PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vlogger Michelle Fox, idinaan sa biro ang pagkalat ng lumang video scandal

Michelle Fox, umamin noong isa siyang adult model bago naging vlogger.
by Jojo Gabinete
Published May 27, 2020
Michelle Fox on leaked video scandal with boyfriend Kramer Ford: “Sa mga nagbebenta at nagkakalat o pinagkakakitaan ang mga old videos ko, siguraduhin n’yo lang na may commission ako dyan! Charles!"
PHOTO/S: Instagram

Huwag nang ikalat ang sex scandal niya.

Ito ang pakiusap ni Michelle Fox, ang popular transgender woman vlogger at social media influencer na kilala rin sa pseudonym na Vavaeng Marangal.

Pinagpipistahan ngayon sa social media ang leaked sex scandal ni Michelle—Elmer Cabarles sa tunay na buhay—kasama ang kanyang boyfriend na si Kramer Ford.

Si Kramer, na kilala sa pseudonym na Lalakeng Marangal, ay isa ring popular vlogger.

Kahit apektado siya sa pagkalat ng sex scandal nila ni Kramer, idinaan ni Michelle sa biro ang kanyang apela.

Aniya, “Sa mga nagbebenta at nagkakalat o pinagkakakitaan ang mga old videos ko, siguraduhin n’yo lang na may commission ako dyan! Charles!

“Past is past po, Wag n’yo na pagkakitaan yung mga old videos ko.

"Yung iba, benebenta pa yung link. Kaloka!

"PM n’yo na lang po ako, nasa akin ang access ng lahat! It’s for Free! Charles!

"Help n’yo po ako na ma-e-report yung mga walanghiyang nagpapakalat ng old videos ko!”

Suportado sina Michelle at Kramer ng kanilang social media followers.

Nakikiusap din ang kanilang followers sa publiko na, bilang respeto, huwag husgahan at huwag nang pagpasa-pasahan ang sex video ng dalawa.

HOT STORIES

Nakilala si Michelle dahil sa kanyang make-up tutorials sa YouTube.

Ito ang naging instrumento para ma-feature siya sa Rated K, ang programa ni Korina Sanchez sa ABS-CBN.

Noong August 2018, lumuluhang ipinagtapat ni Michelle na nagtrabaho siya bilang adult model bago siya naging vlogger.

Ikinuwento rin ni Michelle ang pagkakaroon nito ng mga karelasyong foreigners na tumulong para matupad ang kanyang pangarap maging babae ang kanyang physical appearance.

Noong December 10, 2019, kapwa naging mga contestant ng "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga! sina Michelle at Kramer.


Nagkaroon ng replay noong April 23 ang naturang episode.

Kaya nang kumalat ngayon ang kanilang sex video, natatandaan pa ng televiewers ang guesting nina Michelle at Kramer sa Eat Bulaga.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michelle Fox on leaked video scandal with boyfriend Kramer Ford: “Sa mga nagbebenta at nagkakalat o pinagkakakitaan ang mga old videos ko, siguraduhin n’yo lang na may commission ako dyan! Charles!"
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results