Ang 34 movies na gagawin ng Viva Films para sa 2020 ang grand announcement ni Boss Vic del Rosario at ng kanyang anak na si Vincent sa Viva’s 2020 Vision sa Novotel noong January 28, 2020.
Isang bilyong pisong budget ang inilaan ni Boss Vic para sa iba’t ibang genre ng pelikula na pagbibidahan nina Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Janno Gibbs, Anne Curtis, Bela Padilla, Alessandra de Rossi, at ng mga contract stars ng Viva Artists Agency.
Pero nangyari nga ang coronavirus pandemic kaya naapektuhan ang production ng mga projects ng Viva Films.
Bago idineklara ng Duterte government ang enforced quarantine, dalawang pelikula ng Viva ang nakahanda na sanang ipalabas sa mga sinehan.
Una ay ang A Hard Day, ang official entry sa hindi natuloy na Metro Manila Summer Film Festival. Bida rito si Dingdong Dantes.
Pangalawa ang Tililing, ang second movie directorial job ni Darryl Yap (#Jowable). Tampok dito sina Baron Geisler, Gina Pareño, at Donnalyng Bartolome.
Sa panayam ng Cabinet Files kay Vincent ngayong Martes ng hapon, June 2, kinumpirma niyang labing-isang pelikula ng kanilang 39-year-old movie outfit ang tapos na tapos na.
Samantalang naabutan at naapektuhan naman ng lockdown ang shooting ng ibang mga projects nila.
"We have 11 canned, and four to five movies currently in various stages of production.
"Our goal is to gradually release them theatrically as cinemas get operational again, while at the same time also actively seek out alternative modes of distribution in the digital space,” sabi ni Vincent tungkol sa mga pelikula ng Viva Films na hindi pa maipalalabas sa mga sinehan dahil sa kasalukuyang sitwasyon.
Sa kabila ng mga biglaang pagbabago na epekto ng COVID-19, ibinalita ni Vincent na plano nilang umpisahan sa susunod na buwan ang shooting ng dalawa sa mga nakalinyang pelikula ng Viva Films.
"Looking ahead, we will start production in July for two films (six more for balance year) and will resume filming for those that are already in production," pahayag ni Vincent.