Zanjoe Marudo, may butt exposure sa digital movie nila ni Lovi Poe

Zanjoe Marudo, pinanindigan ang daring scenes, pero hindi ang daring IG post.
by Jojo Gabinete
Jun 3, 2020
Zanjoe Marudo, pinanindigan ang daring scenes sa Malaya na pinagbibidahan nila ni Lovi Poe.
PHOTO/S: Screengrab from Malaya

Pinanindigan ni Zanjoe Marudo ang pagiging versatile actor.

Bukod sa mapangahas na love scene nila ni Lovi Poe, napapayag din siyang magkaroon ng butt exposure sa Malaya.

Ito ang iWant original movie na nag-umpisa ang worldwide streaming noong May 28, 2020.

Biktima ng piracy ang Malaya dahil libreng mapapanood sa social media ang maiinit na tagpo nina Lovi at Zanjoe.

May mga netizens na napamura nang kumalat ang pirated clips ng Malaya dahil sa kapangahasang ipinamalas ni Zanjoe.

Mahihirapan na si Zanjoe na makontrol ang paglaganap ng sexy scenes ng Malaya.

Kaya baka makapagmura na lamang uli siya sa kalapastanganang ginagawa ng pay-TV pirates.

HOT STORIES

ON ABS-CBN SHUTDOWN

Tulad ng pagmumura niya sa mga taong natuwa nang ipasara ng National Telecommunications Commission (NTC) ang ABS-CBN noong May 5, 2020.

Pero hindi napanindigan ni Zanjoe ang kanyang pahayag.

Burado na ang Instagram post ni Zanjoe noong May 6—ang araw na ginulat niya ang publiko na hindi sanay na nagmumura siya sa social media.

Hindi kasi napigilang maging emosyonal ni Zanjoe sa pagbubunyi ng bashers sa pagsasara ng Kapamilya network.

Caption niya: "Sige tumawa kayo, pero t*ng*na nyo, pagbalik namin magpapasalamat kayo!"

Nilagyan niya ito ng hashtags na "#staystrong" at "#doubledead."

Hindi na makikita ang controversial Instagram post ni Zanjoe dahil binura na niya ito.

Puwedeng nahimasmasan na siya o may nagpayo kay Zanjoe na hindi makakatulong sa problema ng mother studio niya ang kanyang inasal.

PRIM AND PROPER ABS-CBN EXEC

Noong araw ring iyon, isang concerned showbiz authority ang nagsabi sa top executive ng network na payuhan ang kanilang mga contract stars na hangga’t maaari, iwasan ang pagmumura.

Sabi raw nito, "It defeats the cause you’re fighting for."

Nasaktan at ikinalungkot din ng network executive ang pagpapasara ng NTC sa ABS-CBN.

Pero sa halip na magmura, magalit, o maghanap ng sisisihin, pinasalamatan niya ang lahat ng sumusuporta sa Kapamilya Network.

RELATED STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zanjoe Marudo, pinanindigan ang daring scenes sa Malaya na pinagbibidahan nila ni Lovi Poe.
PHOTO/S: Screengrab from Malaya
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results