Mel Tiangco at Mike Enriquez, trending ang pagbabalik sa 24 Oras

by Jojo Gabinete
Jun 2, 2020
Pagkatapos ng mahigit dalawang buwan ay muling napanood sa 24 Oras ang veteran Kapuso news anchors na sina Mel Tiangco (kaliwa) at Mike Enriquez.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Pinag-usapan at nag-trending ang pagbabalik nina Mel Tiangco at Mike Enriquez bilang mga anchors ng 24 Oras kagabi, June 1.

May kinalaman ang mga edad nina Mel, 64, at Mike, 68, sa pansamantalang pagkawala nila sa primetime news program ng GMA-7 dahil sa enforced quarantine.

Sina Jessica Soho at Atom Araullo ang naging co-anchors ni Vicky Morales sa 24 Oras mula noong Abril hanggang noong May 29, 2020.

Natuwa ang mga Kapuso viewers nang muli nilang mapanood sina Mel at Mike sa 24 Oras.

Mainit ang pagtanggap sa dalawa, na tumanggap ng "Welcome back, Mel and Mike!" greetings mula sa manonood.

Napapakinggan na rin si Mike sa morning program nito sa DZBB.

Ikinagalak ito ng kanyang mga tagapakinig na nasasabik nang marinig ang pagsasalita niya ng “Excuse me po!” sa tuwing nasasamid siya habang nagsasalita.

Hindi maipagkakailang na-miss din ni Vicky ang kanyang mga kasama dahil sa kanyang pahayag na kumpleto na naman ang barkada.

Continue reading below ↓

Hindi napigilan ni Vicky na tuksuhin si Mel na sinabayan ng pagbabalik nito sa 24 Oras ang launch sa Korean actor na si Hyun Bin bilang endorser ng isang telecommunications and digital service provider.

"I won’t miss it!" sagot ni Mel, na hindi inililihim na fan siya ng lead actor ng Crash Landing On You.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Tinawag naman ni Vicky na "Captain" si Mike dahil sa reaksyon nitong puro si Hyun Bin ang pinag-uusapan ng kanyang co-anchors.

Hindi lamang sina Mel at Mike ang bumalik sa 24 Oras.

Balik-telebisyon na rin ang Saksi, ang late-night Kapuso newscast nina Arnold Clavio at Pia Arcangel.

RECOMMENDED ARTICLES

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos ng mahigit dalawang buwan ay muling napanood sa 24 Oras ang veteran Kapuso news anchors na sina Mel Tiangco (kaliwa) at Mike Enriquez.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results