Susan Roces "nag-beg off" muna sa taping ng FPJ's Ang Probinsyano

by Jojo Gabinete
May 31, 2020
Hindi muna natin makikita si Lola Flora, ang karakter na ginagampanan ni Susan Roces, kapag umere ulit ang FPJ's Ang Probinsyano, na pinagbibidahan ni Coco Martin.
PHOTO/S: @tingduque @mr.cocomartin on Instagram

Kahit hindi pa sigurado kung kailan babalik sa ere ang ABS-CBN, tiyak na ikatutuwa ng fans ng FPJ's Ang Probinsyano ang balitang naghahanda na ang mga artista at crew sa muling pag-taping ng kanilang series.

Sinasabing ang pagbalik-telebisyon ni Coco Martin—ang big star ng Ang Probinsyano—ay magiging sukatan kung nakaapekto sa kanyang popularidad ang matapang na pagsasalita niya laban sa pagpapasara ng National Telecommunications Commission sa ABS-CBN noong May 5, 2020.

Matatandaang tumanggap ng iba’t-ibang reaksiyon si Coco mula sa publikong hindi sanay na nakikita siyang nagagalit sa tunay na buhay.

Marami rin namang humanga sa ipinakitang tapang at loyalty ni Coco sa kanyang network.

Sasailalim muna sa COVID-19 rapid testing ang lahat ng kasali sa taping sa ikalawang linggo ng June, at kapag negatibo ang resulta, mag-uumpisa na sila.

Apektado ng COVID-19 pandemic pati ang kuwento ng nagbabalik na Ang Probinsyano dahil sa mga ilang malaking pagbabago, tulad ng pansamantalang pagkawala ni Lola Flora, ang karakter na ginagampanan ng veteran actress na si Susan Roces.

Continue reading below ↓

Sa report ni Ricky Lo sa The Philippine Star noong May 25, sinabing magpapahinga muna ang karakter ni Ms. Susan dahil "nag-beg off" ito sa taping.

Hindi binanggit ni Ricky ang dahilan, pero may nagsabi sa Cabinet Files na pinili ni Ms. Susan na huwag muna mag-taping bilang proteksiyon sa sarili.

Habang kasi wala pang nadidiskubreng vaccine para sa COVID-19, masyadong mapanganib para sa kagaya ni Ms. Susan na isang senior citizen.

Noong second week ng May, naglabas ang ABS-CBN ng guidelines tungkol sa safety measures na ipatutupad sa taping ng kanilang mga programa, kabilang na ang Ang Probinsyano.

Reportedly, may balak mag-taping ang cast ng Ang Probinsyano sa Nayomi Sanctuary, ang Batangas resort na pag-aari ng pamilya ni John Prats.

Cast member si John ng Ang Probinsyano, at ideal location ang resort nila para maipatupad ng ABS-CBN ang guidelines sa Lock-In Tapings:

• Lock-in tapings for ALL shows to produce at least one (1) month worth of material

Continue reading below ↓

• Artists, staff, crew and contestants to be billeted in nearby exclusive hotels to ensure no exposure within the lock-in period.

• Strictly observe social distancing, respiratory etiquette, and frequent handwashing.

• Handshakes, kissing and hugging to greet one another are prohibited.

• Wear face mask at all times. Face masks, shields, and gloves will be issued by the company.

• Alcohol and sanitation products shall be accessible to all.

• No sharing of food. Bring and use own eating utensils and drinking containers.

• No sharing of personal work items.

• Strictly NO official or personal international and domestic travel for all artists, staff and crew engaged in current programs until further notice. Need to leave program if they insist on travelling.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi muna natin makikita si Lola Flora, ang karakter na ginagampanan ni Susan Roces, kapag umere ulit ang FPJ's Ang Probinsyano, na pinagbibidahan ni Coco Martin.
PHOTO/S: @tingduque @mr.cocomartin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results