Sarsi Emmanuelle at Janet Bordon, ginunita ang alaala ni Pepsi Paloma

by Jojo Gabinete
Jun 1, 2020
Parehong namayagpag sina Sarsi Emmanuelle (L) at Janet Bordon (R) noong 1980s. Nakatrabaho ni Sarsi ang mga mahuhusay na direktor na sina Lino Brocka, Celso Ad Castillo, Mario O’Hara, at Peque Gallaga. Naging paboritong leading lady naman si Janet nina Chiquito, Ramon Revilla Sr., Dante Varona, Ace Vergel, at Rudy Fernandez.
PHOTO/S: courtesy of Sarsi Emmanuelle and Janet Bordon

Sina Janet Bordon at Sarsi Emmanuelle ang dalawa sa mga aktres na nakasama noon ni Pepsi Paloma sa pelikula.

Nakatrabaho ni Janet si Pepsi sa Virgin People, ang pinakamaingay at kontrobersiyal na sexy movie noong 1984.

Fellow Softdrink Beauties naman ni Pepsi si Sarsi.

Nagkasama sila sa mga pelikulang Snake Sisters (1984), Naked Island (1984), Matukso Kaya ang Anghel (1984), at Room 69 (1985).

Kahapon, May 31, ang 35th death anniversary ni Pepsi.

Pumanaw si Pepsi, sa edad na 18, sa pamamagitan ng pagbibigti sa sarili noong 1985.

Tinanong ng Cabinet Files sina Sarsi at Janet sa kanilang mga alaala tungkol sa pumanaw na sexy star.

SARSI EMMANUELLE

Nakunan ng litrato si Sarsi na umiiyak sa harap ng bangkay ni Pepsi. Na-publish ito sa Times Journal noong June 1, 1985.


Continue reading below ↓

Pero ayon kay Sarsi, hindi sila ganoong ka-close ni Pepsi.

"I only knew a few about Pepsi,” sagot ni Sarsi nang makausap siya ng Cabinet Files via Facebook messenger.

“Ahead siya sa akin. Almost three years na si Pepsi sa showbiz when I came in.

"And in our shoot, just hi and goodbye lang kami. Not really close.

"Anything about her personal life, wala akong alam.

"We just simply knew each other. Ganoon lang,” sabi ni Sarsi.

Nang malaman ni Sarsi na naglabas ng report ang PEP.ph tungkol sa 35th death anniversary ni Pepsi, aniya, "Really sad! Hope you’ll give justice to your report from her death."

Sa batch ng Softdrink Beauties noon, si Sarsi ang pinakamapalad dahil kinilala ang husay niya sa pag-arte, nakagawa siya ng mga pelikulang magaganda sa produksiyon ng mga major movie companies, gaya ng Regal Films at Seiko Films.

Nabigyan din siya ng pagkakataong makatrabaho ang mga mahuhusay na direktor na sina Lino Brocka, Celso Ad. Castillo, Mario O’Hara, at Peque Gallaga.

Continue reading below ↓

Sarsi Emmanuelle

JANET BORDON

Nang makausap namin si Janet, sa tulong ng Facebook messenger, hindi siya makapaniwalang tatlumpu’t limang taon na ang nakalilipas buhat nang mamayapa si Pepsi.

Gumanap si Pepsi bilang bunsong kapatid ni Janet sa Virgin People. Kasama rin nila sa pelikula sina Myrna Castillo at Ernie Garcia.

Continue reading below ↓

Janet Bordon Virgin People

"Ganoon na ba si Pepsi katagal nawawala? Ang bilis nga ng panahon,” ang nasambit ni Janet.

"Ang natatandaan ko lang kay Pepsi nung ginagawa namin ang Virgin People, kapag kailangan siya sa set, palagi siyang nawawala.

"Makikita siya na either nag-iisa na malayo sa set o natutulog sa damuhan na walang tao.

Continue reading below ↓

"Madalas, bagong gising siya kapag nagte-take kami.

"Hindi siya palakain. Kapag inaalok ko siya ng pagkain ko, sasabihin lang niya, 'No, salamat,'" kuwento ni Janet.

Dagdag pa niya, "Ang nagustuhan ko kay Pepsi, mabait siyang bata.

"Hindi siya maarte at hindi nagrereklamo kung ano ang ipagawa sa kanya ni Direk Celso.

"Walang minsan na nakita ko siya na nag-retouch ng make-up at wala siyang kasama na alalay. Parang lagi lang siya mag-isa."

Hindi nakaligtas sa paningin ni Janet ang pagiging tahimik at mapag-isa ni Pepsi.

Pero inisip na lang niyang likas na mahiyain ang namayapang aktres, isang bagay na kanyang pinanghinayangan at ikinalungkot.

"Hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na makapagkuwentuhan masyado dahil siguro nahihiya siya o sadyang tahimik lang siya talaga.

"Bihira siyang makipagkuwentuhan sa amin.

"Pakiramdam ko, parang meron siyang dinadalang problema na ayaw niyang ikuwento.

"Nagbabakasyon ako sa States nang malaman ko na namatay na siya.

"Parang feeling ko, dahil sa problema niya kaya siya namatay, hindi dahil sa sakit o ano pa man.

Continue reading below ↓

"Nalungkot ako, sinabi ko sa sarili ko na dapat natanong ko siya kung ano ang problema niya para kahit papaano, natulungan ko man lang siya noon.

"Malakas kasi ang kutob ko na malaki ang problema niya.

"Sayang at napakabata pa niya para mamatay.

"Malaki pa naman ang potential niya na maging isang magaling na artista," sabi ni Janet.

Para sa mga kabataang hindi na nakikilala si Janet, isa siya sa mga aktres na may pinakamagandang mukha sa Philippine showbiz noong late ’70s hanggang '80s.

Taglay pa rin ni Janet ang kagandahan hanggang sa kasalukuyan.

Nagsimula ang acting career ni Janet noong 1977 bilang contract star ng Crown Seven Productions, ang film outfit ng movie producer na si Jesse Ejercito.

Si Jesse ay kapatid ni former Philippine President Joseph Estrada.

Kontrobersiyal ang launching movie ni Janet sa Crown Seven, ang Ako Si Emma, Babae, dahil sa kanyang male character na sumailalim sa sex-change operation para maging ganap na babae.

Continue reading below ↓

Si Rudy Fernandez ang leading man ni Janet sa naturang pelikula.

"Non-exclusive for five pictures ang kontrata ko noon sa Crown Seven.

"But for some reason, natagalan na ipinalabas sa mga sinehan ang launching movie ko, ang Ako si Emma, Babae,” pahayag ng aktres na binansagan noon bilang First Star of 1977.

Continue reading below ↓

"I truly consider myself lucky kasi hindi ako dumaan sa bit roles at lead role agad ang first movie ko.

"Ni-relaunch ulit ako ng Agrix Films sa Biyak na Manyika with Phillip Salvador as my leading man, after a year ng pagiging artista ko.

"Non-exclusive for five pictures din ang kontrata ko.

"I did Apat Na Maria, a comedy film with Charo Santos, Julie Ann Fortich, and Lorna Tolentino, then Star with Rudy Fernandez, Lorna Tolentino, Celia Rodriguez, at Eddie Garcia.

"Meron din akong ginawa movie sa Japan na ang title Tatak Yakuza, with Rudy F. as my leading man,” karagdagang impormasyon ni Janet.

Si Janet ay naging paboritong leading lady noon nina Chiquito, Ramon Revilla Sr., Dante Varona, at Ace Vergel.

Ang 1988 Bong Revilla-starrer na Moises Platon ang huling pelikula na ginawa ni Janet bago siya nagpasyang manirahan nang permanente sa Amerika sa bisa ng petisyon ng kanyang ina.

Continue reading below ↓

"Yun ang last movie ko. Hinanap talaga ni Bong ang bahay ko para kumbinsihin na magkaroon ng guest role sa action movie na ginagawa niya.

"After Virgin People, hindi na ako masyadong tumatanggap ng movies dahil napagalitan nga ako ng Papa ko nang malaman niya na may bold scene ako.”

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parehong namayagpag sina Sarsi Emmanuelle (L) at Janet Bordon (R) noong 1980s. Nakatrabaho ni Sarsi ang mga mahuhusay na direktor na sina Lino Brocka, Celso Ad Castillo, Mario O’Hara, at Peque Gallaga. Naging paboritong leading lady naman si Janet nina Chiquito, Ramon Revilla Sr., Dante Varona, Ace Vergel, at Rudy Fernandez.
PHOTO/S: courtesy of Sarsi Emmanuelle and Janet Bordon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results