Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Coco Martin, ipinagtanggol ng Ang Probinsyano stars at crew laban sa dating ABS-CBN cameraman

by Jojo Gabinete
May 20, 2020
Gamit ang isang video presentation na may pamagat na "Totoo o Kasinungalingan?," sinagot ng mga artista at crew ang mga paratang ng isang dating ABS-CBN cameraman kay Coco Martin.
PHOTO/S: Instagram

Video ang ginamit ng isang dating ABS-CBN cameraman para sa kanyang mga paratang laban kay Coco Martin.

Kaya sinagot din siya ng mga tagapagtanggol ni Coco sa pamamagitan ng mala-The Buzz video presentation na may pamagat na "Totoo o Kasinungalingan?"

Si Journalie Payonan ang natanggal na empleyado ng ABS-CBN na naglahad ng kanyang karanasan sa dating pinagtatrabahuang network, sa pamamagitan ng isang video na nag-trending noong nakaraang linggo.

Base sa pananalita ng cameraman, malalim pa ang sama ng loob nito sa dating kumpanyang pinaglilingkuran.

Sa kanyang pagbatikos sa Kapamilya Network ay idinamay niya si Coco.

Binatikos ng cameraman ang aktor matapos magsalita ng huli kaugnay ng pagsasara ng ABS-CBN.

Naging cameraman daw siya ng isang pelikula ni Coco, pero hindi niya binanggit ang titulo.

ON STUNTMEN AND BUHUSAN NG TUBIG SA SET

Kabilang sa paratang ng cameraman ang pagsasalita umano ng masama ng aktor sa stuntmen at ang pambubuhos nito ng tubig sa mga kasamahan sa trabaho.

Continue reading below ↓

Bahagi ng pahayag ni Payonan, "Sana naisip mo yung mga utility natin sa industriya. Yung mga stuntman na minsan na pinagsalitaan mo nang hindi maganda. Yung mga grupo ni Tatay Val Iglesias [stunt director]."

Si Boy Roque ang sinasabi ng cameraman na nagkuwento kung anong klaseng ugali raw meron si Coco.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ikinumpara pa ng cameraman ang pakikitungo ni Coco at ng action star ding si Robin Padilla pagdating sa mga stuntmen.

Si Robin daw ay agad humihingi ng paumanhin sa stuntman kapag nagkasakitan sila sa eksena. Nilalambing din daw ng aktor ang stuntman at binibigyan ng "pampalubag-loob."

Si Coco naman daw, nang minsang napuruhan ang kaeksenang stuntman, ay pinagsalitaan pa raw ito ito nang masakit.

Saad ng cameraman, "Anong binitawan mong salita? Alam mo ang sabi? 'Pasensiya ka na, hindi ako katulad ng isang tao diyan na kapag nakapanakit ay humihingi ng tawad at nag-aabot. Hindi ako gano'n?"

Base raw ito sa kuwento sa kanya ng isang stuntman.

Pag pinanood ang mahahabang litanya ni Payonan, malinaw namang si Robin ay kapwa niya Diehard Duterte Supporter (DDS), na kalipunang galit sa mga tumuligsa sa gobyerno dahil sa shutdown ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Sabi pa ng cameraman, "Naku, Coco, ang daming balitang nakakarating sa akin.

"Pagbuhos-buhos mo ng tubig sa utility, may video ako nun... Napanood ko yun, Coco."

HOT STORIES

ANG PROBINSYANO STARS AND CREW DEFEND COCO

Ang production staff at mga artista ng Ang Probinsyano ang sumagot sa mga akusasyon ng cameraman laban sa aktor.

Ang rapper na si Bassilyo ang isa sa mga nagtanggol kay Coco sa bintang na masakit umanong magsalita si Coco sa stuntmen.

Mensahe niya sa cameraman, "Huwag mong ipangalandakan nang todo kung hindi nangyari sa 'yo mismo.

"Ang daming kung anu-anong masasakit na salita ang ibinabato sa kanya.

"Yung mga nababalitaan mo na masama raw ang ugali ni Direk Coco, nagpasalin-salin lang ‘yan sa bibig ng kung sino-sino.

"'Yan ang problema mo, yung taong nagpaparating ng hindi magandang balita, hindi niya ibinabalita yung magagandang balita.

"Gaya nung sinasabi mo na binuhusan ng tubig, e, wala ka naman doon. Kami-kami lang ang nandoon.

Continue reading below ↓

"Binabasa din namin si Direk Coco kapag nagkakaroon ng pagkakataon."

Inayunan din ito ng stuntman na si Benzon Dalina.

Saad ng stuntman, "Yung isang cameraman, binanggit niya na napakasama ng ugali ni Direk Coco.

"Ang mga kaibigan niyan [Coco], utility, crowd control, mga crew, mga stuntman.

"Yun ang laging kasalamuha niya, kakuwentuhan, kasama sa pagkain.

Continue reading below ↓

"Paano mo masabi na masama ang ugali ng tao?

"Kapag walang take, iniikot kami sa mga tent namin, nakikipagkuwentuhan, nakikipagkantahan, nakikipagbiruan."

Patuloy pa ng stuntman, "Sinasabi mo na si Coco, nagagalit sa stuntman.

"Siya ang direktor, kinukunan niya ang eksena, nagbibigay siya ng instruction.

"Nakailang take yung stuntman, hindi magawa-gawa. Napakasimple ang ipinapagawa.

"Alam mo kasi si Direk Coco, ‘tol, hindi madamot sa camera ‘yan.

"Ang sinasabi lagi niyan, kapag ang camera nasa inyo, ibigay niyo na ang pinakamagandang arte na gagawin niyo dahil ‘yan ang chance ninyo para makilala.

"Pagkatapos ng take, ngingiti na ‘yon, kakamot na lang sa ulo ‘yon.

"‘Yan ang Coco Martin.

"Kung nagkaroon ka ng problema sa ABS-CBN, huwag mo naman gamitin yung Coco Martin para magpapansin."

Continue reading below ↓

OTHER TESTIMONIALS

Nagbigay rin ng testimonya tungkol sa kabutihan ni Coco ang ilang crew ng Ang Probinsyano:

Lebron Dawal, assistant location manager: "Tropa po namin kung ituring si Coco, ganoon din po siya sa amin. Hindi po tulad ng ibang artista na parang mababa lang ang tingin sa 'yo kasi crowd control ka lang o utility ka lang."

Nancy Arcega, production designer: "Nakikipag-usap po siya sa mga tao, sa setman, sa gaffers, sa mga cameraman. Yung kapatid ko po, na-angioplasty, tumulong siya."

Sonny Prudencio, gaffer: "Siya ‘yung alam naming tao na kayang tumulong sa aming mga crew na kaya kaming ipagtanggol."

Star Dejano, make-up artist: "Pantay-pantay yung kanyang pagtingin sa bawat isa sa amin."

Jonathan Quinquinito, art director: "Pagdating po sa set, nakangiti na po ‘yan. Babatiin po kami niyan, hindi na po basta bati, tatapikin pa kami niyan at kakamustahin."

Ronald Geli, cameraman: "Sa set, unang-una, magdadasal kami. Tatanungin niya kami, kumain na ba kami? Tungkol sa basaan na ‘yan, kitang-kita ng mga mata ko, ‘yan po ay isang harutan upang mawala ang pagod namin sa set. Katunayan nga po, yung tao na binasa niya ay artista na ‘yon."

Continue reading below ↓

Wilmar Penaflorida, audioman/actor: "Kaya siya nambubuhos ng tubig, gumaganti lang ‘yon kasi binubuhusan din namin siya."

Kevin De Vela, co-director: "Kasama po ako doon, kasama mga cameraman do'n. Kasama mga gaffers doon, lahat kami. Saka hindi lang siya ang nambabasa. Si Coco ang pinagtutulungan namin para basain namin."

Bubuy Cruz, cameraman: "Biruan ‘yon. Wala kayong paki doon, kami ang nagkakaintindihan doon. Huwag niyong bigyan ng kung ano-anong maling kuwento. Binigyan niya ako ng TV Plus, sinamahan niya ng TV. Ang liit ng hinihingi ko, malaki yung ibinigay niyang kapalit."

Manuel Dajes, talent: "Hindi kami pinababayaan sa set, sa pagkain, maging sa utility, sa crew at higit sa lahat, sa mga talent."

Stephanie Maglaya, associate producer: "Ayaw po niya na nale-late yung food kasi naiisip niya lagi yung mga crew na mabibigat po yung trabaho."

Ash Banzales, cameraman: "Yung anim na gaffer, binigyan niya ng tig-iisang sidecar."

Continue reading below ↓

ON SPEAKING UP ABOUT ABS-CBN SHUTDOWN

May mga reaksiyon din ang co-stars at production staff ng Ang Probinsyano tungkol sa bintang ni Payonan na wala sa hulog ang pananalita ni Coco nang maglabas ito ng saloobin sa pagpapasara ng National Telecommunications Commission sa ABS-CBN.

Smugglaz, co-actor: "Inihayag lang naman niya ang saloobin ng lahat. Napakaingat ng mga artista pagdating sa ganyan, pero siya nagpakatotoo siya dahil hindi talaga biro ang mawalan ng trabaho."

JR Cruz, writer: "Kagaya po ni Cardo Dalisay, hindi po mananahimik si Coco Martin hangga't may mga tao na pilit na namamantala sa mga Pilipino."

Sonny Prudencio, gaffer: "Kaya siya nakakapagsalita nang ganyan, dahil sa mga libo-libong tao na mawawalan ng trabaho."

Jobert Portentado, producer: "Pumalag po siya dahil tingin niya po, hindi na po tama yung nangyayari sa paligid. Kinanti daw po yung pamilya niya sa buong ABS-CBN."

Mark Lapid, co-actor: "Ang nakita at narinig ko ay totoong Coco Martin. Ang Coco Martin na nagtatanggol sa karapatan ng bawat Pilipino. Kaya kapatid na Coco, kasama mo kami, nasa likod mo kami."

Continue reading below ↓

Jaime Fabregas, co-actor: "Bawat Pilipino ay may karapatang ihayag ang kanyang damdamin, na sabihin ang kanyang saloobin. Sinusuportahan ko si Coco Martin."

CJ Ramos, co-actor: "Gusto niyong sumikat, nakahanap kayo ng tiyempo kasi inggit kayo. Naturuan niya po ako kung paano maging propesyonal. Ang isang Coco Martin, hindi malalamatan ang pagkatao niyan. You can’t put a good man down."

John Prats, co-actor: "Never niyang inisip ang sarili niya. Ang lagi niyang iniisip kung ano ang kapakanan ng lahat. Kaisa mo ako, kaisa mo kaming lahat."

Michael de Mesa, co-actor: "Sa Probinsyano na nga lang, ang dami niyang binigyan ng trabaho."

Angel Aquino, co-actor: "Kasama mo ako Coco, sinusuportahan kita."

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gamit ang isang video presentation na may pamagat na "Totoo o Kasinungalingan?," sinagot ng mga artista at crew ang mga paratang ng isang dating ABS-CBN cameraman kay Coco Martin.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results