Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Amy Perez, nangangamba para sa mga anak kapag nagsimula ang klase sa August 24

by Jojo Gabinete
May 20, 2020
Amy Perez, nag-aalala rin para sa mga estudyanteng walang access sa computer at Internet kapag ipinatupad ang online classes para sa School Year 2020-2021.
PHOTO/S: Instagram

Nag-anunsiyo noong May 5 si Department of Education Secretary Leonor Briones na August 24 ang petsang napili nila para sa pagbubukas ng mga eskuwelahan at pagsisimula ng klase.

Ang pagtatapos ng school year 2020-2021 ay itinakda naman sa April 30, 2021.

Sinabi ni Briones na ang desisyong ito ng DepEd ay resulta ng konsultasyon sa 700,000 respondents at naaayon sa batas.

Pero lumalakas ang panawagan ng mga magulang na huwag ituloy ang pagbubukas ng klase sa petsa na pinili ng DepEd.

Anila, malaki pa ang problema ng Pilipinas sa COVID-19.

At hangga’t walang nadidiskubreng vaccine para sa coronavirus, hindi ligtas na pumasok sa eskuwelahan ang mga estudyante.

Isa si Amy Perez sa mga magulang na hindi pabor na magsimula ang klase sa August 24, dahil inaalaala niya ang kalusugan at kaligtasan ng kanyang mga anak.

Ang panganay niya na si Kyle, 11, ay incoming Grade 6 pupil; at ang bunso na si Seyah,7, ay incoming Grade 2 pupil.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pahayag ni Amy: "Until walang vaccine, it would be very hard and not safe pa talaga.

"If it means doing home schooling for the meantime, okay na muna ako dun.

"Mahirap para sa mga bata ang ma-expose sa COVID-19. I will not take that risk."

Nagpahayag din si Amy ng pag-aalala para sa mga batang walang computer o naninirahan sa malalayong lugar at walang access sa Internet.

Continue reading below ↓

Mahihirapan daw ang mga ito sa online classes na ipatutupad ng DepEd sa mga paaralan.

"I think some schools are preparing for online classes naman.

"Pero paano yung mga bata na nasa malalayong lugar at walang Internet or computer?

"Sobrang nakakalungkot, but I think kahit sinong nanay is challenged now to come up with other creative ideas para ma-educate ang kanilang mga anak.

"Para tayong babalik sa basic and simple way of teaching our kids.

"And it all begins at home."

COVID-19 CASES IN FRANCE

May dahilan para mangamba si Amy at ang mga magulang sa plano ng DepED na pagsisimula ng klase sa August 24.

Sa France, tumaas ang mga kaso ng COVID-19 nang magbukas noong nakaraang linggo ang mga eskuwelahan doon.

Sa report ng NBC News, umabot sa 70 ang bilang ng kaso ng COVID-19 na iniuugnay sa muling pagbubukas ng mga eskuwelahan.

Kaugnay ito ng mga hakbang ng French government para sa dahan-dahang pag-lift ng lockdowns sa kanilang bansa.

Continue reading below ↓

Sinabi ni French Education Minister Jean-Michel Blanquer na agad na ipinasara ang mga paaralang naglagay sa mga estudyante sa panganib, kahit may suot silang face shields sa loob ng mga classroom.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Amy Perez, nag-aalala rin para sa mga estudyanteng walang access sa computer at Internet kapag ipinatupad ang online classes para sa School Year 2020-2021.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results