Inter-Guild Alliance Safety Protocols: Mga artista, may karapatang tumanggi sa intimate scenes

by Jojo Gabinete
May 20, 2020
Nakasaad sa safety protocols ng Inter-Guild Alliance ang pagbigay ng karapatan sa mga artistang tumanggi sa close proximity at contact scenes. Pero kailangang magbigay sila ng abiso sa pre-production meeting at hindi sa mismong araw ng shooting.
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7

Ang safety protocols ng Inter-Guild Alliance ang susundin ng Philippine Motion Picture Producers Association (PMPPA).

Ibig sabihin nito, hindi nila susundin ang inilabas ng Film Development Council of the Philippines noong May 16.

Ang inilabas ng FDCP ay ang Interim Guidelines on Safety Protocols for the Conduct of Film and Audio-Visual Production Shoots to Mitigate COVID-19.

Naniniwala ang PMPPA na mas detalyado at mas pinaghandaan, at higit sa lahat daw, ay binuo mismo ng mga manggagawa ng movie industry ang kanilang safety protocols.

Paaaprubahan nila ito sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

Kabilang sa Inter-Guild Alliance ang Directors’ Guild of the Philippines, Inc. (DGPI); Lupon ng Pilipinong Sinematograpo (LPS); Production Design Technical Working Group; Assembly of Assistant Directors and Script Supervisors; TV and Film Screenwriters Collective; Alliance of Producers, Line Producers and Production Managers; Sound Speed Philippines; at Filipino Film Editors, sa pakikiisa ng post-production companies.

May tatlumpo’t pitong pahina ang inihanda ng Inter-Guild Alliance na General Production Guidelines.

Continue reading below ↓

Ilan sa maraming rekomendasyon ng Inter-Guild Alliance para sa ligtas na paggawa ng pelikula ang labindalawang (12) oras na trabaho; pag-iwas sa mga intimate, crowd, at ibang close-proximity scenes; ang pagbabawal sa pagtanggap ng mga bisita; at ang pagkakaroon ng protocol supervisor or safety officer sa set.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nakasaad din sa protocols ng Inter-Guild Alliance ang pagbibigay ng karapatan sa mga artistang tumanggi sa mga close proximity at contact scenes.

Pero kailangang magbigay ang mga artista ng abiso sa pre-production meeting at hindi sa mismong araw ng shooting.

FIVE PRINCIPLES OF INTER-GUILD ALLIANCE

May limang prinsipyo ang sinusunod ng Inter-Guild Alliance, sa sarili nitong salita:

• A shoot for a film, television, or advertising is not a mass gathering or a cultural event. It is work that cannot be done remotely. It is work that necessarily involves groups of people with different skill sets and functions coming together. It is work that is part of an essential industry.

Continue reading below ↓

• New health and safety protocols for each shoot are necessary. But it is also necessary that these base guidelines are the same for all modes of production (film, TV and advertising), allowing for nuances and modifications in very specific cases.

• It is the position of the Inter-Guild that the government should assist productions in the extra costs incurred from the implementation of the protocols during the pandemic.

• This document is a work in progress. As the science evolves and more data is known about the virus and the state of things, the protocols will rightly evolve and be modified as well. The document will be reassessed and updated intermittently at an agreed upon interval by the Inter-Guild.

• The different sectors (not limited to the Inter-Guild) are encouraged to reassess, conduct dialogues, and recalibrate the guidelines and protocols as needed.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakasaad sa safety protocols ng Inter-Guild Alliance ang pagbigay ng karapatan sa mga artistang tumanggi sa close proximity at contact scenes. Pero kailangang magbigay sila ng abiso sa pre-production meeting at hindi sa mismong araw ng shooting.
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results