Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Sheree, nanghihinayang sa nakanselang burlesque show

by Jojo Gabinete
May 29, 2020
Sheree, balak paring ituloy ang L’Art De Sheree kapag pinayagan na uli magbalik-operasyon ang entertainment shows.
PHOTO/S: @jervysantiago via @shereevb420 Instagram

Ang burlesque show ni Sheree na L’Art De Sheree ang isa sa mga casualty ng COVID-19 pandemic, dahil hindi natuloy ang pagtatanghal nito sa Music Museum noong April 17, 2020.

Concept ni Sheree ang L’Art De Sheree, na inspired ng burlesque show na napanood niya sa Paris, France.

Naniniwala siyang handa na ang mga Pilipino makapanood ng ganoong klase ng adult entertainment.

Sadly, nabalewala ang paghahanda ni Sheree sa kanyang birthday presentation dahil nagpahinto ng isang virus ang galaw ng tao sa buong mundo.

Kuwento ni Sheree: "I was really sad noong dumating ang date na April 17.

"Supposedly, ‘yon ang gabi ng birthday presentation ko, dahil April 20 ang birthday ko.

"Nakapag-deposit na ako sa venue, music, at team, pero inisip ko na lang na lahat ng bagay nangyayari for a reason.

"Baka gusto ni God na hasain ko pa ang skills ko kaya hindi natuloy.

"Maybe, I just have to trust that there is a reason why, dahil hindi naman ako nagkulang sa faith ko."

Continue reading below ↓

Umaasa si Sheree na kapag humupa na ang pagkalat ng virus ay matuloy na ang kanyang burlesque show.

"Hopefully, after ng pandemic na ito, kapag puwede na ulit mag-start ng production, itutuloy pa rin po namin ng team ko, with my co -producer na si Rico Gonzales na super bait, and Cheche Colmenares.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Buti na lang, blessed ako sa mga tao na binigay sa akin dahil nakita nila ang vision ko."

COUNT YOUR BLESSINGS

Naging productive pa rin si Sheree ngayong quarantine.

Kahit nasa bahay lamang, nag-enroll siya sa iba’t ibang online classes para hindi masayang ang oras niya.

At the same time, maraming napagtanto si Sheree pagdating sa buhay.

Una na rito ang pagiging grateful sa kabila ng krisis.

Lahad ni Sheree, "Marami akong realizations—like pantay-pantay ang lahat ng mga tao pagdating sa pandemic na ito, na walang pinipili dahil naghihirap ang buong mundo.

"Kaya dapat na lalo tayo na maging thankful sa lahat ng blessings na natatanggap natin, at sa mga simpleng bagay na meron tayo na hindi natin masyadong binibigyan ng halaga pero sobrang mahalaga sa ibang mga tao.

Continue reading below ↓

"Dapat na magpasalamat tayo dahil meron tayong food, shelter, at work."

BIG APPRECIATION FOR FRONTLINERS

Alam din ni Sheree ang hirap ng frontliners dahil may kapatid siyang nurse na nagtatrabaho sa U.S.

"Ang kapatid ko na si Joseph Bautista, nurse sa Washington DC. Hindi madali ang work niya.

"I've always valued the work of the frontliners even before, pero mas lalo akong bumilib sa kanila ngayon.

"From the nurses, doctors, media... grabe ang sacrifices nila."

Para kay Sheree, magandang oportunidad ang quarantine para mas maging malapit sa kapamilya.

Sabi pa ng sexy star, "Dapat na iparamdam din natin ang love sa ating pamilya at mga kaibigan habang puwede pa silang puntahan at yakapin.

"Kagaya ngayon, hanggang flying kiss na lang tayo sa kanila dahil hindi sila puwedeng dalawin kapag nagkasakit.

"We should value those things dahil, in a blink of an eye, puwedeng mawala at magbago ang lahat."

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sheree, balak paring ituloy ang L’Art De Sheree kapag pinayagan na uli magbalik-operasyon ang entertainment shows.
PHOTO/S: @jervysantiago via @shereevb420 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results