Krista Ranillo, shookt sa writing piece ng kanyang 6-year-old daughter

by Jojo Gabinete
May 21, 2020
Krista Ranillo, hands on sa pag-alalay sa homeschooling ng mga anak na sina Nate at Natalie. Gawa ng kanyang only daughter ang writing assignment na nasa litrato.
PHOTO/S: @kristaranillo Instagram

May hatid na good vibes ang recent Instagram post ni Krista Ranillo tungkol sa mga anak na sina Nate Jacob, 9, at Natalie Lourdes, 6.

Dahil sa COVID-19 pandemic, si Krista ang naging "homeschool" teacher sa distance learning classes ng mga bata.

At kahit stressful, masaya ang dating aktres sa responsibilidad na ito.

Aliw na aliw si Krista nang ibahagi nito sa kanyang Instagram followers ang sagot ni Nate sa fill-in-the-blank type of homework nito.

Ang instruction: "Please use the words in the text box to create sentences."

Isa sa mga nabuong sentences ni Nate ay: "My dad is busy and he loves to be happy when he’s busy and he laughs when he’s busy."

Namangha si Krista sa anak na nakahap ng "nice way to say” na workaholic ang daddy niya, ang businessman na si Niño Lim.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

Pero walang tatalo sa entry ni Natalie Lourdes sa Kinder Autobiography book nito kaya hindi puwedeng punitin ni Krista.

"My mom is 38. Her name is Krista. She has milk in her dede,” saad ni Natalie sa kanyang writing book.

Sinamahan pa niya ito ng cute illustration.

"I kennat with my daughter today," ang tanging reaksiyon ni Krista nang mabasa nito ang isinulat ng 6-year-old daughter.

Continue reading below ↓

Patuloy niya: "Just hoping teacher won’t understand dede or she does and she’ll just laugh.

"What a way to memorialize this crazy time we’re all in.

"Stay safe and healthy. I’m happy you guys liked this!"

Tuwang-tuwa raw ang anak ni Krista sa dami ng likes at comments sa writing piece nitong makikita sa Instagram post ng dating sexy star.

"My daughter is thrilled she has so many likes. She thinks it’s Youtube and she feels rich like Ryan’s toy review."

Isinilang ni Krista noong May 1, 2019 ang bunsong anak nila ni Niño na si Baby Nyles.

Kaya may breast milk pa siya, at ito ang napagbalingang ikuwento ni Natalie sa worksheet nito.

Ang inosenteng obserbasyon ni Natalie ay patunay na hindi talaga marunong magsinungaling ang mga bata.

Lima ang anak ng mag-asawang Krista at Niño: kabilang sina Nate, Natalie, Nolan, Nash, at Baby Nyles.

Nakabase ang pamilya nila sa Los Angeles, California.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Krista Ranillo, hands on sa pag-alalay sa homeschooling ng mga anak na sina Nate at Natalie. Gawa ng kanyang only daughter ang writing assignment na nasa litrato.
PHOTO/S: @kristaranillo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results