Tirso Cruz III at asawang si Lynn, may sariling version ng "Bawal Lumabas" dance craze

by Jojo Gabinete
May 20, 2020
Tirso Cruz III at asawang si Lynn, nagpaalam kay Kim Chiu bago nila ginawan ng video ang full version ng "Bawal Lumabas" song.
PHOTO/S: @lynncruz525 Instagram

May dance choreography na ang "Bawal Lumabas," ang viral classroom quote ni Kim Chiu.

Nauna nang ginawan ni Kim mismo ng full version ang kanta.

Ito ay matapos niyang umani ng sandamakmak na batikos dahil sa paghahalintulad niya sa "Law ng Classroom" sa pagpapasara sa ABS-CBN noong May 5, 2020.

Ngayon tuloy, hawak ni Kim ang bola!

Tulad ng ibang netizens, nagkaroon ng ideya si Tirso Cruz III at ang misis nitong si Lynn Ynchausti na gawan ng dance choreography ang kanta.

Pero, hiningi muna ng mag-asawa ang permiso ng 30-year-old actress.

Naka-post sa Instagram account ni Lynn ang dance video ng "Bawal Lumabas," na nilagyan niya ng caption na "With love from Tito Pip and Tita Lynn."

Sabi pa ni Lynn, "With Kim’s permission, we choreographed the song Bawal Lumabas."

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

Bukad sa "Bawal Lumabas" dance craze, may iba pang videos sina Tirso at Lynn na nagsasayaw.

Mula kasi nang ipatupad ang ECQ dahil sa COVID-19 pandemic, ang pag-eehersisyo sa pamamagitan ng pagsasayaw ang isa sa mga libangan nina Tirso, Lynn, at anak na si Djanin.

May regular Facebook Live Zumba session ang Cruz family.

Continue reading below ↓

Nakakasama rin nila ang mga kaibigan sa showbiz.

Kabilang ang mag-inang Laurice Guillen at Ina Feleo, at ang mga anak ni Edgar Mortiz na sina Calin at Camille.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tirso Cruz III at asawang si Lynn, nagpaalam kay Kim Chiu bago nila ginawan ng video ang full version ng "Bawal Lumabas" song.
PHOTO/S: @lynncruz525 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results