Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

26th anniversary ng Miss Universe win ni Sushmita Sen, inalala ng kanyang boyfriend

by Jojo Gabinete
May 23, 2020
Rohman Shawl to girlfriend Sushmita Sen's 26th anniversary as Miss Universe: “26 years, My Jaan (life). How proud you made all of us and still continue to do so. I love you!”
PHOTO/S: Instagram

Proud boyfriend ang Indian ramp model na si Rohman Shawl sa kanyang girlfriend na si Sushmita Sen.

Siya ang kauna-unahang Indian na nanalong Miss Universe.

Malapit sa puso ng mga Pilipino si Sushmita.

Dito siya kinoronahan bilang Miss Universe noong May 21, 1994, sa Plenary Hall ng Philippine International Convention Center.

Kaya naman itinuturing ni Sushmita na pangalawang tahanan ang Pilipinas.

Hindi nakalimutan ni Rohman na i-post sa Instagram ang 26th anniversary ng tagumpay ng girlfriend.

Noong May 21, nag-post si Rohman ng throwback picture ni Sushmita nang manalo itong Miss Universe, sa 43rd edition ng pamosong international beauty pageant.

Nilagyan niya ito ng caption na “26 years, My Jaan (life). How proud you made all of us and still continue to do so. I love you!”

Ginamit din niya ang mga hashtags na #bestmissuniverseever, #amazingwoman, at #proudbf.

Sinagot naman ito ni Sushmita: “Thank you my babushhhhhh! How special you make every moment. I love your heart!”

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Maging si Sushmita ay inalala rin ang 26th anniversary ng pagkapanalo niya ng Miss Universe.

Mensahe niya: Thank you all for making ‘my Universe a better place’...your love has always been my greatest strength!! I love you guys!!!"

Kabilang sa ginamit niyang hashtag ang #philippines

Continue reading below ↓

Labing-anim na taon ang agwat ng mga edad nina Sushmita, 44, at Rohman, 29.

Three years old pa lamang si Rohman nang magwaging Miss Universe si Sushmita, pero naa-appreciate nito ang victory ng girlfriend.

SINGLE AND UNATTACHED

Muling nagbalik sa Pilipinas si Sushmita dahil isa siya sa mga hurado sa 65th Miss Universe na ginanap sa Pilipinas noong January 30, 2017.

Continue reading below ↓

Mainit ang pagtanggap sa kanya ng ating mga kababayan.

Ang akala ng Filipino fans ni Sushmita, kuntento na siya sa pagiging ina sa dalawang adopted daughters na sina Renee at Alisah.

Sa exclusive interview ni Jessica Soho kay Sushmita noong January 2017, ang pananatiling single o unattached ng dating beauty queen ang isa sa mga itinanong niya.

Continue reading below ↓

Sagot ng dating Miss Universe, "We’re all unique and we are somehow always told by everyone else, this is the right age to get married.

"This is the right age to have children. This is the right age to retire.

"I just wanted to take life at my own clock because I believe everybody’s unique.

"I came close to marriage twice but better sense prevailed, I think.

"I will get married, and I think in due course of time that too will happen."

SUSHMITA & ROHMAN

Nakilala ni Sushmita si Rohman noong 2018 dahil sa direct message na ipinadala ng modelo sa kanyang Instagram account.

“He sent me a direct message on Instagram, and I didn't check direct messages, because I wasn't sure if you check it you may be allowing that person to start communicating with you.

"So, I had too many of these direct messages and I had not opened any.

Continue reading below ↓

"And, there it was!" kuwento ni Sushmita sa panayam sa kanya ng GQ India noong June 2019.

Patuloy niya, "I had gone to the DM to look at what all had come, and I was scrolling through, and this boy broke something in the room, and I went talking to him.

"When I came back, I had obviously opened one of the DMs and it was a message from him and I was like 'Oh my god, how did I do that, god I should never be talking when I am near a phone."

Continue reading below ↓

Sinabi ni Sushmita na hindi man lamang niya tiningnan ang profile picture ni Rohman.

Pero nagpasalamat siya sa compassionate at magalang na mensaheng ipinadala nito sa kanya.

“When I was en route to the U.S. I open this up (DM) and he’s sent a message saying ‘I am jumping from one room to another, I cannot believe you’ve responded.’

"And, again this message was all heart.

"It was a person who was not trying to pretend – these kind of people get through to me — like that (snaps finger) — because I am like that!” dagdag na pahayag ni Sushmita tungkol sa pagsisimula ng relasyon nila ni Rohman.

Continue reading below ↓

Napabalitang magpapakasal na sina Sushmita at Rohman bago matapos ang 2019, pero hindi ito nangyari.

Sa Instagram live chat sa dalawa noong nakaraang buwan, isang fan ang nagtanong kung kailan sila magpapakasal.

Sagot ni Rohman: “Whenever she says yes.”

Ipinatutupad sa India ang lockdown dahil sa coronavirus pandemic kaya magkasama sa home quarantine sina Sushmita at Rohman.

Pinupuri ng dating Miss Universe ang husay sa pagluluto ng kanyang boyfriend

Para naman kay Rohman, best girlfriend ever si Sushmita na partner niya sa yoga.

Continue reading below ↓

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rohman Shawl to girlfriend Sushmita Sen's 26th anniversary as Miss Universe: “26 years, My Jaan (life). How proud you made all of us and still continue to do so. I love you!”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results