabag sa ECQ, tandaan natin na mas maraming sumunod kaya sinasabing nag-flatten ang curve sa karanasan ng Pilipinas (may ibang pagtingin dito pero ito ang paliwanag ng ating gobyerno)."

HINDI SADYANG SUMUSUWAY ANG PINOY

Paglilinaw pa ng UST sociologist, hindi mo matatawag na pagsaway ang ginawa ng mga nagdagsaan sa malls.

“Kahapon at ngayon, sa pagdagsa ng mga Pilipino sa mall o palengke, ito ay reaksyon na inaasahan dahil ito mismo ang nakasaad sa MECQ, ang pagbubukas ng mga iba't ibang establishment at pagluluwag sa restrictions ng ECQ.

Continue reading below ↓

“Kaya sa aking palagay, walang 'sadyang pasaway' sa pangyayaring ito, maliban na lang kung sa paglabas ay walang mask, hindi kinikilala ang physical distancing, at iba pa.

“Bakit? Sapagkat ang 'saway' na ugat na salita ng 'pasaway' ay nangangahulugan na 'pagpigil o pagbabawal upang huwag ituloy ang gagawin' (Almario, 2001, p.787 - UP Diksiyonaryong Filipino).

“Ang pagpunta sa mall ay hindi na ipinagbabawal bagkus ito ay pinayagan na sa MECQ.

"At di ba, nais pasiglahin ang ekonomiya kaya't itong MECQ ay ipinatupad?

KAILANGANG LINAWIN PA NG GOBYERNO ANG POLISIYA NITO

Ituon daw ang pansin sa gobyerno na siyang nagbibigay ng policy at guideline.

“Kaya sa pagkakataong ito, ang magandang pagnilayan ay kung mapananagutan ba ng gobyerno ang muling pagkahawa o third or 4th waves ng COVID-19 na malinaw na dulot ng muling pagbubukas ng mga pamayanan?

“Hindi ang indibidwal na pasaway ang problema, kundi ang polisiya na kung susuriin, ang siyang nagbibigay-hugis kung paano kumilos ang mga tao.

Continue reading below ↓

“Ang ibig sabihin, mukhang ang salitang 'pasaway' kung paano gamiting popular at ng media ay isang 'stereotype,' may negatibong pakahulugan na nagdidiin sa kahinaan at problema ng mga indibidwal.”

Paglilinaw ng UST sociologist: “Mas magandang antabayanan kung gaano kaepektibo ang polisiya at guidelines na ipinapatupad, kaysa sa tingnan kung ilan ang lalabag rito.

“Baka kasi ang pagkakamali ay nasa polisiya at guidelines?

“Dahil ang tunay na nagpapasaway ay yung mga gumagawa ng mga ipinagbabawal.

"E mga nagpapatupad ng batas ang pasimuno nito, di ba?

"Silang nasa kapangyarihan ang mga tunay na pasaway,” ang makahulugang pahayag ni Batan.

Hindi naman
maitatangging may kaugnayan ito sa mga pulis at mayor na nagdaraos ng mga birthday party, na labag sa ECQ rules, na sila dapat ang nagpapatupad, pero sila rin ang bumali.

SPANISH, AMERICAN INFLUENCE?

Sinagot din ni Batan ang katanungan tungkol sa maaaring impluwensya ng mga Kastila at Amerikano.

“Wala akong pag-aaral dito ngunit ang pag-intindi sa popular na stereotypes tungkol sa atin bilang Pinoy, o bilang mahirap, o istambay ay paratang sa atin bilang mababang uring nilalang kumpara sa mga mananakop,” saad ni Batan.

Continue reading below ↓

“Parehong karanasan ito ng lahat ng bansang sinakop sa buong mundo.

"Halimbawa, sa papel na kasusulat ko lang tungkol sa Istambay at Rizal, nasuri kong ang istambay ay nakaugat sa sinulat ni [Jose] Rizal na The Indolence of Filipinos (1890) na magpasa-hanggang ngayon ay buhay pa rin na stereotype (na may iba't ibang pakahulugan na rin).

“Sa aking tingin, parehong socio-cultural and power dynamics ang tangan ng salitang 'pasaway.'"

Na ang ibig sabihin ay malalim ang pinanggagalingan ng "pasaway."

Ipinasok ito sa lenguwahe at isip ng mga Pinoy nang sila ay sinakop.

Natural, gusto ng mga mananakop—ang mga Espanyol at Amerikano—na palabasing hindi marunong sumunod ang Pinoy.

Paano pa, e itong mga dayuhan ang gustong magdikta ng susundin.

Sa katagalan, naiwan na ang ideyang ito sa lipunan. Ginagamit, pinagpapasa-pasahan, natanggap.

Kaya tuloy ngayon, tayong mga Pinoy ay mabilis mapaniwalang pasaway ang kapwa Pinoy.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May banta ang DILG na kasuhan ang malls. Ito ay matapos dumagsa ang mga Pinoy sa muling pagbukas ng malls kahapon, May 16. Sabi ng isang UST sociologist, ang gobyerno ang nagdeklarang puwede nang magbukas ang malls; maaaring hindi malinaw ang mismong health protocols.
PHOTO/S: Tony Leachon Facebook page
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results