High school teacher na tumawag ng "ambobo" kay Ai-Ai delas Alas, humingi ng paumanhin

by Jojo Gabinete
May 28, 2020
Ai-Ai delas Alas: "Sa 30 years ko sa industriya ng telebisyon at pelikula, hindi ko inaasahan na makakaranas ako ng ganitong pang babastos ng dahil lamang sa nanood ako ng kdrama na hindi naayon sa aking panlasa..."
PHOTO/S: Noel Orsal

Humingi ng paumanhin kay Ai-Ai delas Alas ang isang high school teacher mula sa Lipa City dahil sa Facebook post niya tungkol sa “hindi kagandahan” review ng Comedy Queen sa Korean drama series na The King: Eternal Monarch.

Hindi nagustuhan ni Noel de Ocampo ang mga opinyon at obserbasyon ni Ai-Ai tungkol sa trending sa Pilipinas na Korean Netflix series ni Lee Min Ho.

Continue reading below ↓

Noong May 25, nag-post ang guro sa Facebook page ng Asian Drama Lovers na may 255,000 members.

Ito ang maanghang na mensahe ni De Ocampo kay Ai-Ai:

“Ambobo mo naman AiAi. Hindi mo gets ang flow ng story? Hindi mo alam yung parallel universe? Hahahah. Pathetic. PS. Legit IG post n’ya yan.hahaha.”

Tila hinikayat pa ni De Ocampo ang mga miyembro ng Asian Drama Lovers na magkomento tungkol sa pahayag ni Ai-Ai dahil sa kanyang tanong na “ Anong masasabi n’yo guys?”

Dahil dito, inulan ng batikos mula sa libo-libong Pinoy K-drama fans ang comedienne.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

AI-AI BASHED FOR HER OPINION ON THE KING

Umabot sa kaalaman ni A-Ai ang "pambabastos" sa kanya ni De Ocampo.

Hindi makapaniwala ang 55-year-old Comedy Queen na dahil lamang sa paghahayag niya ng opinyon sa K-drama ni Lee Min Ho ay nakatanggap siya ng ganitong klaseng batikos.

Ngayong Huwebes, May 28, ni-repost ng Kapuso star sa Instagram ang screen shot ng pamba-bash sa kanya ni De Ocampo.

Sa caption ay inihayag niya ang saloobin sa mga sinabi ng guro.

Pahayag ni Ai-Ai, "Una sa lahat hindi ko alam bakit umabot sa ganito ang mga ugali ng mga tao sa panahon ngayun..

"Sa 30 years ko sa industriya ng telebisyon at pelikula, hindi ko inaasahan na makakaranas ako ng ganitong pang babastos ng dahil lamang sa nanood ako ng kdrama na hindi naayon sa aking panlasa...pagmumura ng mga kabataan at pambabastos ng mga tao at maging ng isang guro na dapat ay maging isang ehemplo para sa kabataan..

Continue reading below ↓

"Diba, nakakatawa mang isipin na ang palabas na ito na THE king ay nakakuha ng all time low ratinGS ayon sa soompi( korean website) meaning pati mga koreans ay marahil hindi din nagustuhan ang palabas na ito .."

Ang labis pa raw ikinalungkot ni Ai-Ai ay mismong mga kababayan pa niya ang nagmura at nanlait sa kanya.

Ito ay sa kabila ng tatlong dekadang pagbibigay niya ng aliw sa mga ito.

Saad niya, "Nalungkot lang ako dahil mga kababayan ko pa ang nagmura at nilait ako at tinawag ng kung ano ano ...

"mga kababayan kong kahit papano sa 30 taon ko sa telebisyon at pelikula ay napangiti o napatawa ko sa munti kong kakayahan sa pagpapatawa na talentong bigay ng panginoon sa akin ..

"ngunit ng dahil lamang sa KDRAMA ito ay tinawag nila akong bobo, walang alam, walang kwentang artista......"

Dagdag ni Ai-Ai, "Bilang isang ina, tinuturuan ko ang mga anak ko na maging magalang sa mga tao lalo na sa mga nakakatanda sa kanila.

Continue reading below ↓

"Pero tinuruan ko din sila na lumaban nang patas lalong lalo na kung sila ay naapi.

"Nakakatawa nga kasi hindi nila sinusunod yung advice ko.

"Hinahayaan nila mga taong umaapi sa kanila, pero pag dating sa mga bashers ko dun lang sila nag sasalita.

"At proud ako kasi hindi sila sumasagot ng bastos, they can still objectively participate in arguments.. ( sana ang kabataan ay ganito din pero sa panahon ngayun ay ginagamit nila ang social media upang mailabas ang kanilang saloobin nang taliwas sa magandang asal at pag uugali ng isang tao ..)

"Sana maging aral ito sa mga cyber bullies.

"Maari naman kayong mag voice out ng opinyon or pakiramdam at saloobin, pero hindi nyo kailangan murahin at durugin ang pagkatao ng isang tao tao na wala naman ginawa sa inyo kundi mag lahad ng kanyang opinyon sa palabas na hindI nya gusto (iba din ito sa pagkakaintindi nyo na hindi ko naintindihan)

Continue reading below ↓

"sana din respetuhin nyo lahat ng tao sa industriyang kinagagalawan namin.

"Hindi natin alam mga pinag dadaanan ng bawat isa, kaya dapat we think before we click. GOD BLESS"

DE OCAMPO APOLOGIZES TO DELAS ALAS

Nakarating sa pamunuan ng Department of Education ang pagsasabi ni De Ocampo na "bobo" si Ai-Ai, at tinawag ang kanyang atensiyon.

Continue reading below ↓

Bunsod nito, dalawang beses humingi ng paumanhin si De Ocampo kay Ai-Ai—isang written apology at video-recorded apology na makikita sa kanyang Facebook account.

Nakasaad sa written apology ni De Ocampo:

“I am writing this to sincerely ask for an apology regarding my post (which is clearly out of context, personal, irresponsible and malicious) commenting on you’re the King: Eternal Monarch review.

“I am deeply saddened and sorry with my wordings/actions. I know that those words are below the belt, and as a teacher, should have not posted such.

"For that, please accept my apologies. I stand corrected. Thank you and more power."


Continue reading below ↓

Muli niyang inamin ang pagkakamali sa video-recorded apology niya.

Sinabi ni De Ocampo na, bilang teacher, naging iresponsable siya sa kanyang social media posts kaya pinaalalahanan din niya ang lahat na maging maingat.

"I am posting this video to personally make an apology to Miss Ai-Ai Delas Alas regarding my post on her review or comment on the K-Drama entitled The King: Eternal Monarch.

'"I have posted something which is beyond the boundaries of being a teacher so nakapa-irresponsible nu’ng aking na-i-post.

"I admit it so for this I am sorry and for Miss AiAi, please accept this apology.

"Para sa ating lahat, lesson learned, think before you click."

RELATED STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas: "Sa 30 years ko sa industriya ng telebisyon at pelikula, hindi ko inaasahan na makakaranas ako ng ganitong pang babastos ng dahil lamang sa nanood ako ng kdrama na hindi naayon sa aking panlasa..."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results