Miss Universe Philippines winners, ikinumpara sa "first wave" at second wave" ng COVID-19

by Jojo Gabinete
May 22, 2020
Bb. Pilipinas organization, inihalintulad sa Miss Universe title-holders ang "first wave" at "second wave" ng COVID-19. Base sa meme, "flattening the curve" raw ang tawag sa pagkatalo nina Maxine Medina at Rachel Peters."
PHOTO/S: Bb. Pilipinas (Official) Facebook

"Insensitive" ang paratang ng beauty pageant fans sa Binibining Pilipinas Organization dahil sa simplified explanation nito tungkol sa first wave at second wave ng coronavirus pandemic.

Naging malaking isyu ang lagay ng COVID-19 sa bansa dahil sa premature announcement ni Department of Health Secretary Francisco Duque na "second wave na ng COVID-19 infections ang nararanasan ng ating bansa.

Mariin itong kinontra at kinuwestyon ng mga senador at ng ibang government officials.

Hindi pa naman daw na-flatten ang curve ng bilang ng COVID-19 cases para masabing lumampas na ang bansa sa first wave ng pandemya.

Kaugnay nito, nag-repost ang Binibining Pilipinas Organization ng meme na nagpapakita ng analogy sa isyu.

Inihaluntulad ang status ng COVID-19 sa bansa sa mga nasungkit na Miss Universe crowns ng Pinay beauty queens.

Makikita sa photo collage ang litrato nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Universe-Philippines 2016 Maxine Medina, Miss Universe-Philippines 2017 Rachel Peters, at Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Continue reading below ↓

Sabi sa caption ng Facebook post ng Bb. Pilipinas Organization: "According to pageant fans, this is how you ride the wave."

Kung susuriin ang meme, si Pia raw ang simbolo ng "FIRST WAVE."

Sina Maxine at Rachel—na kapwa talunan sa Miss Universe 2016 at 2017— matatawag na "FLATTENING THE CURVE.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Si Catriona naman daw ang simbolo ng "SECOND WAVE" nang manalo ito sa Miss Universe.

Continue reading below ↓

NETIZENS REACT

Kung nagpapakuwela man ang Bb. Pilipinas Organization, hindi ito nagustuhan ng netizens.

Marami ang nainsulto sa reposted meme dahil pagmamaliit ito diumano sa kakayahan at pagkatao nina Maxine at Rachel nang maging kinatawan sila ng Pilipinas sa Miss Universe.

"Bad joke, rude, poor taste, inappropriate, at offensive for Maxine and Rachel" ang ilan sa mga reklamo ng mga tao.

Umapela pa ang iba na sana ay tanggalin daw ng Bb. Pilipinas Organization ang Facebook administrator na siyang nag-post ng meme.

May akusasyon din sila na nagagawa na ng Bb. Pilipinas Organization na paglaruan ang Miss Universe dahil iba na ang franchise holder ng Miss Universe Philippines.

Sa kabilang banda, may mga natawa rin naman sa Facebook post ng Bb. Pilipinas Organization.

Tinawag nila na "clever, funny, at witty" ang meme tungkol sa kung ano ang ibig sabihin ng terms na "first wave, flattening the curve at second wave" ng COVID-19 pandemic.

Continue reading below ↓

Kaya wala raw dahilan para i-delete ito sa Facebook page ng Bb. Pilipinas.

Iyon nga lang, taliwas sa women empowerement advocacy nito ang panlalaglag sa former Bb. Pilipinas-Universe titleholders na hindi nagtagumpay sa Miss Universe.

BB. PILIPINAS DELETES POST

Dahil sa mga batikos at reklamo mula sa netizens, burado na sa official Facebook page ng Bb. Pilipinas ang offensive repost.

Pinakinggan nila ang panawagan ng concerned citizens na inalmahan ang diumano’y hindi makatarungang trato kina Maxine at Rachel, para lang maipaliwanag sa publiko sa nakakainsultong paraan ang first wave, flattening of the curve, at second wave ng coronavirus pandemic situation sa Pilipinas.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bb. Pilipinas organization, inihalintulad sa Miss Universe title-holders ang "first wave" at "second wave" ng COVID-19. Base sa meme, "flattening the curve" raw ang tawag sa pagkatalo nina Maxine Medina at Rachel Peters."
PHOTO/S: Bb. Pilipinas (Official) Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results