Hair Asia president, tinawag na "insensitive" si Harry Roque sa kalagayan ng hair salon workers

by Jojo Gabinete
May 22, 2020
Hair Asia President Evelyn Alvaran to Presidential Spokesperson Harry Roque: "Ikaw mismo sa sarili mo, bago mo ikabit ang wig mo, tinatawag mo ang hairdresser para magserbisyo sa 'yo... Sa bawat kalye, may mga salon. Ang ibig sabihin, pinagkakabuhayan ‘yan nang marangal.”

Ang pahintulutang magbukas na ang mga hair salon ang nasa sulat na ipadadala ni Evelyn Alvaran kay President Rodrigo Duterte.

Ito ay dahil labis nang nahihirapan ang kanilang sektor buhat nang ipatupad ang enhanced community quarantine noong March 15, 2020.

Si Alvaran ang presidente ng Hair Asia, na may 200,000 members sa National Capital Region at halos 400,000 ang bilang ng mga kasapi sa buong Pilipinas.

Isang buwan na ang nakalilipas mula nang magpadala ng sulat si Alvaran kay Secretary Francisco Duque ng Department of Health.

Pero hanggang ngayon, walang aksyon ang DOH para tugunan ang panawagan ng hair salon workers na payagang magbukas ang kanilang shops dahil ubos na ang kanilang ipong pera.

"Gumagawa na ako ng draft ng letter para kay President Duterte. Very supportive naman siya.

"In fact, two years ago, nagbigay siya ng message at greetings sa industry namin. Hindi niya kami inisnab.

"Wala naman problema kay Presidente," ani Alvaran.

Continue reading below ↓

HAIR SALONs STILL CANnot OPEN

Sa press briefing noong May 13, tinanong si Presidential Spokesperson Harry Roque ni GMA News reporter Joseph Morong kung ang workers sa hair salons ay kasama sa mga papayagang magbalik-trabaho.

Kaugnay ito ng unti-unting pagbubukas ng ekonomiya simula nang ipatupad ang modified ECQ noong May 16.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ito ang eksaktong pahayag ni Roque: "Ang mga barber at mga salon, paborito ni Joseph Morong, hindi pa rin po allowed."

Makalipas ang dalawang araw, May 15, muling nagpaalala si Roque na hindi kasama ang workers ng hair salons sa magbabalik-trabaho.

"Masalimuot" na usapin daw ito noong binubuo ang guidelines ng MECQ.

Sa panayam kay Roque ni Ted Failon sa DZMM, tinanong siya kung bakit hindi pinapayagan ang hair-salon workers gayong ang mga dentista, na may close contact rin sa pasyente, ay pinapayagang magtrabaho na.

Ang sagot ng presidential spokesman ay "hindi trained" ang mga barbero—at kung itutuloy ang lohika nito, pati na ang hair-and-beauty stylists—na protektahan ang sarili.

Continue reading below ↓

Hindi raw tulad ng mga dental at optical services na maituturing na "trained" dahil kabilang sila sa "allied medical profession."

Sabi ni Roque: "Pero ang mga barbero po kasi—siguro iyon ang naging dahilan kung bakit nanaig po iyong kampo na huwag munang buksan—ay hindi naman po sila trained kung paano talaga magprotekta sa kanilang mga sarili."

Dagdag pa ng presidential spokesman, "Pahabaan ng buhok, mabuti na lang bionic hair ako."

ALVARAN'S SENTIMENTS AGAINST ROQUE

Hindi itinago ni Alvaran ang sama ng loob kay Roque, na sinabi niyang "insensitive" sa plight ng hair-salon workers.

"He is so insensitive na magbitaw ng salita," pahayag ni Alvaran sa exclusive interview ng Cabinet Files nitong Huwebes ng gabi, May 21.

"Ininterbyu siya sa DZMM tungkol sa mga salon, barbershop... na sinabi niya na hindi pa puwedeng magbukas dahil hindi raw well-disciplined ang mga hairdresser.

"Anong klaseng disiplina ba ang hinahanap mo? Bakit mo sini-single out ang salon workers na hindi kami disciplined?

Continue reading below ↓

"Ano bang klase ng disiplina ang hinahanap at gusto mo? Hindi kita maintindihan, Secretary Roque."

Hindi raw maintindihan ni Alvaran kung bakit nagigipit ang mga nagtatrabaho sa hair salon gayong mahalaga rin ang kanilang serbisyo.

Patutsada ni Alvaran kay Roque: "Ikaw mismo sa sarili mo, bago mo ikabit ang wig mo, tinatawag mo ang hairdresser para magserbisyo sa 'yo."

"Bakit parang galit ka sa amin? Huwag mong sabihin na hindi ka pa nakatikim ng salon o salon services?

"Yung toupee na inilalagay mo sa ulo mo, sino ang tinatawag mo? Hindi mo naman tinatawag ang doktor, hindi mo naman tinatawag ang dentist.

"Sino ang tinatawag mo, di ba kami? Di ba ang hairdresser ang gumagawa ng buhok mo?"

EVEN THE PRESIDENT NEEDS SALON WORKERS

Hindi maiwasang maging emosyonal ni Alvaran sa pagdulog na sana'y payagan na ring magbalik-trabaho ang kanilang sektor.

Pahayag pa niya: "Kahit ang Presidente ng Pilipinas, hindi natin nakita na puti ang buhok, mahaba ang buhok, ang balbas, ang bigote.

Continue reading below ↓

"He’s so neat and tidy because he knows na ang pagpapagupit ay essential service.

"Sino ang nagkukulay ng buhok niya? Member namin.

"Sino ang naggugupit sa kanya? Member namin."

Para patunayang may disiplina ang mga miyembro ng Hair Asia, ikinuwento ni Alvaran ang huling event ng kanilang organisasyon na ginanap sa World Trade Center.

Ito ay nangyari noong March 10, 2020, isang araw matapos magdeklara ni Pangulong Duterte ng State of Public Health Emergency dahil sa banta ng COVID-19.

"Kung sinasabi ni Roque na hindi kami disiplinado, the last event na ginawa namin was March 10, 2020.

"Nag-declare si President Duterte ng state of public health emergency noong March 9.

"March 10 was my last event. We gathered more than 15,000 people sa World Trade Center—the salon owners, the practitioners, the cosmetic distributors, manufacturers—may trade exhibit kami.

"Walang nagkasakit ng COVID-19 kahit isa.

"Anong disiplina ang sinasabi ni Roque?”

HOT STORIES

Continue reading below ↓

ALVARAN: DIY HAIRCUT NOT ADVISABLE

Nagsalita rin si Alvaran tungkol sa sinabi umano ni Roque na gupitan na lamang ng mga tao ang mga sarili nila.

Aniya, ito raw ay mapanganib.

"Meron din siyang sinabi sa interbyu na, 'Do it yourself. Gupitan niyo na lang ang mga sarili niyo.'

"Hindi ba niya alam kung ano ang magiging problema kapag ginupitan mo ang sarili mo na hindi ka professional hairdresser?

"Ginupitan mo yung anak mo, yung kapatid mo, asawa mo? May danger diyan.

"Art ang paghawak ng gunting. Alam namin how to hold the scissors.

"Kung ikaw hindi hairdresser, humawak ka ng cutting scissors, gupitan mo nga yung kung sino ang gusto mong gupitan—may danger na magupit mo yung tenga, matusok mo yung leeg.

"O kaya yung bata, ginugupitan mo, hindi mo alam ang anggulo na maglilikot siya, puwedeng matusok ang leeg niya.

"Anong recommendation ‘yan? Do it yourself!

"Even the hairdressers themselves, nagpapagupit din ‘yan sa kapwa nila hairdresser. Hindi nila kayang gupitan ang sarili nila.

Continue reading below ↓

"Hindi mo alam ang obligasyon at ang magiging malaking problema kapag inirekomenda mo sa bayan ang do-it-yourself haircut.

"Hindi naman aso yung gugupitan mo na iki-clipper mo lang, na kapag natusok mo, di bale na siyang mamatay!”

NO MEANS OF INCOME

Iginiit ni Alvaran na hindi lamang ang mga hair-salon workers ang apektado ng matagal na pagsasara ng kanilang industriya.

Damay ang pamilya nila.

Kung tutuusin, mas marami raw sa kanila ang nawalan ng kabuhayan kaysa sa mga empleyado ng ABS-CBN na ipinasara ng National Telecommunications Commission noong May 5, 2020.

"We’re just talking about the 200,000 hair-salon workers in NCR.

"How about their families na dumedepende lang sa mga kita nila?

"May mga magulang sila na ipinagagamot, mga pamangkin at anak na pinag-aaral.

"Ang ABS-CBN, 11,000 ang affected employees. Kami, 200,000. Sa NCR lang ‘yan ha!

"Ano ba ang gusto nila? Ang dinig namin, sa July pa puwedeng magbukas ang mga hair salon. E, di namatay na sila?

Continue reading below ↓

"Di bale na kaming mga high-end salon, mga salon owner. Paano yung mga dumedepende lang?

"Ang hinaing ko dito, sayang wala kaming representative sa Congress.

"Hindi kami nagkaroon ng party-list para may boses kami. Ang industry namin ang na-left out."

Hindi rin sila kabilang sa mga binigyan ng two-month cash aid ng gobyerno mula sa Social Amelioriation Program.

"Hindi kami humingi ng financial aid sa gobyerno.

"What we’re asking is for us to open our business. Sariling sikap kami.

"Let’s face it, wala nang pera ang gobyerno para pakainin ang buong bayan, yung mga walang trabaho.

"Hindi kami included tulad ng mga tricycle at jeepney drivers na kasama sa kanilang programa.

"Papaano naman yung salon workers?

"Sa bawat kalye, may mga salon. Ang ibig sabihin, pinagkakabuhayan ‘yan nang marangal.”

NOT ASKING FOR AID; ASKING FOR SALONS TO REOPEN

Nang itanong ng Cabinet Files kung kailan, sa tingin niya, dapat magbukas ang mga hair salon, "sa lalong madaling panahon" ang mabilis na sagot ni Alvaran.

Continue reading below ↓

"As soon as possible, kahit bukas, dahil every day nagdurusa lahat.

"Hindi lang salon workers, pati ang pamilya na pinapakain nila.

"Hindi kami na-mention sa DOLE, sa Social Amelioration Program ng gobyerno. Workers din kami, di ba?

"Tao rin kami. Tapos makakarinig ka pa ng komento ni Roque na walang pakundangan sa pagsasalita na hindi kami disciplined.

"Imbes na i-uplift mo ang aming morale dahil nawalan ng trabaho yung mga tao, nagugutom ang pamilya, sasabihin mo pa na hindi kami disiplinado?"

Sa huli, iginiit ni Alvaran na sana ay payagan na ang hair-salon workers magbalik-trabaho.

“Hindi kami humihingi ng ayuda. Hindi kami humihingi ng financial support sa gobyerno dahil hindi naman talaga nila kami isinama.

"Nakalimutan nila na may salon industry, may salon workers.

"Hindi kami kasama sa DOLE, okey lang ‘yon.

"What we are asking is for the salons to re-open as soon as possible dahil marami nang magugutom.

Continue reading below ↓

"Hindi sila mamamatay sa COVID-19, mamamatay sa gutom ang salon workers at ang pamilya nila."

RELATED STORIES

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hair Asia President Evelyn Alvaran to Presidential Spokesperson Harry Roque: "Ikaw mismo sa sarili mo, bago mo ikabit ang wig mo, tinatawag mo ang hairdresser para magserbisyo sa 'yo... Sa bawat kalye, may mga salon. Ang ibig sabihin, pinagkakabuhayan ‘yan nang marangal.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results