Ai-Ai delas Alas, pinanindigang "waley" ang K-drama ni idol Lee Min Ho

by Jojo Gabinete
May 25, 2020
Ai-Ai delas Alas, after being bashed for opinion on Lee Min Ho, created "Pan de Lee Min Ho," pandelimon bread with ube filling. Says the comedienne: "Di ba, may kasabihan na kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay?"
PHOTO/S: Instagram

Nagtaka si Ai-Ai delas Alas nang mag-trending ang pangalan niya sa Twitter dahil sa kanyang opinyon tungkol sa The King: Eternal Monarch.

Gayong sa tingin niya ay "constructive" ang pahayag niya tungkol sa Korean series na pinagbibidahan ng Korean star na si Lee Min Ho.

Matindi rin ang mga batikos kay Ai-Ai sa kanyang Instagram account mula sa die-hard fans ni Lee Min Ho na hindi matanggap ang opinyon niya.

Kaya nagpasya ang Kapuso comedienne na i-disable muna ang comments section ng kanyang Instagram.

Sabi ni Ai-Ai, "Deactivated ang comments sa Instagram ko dahil kung ano ang naramdaman ko habang pinapanood ko ang The King, ‘yon din ang na-feel ko kapag binabasa ko ang mga sinasabi ng mga basher.

"Ang opinyon ko about The King is constructive.

"Sila lang ang nagsabi na destructive kaya sila ang may problema," sabi ni Ai-Ai sa panayam ng Cabinet Files ngayong Lunes, May 25.

Continue reading below ↓

Una nang sinabi ni Ai-Ai sa kanyang Instagram post kahapon, May 24, na "disappointed" siya sa The King dahil naguluhan siya sa "flow" ng kuwento.

Hindi rin daw niya nagustuhan ang product placements sa series.

Hanggang five episodes lang daw ang pinanood niya, pero sinukuan na niya.

Paliwanag pa ni Ai-Ai sa Cabinet Files: "Saka fan ako ni Lee Min Ho.

"Kaya ang feeling ko, may karapatan akong mag-voice out ng opinion kaya naka-tag siya sa post ko.

"At, in fairness to me, hindi ako ang unang nagsabi na hindi masyadong kagandahan ang The King.

"May mga nauna nang nagsalita, pero pinalaki lang ng bashers ang komento ko dahil nga artista ako."

HOT STORIES

ON CRITICISMS FROM NETIZENS

Umabot sa puntong binatikos ang mga pelikula ni Ai-Ai.

Pero hindi raw tinablan ang comedienne.

"At sa mga nagsasabi na pangit din naman ang ibang mga pelikula ko, totoo naman 'no!

"Hindi niyo na kailangang ipaalaala sa akin. Huwag kayong mag-alala dahil kahit ako, hindi rin nagandahan! Hahahaha!

Continue reading below ↓

"Hindi lang naman ako ang nag-iisang artista na nakagawa ng pelikula na hindi kagandahan.

"Pero yung mga sinasabi ng bashers na pangit na pelikula ko, ‘yon ang kumita sa box office."

Honest opinion lang naman daw ang kay Ai-Ai.

"Siguro, magpapaapekto lang ako kung mismong si Lee Min Ho ang nag-react sa post ko."

Tukoy pa niya sa Korean TV Network na nag-produce ng show, "Kahit nga yung SBS, hindi happy sa ratings ng The King."

INSPIRATION FOR A NEW RECIPE

Ang paggawa ng iba’t ibang klase ng mga tinapay ang pinagkakaabalahan ni Ai-Ai habang ipinatutupad ang ECQ dahil sa coronavirus pandemic.

Sa halip na ma-stress sa bashers, ginamit ni Ai-Ai na inspirasyon iyon para sa isa niyang pastry recipe.

Tinawag niyang "Pan de Lee Min Ho" ang pandelimon bread with ube filling na kanyang pinagkakaabalahan ngayon.

"Di ba, may kasabihan na kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay?

Continue reading below ↓

"Hindi ko babatuhin ng bato ang bashers ko dahil literal na tinapay ang ginawa ko para matikman naman nila ang Pan de Lee Min Ho.

"Ang mga kuda nila ang naging inspirasyon ko para gumawa ng Pan de Lee Min Ho, na unique at masarap dahil nilagyan ko ng ube sa loob."

Naniniwala rin daw siya sa old proverbial phrase na, ‘When life gives you lemon, make lemonade."

Dagdag ni Ai-Ai, "Yun na lang ang sagot ko sa bashers na hindi yata mga busy kaya may time sa bashing."

Sabi pa ng komedyante, "At para sa mga sobrang affected sa post ko tungkol sa The King, may special offer ako na discount sa bawat box ng Pan de Lee Min Ho na bibilhin nila.

"Bilang tribute at pasasalamat ko sa kanila dahil sila ang nagbigay ng idea sa akin para gumawa ako ng pandemic bread."

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas, after being bashed for opinion on Lee Min Ho, created "Pan de Lee Min Ho," pandelimon bread with ube filling. Says the comedienne: "Di ba, may kasabihan na kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay?"
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results