Thai actor, nag-Grab Food delivery driver ngayong COVID-19 crisis

by Jojo Gabinete
May 18, 2020
amp pheerawas, ai-ai delas alas, anthony taberna in covid-19 crisis jobs.
Katulad ng Pinoy celebrities na sina Ai-Ai delas Alas (gitna) at Anthony Taberna (kanan), humanap muna ng ibang pagkakakitaan ang Thai actor na si Amp Pheerawas. Isa muna siyang Grab Food driver habang ipinagbabawal pa ng Thai government ang movie shooting at TV show taping doon.
PHOTO/S: Instagram: @amp_pheerawas_k / @msaiaidelasalas / @iamtunying28

Sabay-sabay na nawalan ng trabaho sa pelikula at telebisyon ang mga artista magmula nang ideklara ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) noong March 15, 2020.

Kung hindi nawalan, nabawasan ng trabaho ang broadcast journalists ng ABS-CBN dahil ipinasara ito ng National Telecommunications Commission (NTC) noong May 5.

May mga artista na maabilidad, gaya ni Ai-Ai delas Alas.

Ginugol niya ang kanyang panahon sa paggawa ng mga tinapay na naging lucrative sideline job niya dahil marami ang bumibili.

Ai-Ai delas Alas as baker and actress.

Continue reading below ↓

Higit sa lahat, napakinabangan ng Comedy Queen ang mga natutunan sa culinary arts course na napabayaan dahil ang showbiz ang kanyang major source of income.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ang restaurant/coffee shop ang family business ng ABS-CBN broadcaster na si Anthony Taberna.

Nang magsara ang ABS-CBN noong May 5, tumulong siya sa delivery ng mga food order.

Katuwiran niya, “Bakit ako magmumukmok? Bakit ako hihilata sa bahay? Puwede namang magpa-order at mag-deliver ng tinapay?”

Anthony Taberna delivering bread.

Continue reading below ↓

Dalawa lamang sina Ai-Ai at Anthony sa mga kilalang personalidad na masisipag at hands on sa kanilang mga negosyo.

Ang ibang mga artista, lalo na ang millennials, ang pagpo-produce ng mga video para sa mga YouTube channel ang pinagkakaabalahan.

Bukod sa malaki ang kinikitang pera, nagagawa nila ang isang bagay na kanilang miss na miss—ang umarte sa harap ng kamera.

At ang pinakamahalaga, ang maibsan ang pagkauhaw nila sa public attention, na nawala mula nang ipatupad ang ECQ.

Sa Thailand, naghanap din ng sideline jobs ang mga artista na nawalan ng pagkakakitaan.

Kinansela kasi ng Thai government ang lahat ng public events, shooting ng mga pelikula, at taping ng television shows.

Naging Grab Food delivery driver ang drama actor na si Amp Pheerawas.


Continue reading below ↓

Natutuwa siya sa current job niya dahil nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan.

Malaki rin ang pagpapahalaga nito sa 30,000 baht na kinita sa loob ng isang buwan.

Natuto si Amp mag-ipon ng pera dahil napagtanto niyang mahirap ang trabaho ng isang Grab Food delivery driver.

Ang Thai friend naming si Pisit Hongsakornprasert ang nagbigay ng mga karagdagang impormasyon tungkol sa sideline jobs ng Thai celebrities ngayong may coronavirus pandemic.

Nagtitinda ng fried pork sina Pasut (Art) Barnyam, Pitsanu "Boy" Nimsakul, at Khemmanit Jamikorn alias Pancake.

Alcohol gel ang ibinebenta ni Eakkachai Uaesangkomset aka DJ Eakky, at Sweet Pad Banoffie naman ang negosyo ni Passakorn “ Baifern” Phonboon.

“Many Thai stars in Thailand are doing sideline business during COVID-19 in Thailand.

"Some are very much into selling, especially if they are not very popular and need to earn a living.

“The popular stars are taking a break with their family and they also do charity works,” ang kuwento ni Pisit tungkol sa kalagayan ng mga artista sa Asian country.

Continue reading below ↓

Katulad ng Thai celebrities, hindi naiiba ang situwasyon ng showbiz personalities sa Pilipinas.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Katulad ng Pinoy celebrities na sina Ai-Ai delas Alas (gitna) at Anthony Taberna (kanan), humanap muna ng ibang pagkakakitaan ang Thai actor na si Amp Pheerawas. Isa muna siyang Grab Food driver habang ipinagbabawal pa ng Thai government ang movie shooting at TV show taping doon.
PHOTO/S: Instagram: @amp_pheerawas_k / @msaiaidelasalas / @iamtunying28
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results