Donnalyn Bartolome, pinagkakakitaan ang paggawa ng online content habang ECQ

by Jojo Gabinete
May 19, 2020
Actress Donnalyn Bartolome on YouTube as a source of income: "YouTube is profitable, but during this pandemic, income plummeted because advertisers are also postponing their campaigns."
PHOTO/S: @donnalynbartolome Instagram

Kung ang pagtitinda ng mga pagkain ang sideline jobs ng mga Thai celebrities, ang pagbubukas ng mga YouTube channel ang pinagkakaabalahan ng Filipino stars.

Ito ay sa pag-asang kikita sila ng pera habang nasa gitna ng panganib na hatid ng COVID-19.

Pero ramdam na ramdam ang epekto ng pandemya sa ekonomiya dahil tila nabawasan ang kita sa YouTube na nagmumula sa ads .

Ito ay ayon kay Donnalyn Bartolome, isa sa mga local star na successful YouTuber.

Bukod sa pagkakaroon ng 3.5 million subscribers, milyun-milyon din ang views sa YouTube videos ni Donnalyn.

Kumusta ang kita ng YouTube niya nitong panahon ng ECQ?

"YouTube is profitable, but during this pandemic, income plummeted because advertisers are also postponing their campaigns,” ani Donnalyn.

Napilitan ang aktres na isara nang pansamantala ang kanyang hair extension shop sa Quezon City dahil sa ECQ, pero kumikita pa rin siya sa ibang paraan.

Saad ng 25-year-old Viva artist, "I’m doing postings for a brand I’m endorsing.

Continue reading below ↓

"But other than that, I have YouTube. I’m still creating content despite all the restraints that ECQ has brought to all."

ON SELF-CARE

Inisa-isa rin ni Donnalyn ang epekto sa kanya ang COVID-19 pandemic.

Negative effect daw ang stress na nararamdaman, postponement ng mga importanteng okasyon sa buhay niya, at ang pagkakahiwa-hiwalay nila ng kanyang pamilya sa panahon na dapat na dinadamayan nila ang bawat isa.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Positibo naman ang pagkakaroon ni Donnalyn ng panahon para makapagpahinga habang ECQ.

"I’m now familiar with taking a break.

"I was always under pressure from work before, but now I’m forced to rest and I have time now to plan for my future projects."

FITNESS GOALS

Ang pagtuunan naman ng pansin ang kanyang kalusugan ang gagawin ni Donnalyn kapag natapos na ang health crisis sa buong mundo.

"I’m planning to really take care of my health.

"Normally, I eat healthy.

"But with all the work I do, I resort to eating junk foods a lot of times, so I’m going to change that.

Continue reading below ↓

"I want to exercise too, but I don’t want to overwhelm myself.”

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Donnalyn Bartolome on YouTube as a source of income: "YouTube is profitable, but during this pandemic, income plummeted because advertisers are also postponing their campaigns."
PHOTO/S: @donnalynbartolome Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results