Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Chariz Solomon, hindi palalabasin ng bahay ang mga anak hangga't may COVID-19

by Jojo Gabinete
May 23, 2020
Chariz Solomon, hindi pabor sa muling pagbubukas ng klase sa August 24. Aniya, "For now, okay sa akin na i-homeschool sila or i-enroll sa online classes hangga’t super sigurado ako na safe na ang sitwasyon."
PHOTO/S: Instagram

Isa si Chariz Solomon sa mga celebrity moms na tumututol sa plano ng Department of Education (DepEd) na magbukas ang klase sa August 24, 2020.

Ayaw raw kasi niyang ilagay sa panganib ang kalusugan at buhay ng dalawang anak na lalaki—sina Apollo, 6, at Ali, 4.

Naniniwala si Chariz na hangga’t walang natutuklasang vaccine para sa COVID-19, hindi ligtas ang mga kabataan kapag lumabas ng bahay at pumasok sa eskuwelahan.

"Hindi ko talaga sila palalabasin ng bahay hangga’t hindi ako sigurado na COVID-19-free na tayo," sabi ni Chariz sa Cabinet Files.

"Kung magkaroon man ng vaccine at treatment, kailangan din na 100 percent sure ako na safe ‘yon para sa edad nila.

"For now, okay sa akin na i-homeschool sila or i-enroll sa online classes hangga’t super sigurado ako na safe na ang sitwasyon.

"Mag-work from home din muna ako habang hindi pa safe lumabas.

"Lahat kami sa bahay lang muna."

Continue reading below ↓

Dahil nasa bahay lamang sila, may activities si Chariz para sa mga anak na tinuruan din niya ng mga gawaing-bahay.

"May homeworks and quizzes pa sila for school till May 26.

"Mabuti rin na dalawa na sila dahil nililibang nila ang isa’t isa.

"May schedule kami ng activities sa bahay."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Continue reading below ↓

Sinasabi rin daw ni Chariz sa mga anak na maganda rin paminsan-minsan ang nabu-bore.

"Minsan bored talaga sila, pero sinasabi ko it’s good to learn and feel bored also because, not all the time you’ll have something to do.

"Sometimes, you have to enjoy boredom too. Yun ang lagi ko sinasabi sa kanila.

"Pero madalas kami magdaldalan at ini-involve ko sila sa lahat ng mga ginagawa ko.

"Marami kaming mga art stuff, nagdidilig sila ng mga halaman, nagse-setup kami ng camping nila sa ilalim ng dining table.

"At minsan, tumutulong din sila sa pagluluto," kuwento pa ni Chariz tungkol sa kanyang mga anak na tinuturuan niyang maging responsable sa murang edad.

Continue reading below ↓

RECOMMENDED ARTICLES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chariz Solomon, hindi pabor sa muling pagbubukas ng klase sa August 24. Aniya, "For now, okay sa akin na i-homeschool sila or i-enroll sa online classes hangga’t super sigurado ako na safe na ang sitwasyon."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results