Limang anak ni Jackie Forster, nakumpleto para sa isang memorable group photo

by Jojo Gabinete
May 24, 2020
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-post ang dating aktres na si Jackie Forster ng group photo ng kanyang limang anak na sina (mula kaliwa) Jared, Andre, Caleigh, Yohan, at Kobe. Ayon kay Jackie, katuparan ito ng matagal na niyang pangarap.
PHOTO/S: Jackie Forster Instagram

Natupad na ang matagal nang pangarap ni Jackie Forster.

Ito ay ang makitang magkakasama sa iisang litrato ang kanyang limang anak—sina Andre, Kobe, Jared, Caleigh, at Yohan.

Nagdiwang ng 5th birthday ang bunsong anak ni Jackie na si Yohan noong May 22.

Dahil sa enforced quarantine, na epekto ng COVID-19 pandemic, wala siyang mga bisita—maliban sa kanyang mga kuya na sina Andre at Kobe.

Continue reading below ↓

Unknown to many, bago pa nangyari ang 5th birthday celebration ni Yohan, madalas nang nakikita nina Andre at Kobe ang kanilang mga kapatid sa ina.

Pero ngayon lamang nag-post si Jackie ng litrato na magkakasama ang mga anak.

Sa mga hindi nakakaalam, mga letra ng tunay na spelling ng palayaw ni Jackie (Jacky) ang umpisa ng mga pangalan ng kanyang anak—J-Jared, A-Andre, C-Caleigh, K-Kobe, at Y-Yohan.

Continue reading below ↓

Maligayang-maligaya si Jackie dahil nagkaroon ng katuparan ang kanyang matagal nang ipinagdarasal.

Ito ay ang makitang kumpleto, magkakasundo, at masasaya ang mga anak.

Ni minsan, at kahit noong mga panahong nangungulila siya kina Andre at Kobe, hindi natinag si Jackie sa paniniwalang darating ang araw na magkakasama ang kanyang mga anak.

Continue reading below ↓

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-post ang dating aktres na si Jackie Forster ng group photo ng kanyang limang anak na sina (mula kaliwa) Jared, Andre, Caleigh, Yohan, at Kobe. Ayon kay Jackie, katuparan ito ng matagal na niyang pangarap.
PHOTO/S: Jackie Forster Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results