Clint Bondad, may poser sa Twitter na nag-react sa Catriona Gray - Sam Milby relationship

by Jojo Gabinete
May 25, 2020
Poser ni Clint Bondad (kaliwa) panay ang tweet na dinamdam ng model-actor ang pagkakaroon ng bagong pag-ibig ni Catriona Gray. Hindi aktibo si Clint sa kanyang Instagram account mula pa noong Pebrero. (Kanan) Catriona at Sam Milby.
PHOTO/S: @clintbondad / @samuelmilby Instagram

Hindi pa binubura ni Clint Bondad sa social media accounts nito ang mga video at litrato ng ex-girlfriend na si Catriona Gray.

At may mga supporters ang ex-couple na umaasa pa ring magkakabalikan ang dalawa, kahit kinumpirma na ni Sam Milby ang relasyon nila ng Miss Universe 2018 title-holder.

Matagal nang hindi active si Clint sa social media dahil noong February 29, 2020 pa ang huling entry niya sa Instagram.

Kaya marami ang interesadong malaman ang kanyang reaksyon sa relasyon nina Sam at Catriona.

Pero dahil tahimik si Clint, may gumawa ng fake account nito sa Twitter.

Nag-post ng hugot statements.

Tweet ng poser: “I was there when you lost the world, and I was also there when you achieved the Universe but now I’ll just watch you glow from afar until our stars collide again."

Ginamit pa ang video na kuha ni Clint nang manalong Miss Universe si Catriona sa Bangkok, Thailand, noong December 17, 2018.

Continue reading below ↓

Kaya umaapela sa lahat ang concerned fans na huwag magpaloko sa poser ng actor/model.

HOT STORIES

CATRIONA-CLINT BREAKUP

Inamin ni Clint, sa kanyang Instagram post noong March 3, 2019, na nagwakas na ang anim na taong relasyon nila ni Catriona.

Pero nauna ang pag-amin ng beauty queen noong February 23, 2019.

Inako ni Clint ang sisi sa paghihiwalay nila ni Catriona.

Post niya noon sa Instagram, “I failed, because the control was always with me all along. I just realized it too late.

"She knew I would rather go through complete death of my own persona than accept failure."

Mula nang aminin ni Clint ang breakup nila ni Catriona, na-link siya sa iba’t ibang mga babae.

Pero hindi nawawalan ng pag-asa ang fans nila ng 2018 Miss Universe na magkakaroon ng Part 2 ang kanilang relasyon.

NOT IN FAVOR OF SAM-CATRIONA?

Marami ang nakikisimpatiya kay Clint ngayong may bago nang iniibig si Catriona.

Continue reading below ↓

Nadagdagan naman ang Instagram followers ni Clint—from 374,000 to 424,000— buhat nang aminin ni Sam na girlfriend na nito si Catriona.

At dahil solid pa rin ang suporta ng fans nina Clint at Catriona, hindi nakaligtas si Sam mula sa mga batikos, na makikita sa comments section sa Instagram account ni Clint.

Narito ang ilan sa mensahe ng netizens para kay Clint:


Continue reading below ↓



Continue reading below ↓

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Poser ni Clint Bondad (kaliwa) panay ang tweet na dinamdam ng model-actor ang pagkakaroon ng bagong pag-ibig ni Catriona Gray. Hindi aktibo si Clint sa kanyang Instagram account mula pa noong Pebrero. (Kanan) Catriona at Sam Milby.
PHOTO/S: @clintbondad / @samuelmilby Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results