Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Baka mapaaga ang pagtatapos ng isang series dahil sa hinihingi ng lead star

by Jojo Gabinete
Jun 6, 2020
drama series blind item
Maaaring huminto na sa pagtakbo ang mga camera sa isang drama series at tuluyan na itong magwakas agad, kung hindi maibibigay ng TV network management ang assurance ng lead star.

Malaki ang posibilidad na mabawasan ang taping days at mapaaga ang pagwawakas ng isang television drama series.

Hindi pa kasi handa na magbalik-trabaho ang lead star na pinoprotektahan nang husto ang kanyang pamilya laban sa banta ng coronavirus pandemic.

Handa ang lead star na mag-resume ng taping para sa drama series na kanyang pinagbibidahan.

Yun ay kung makapagbibigay ng assurance ang television network management na magiging ligtas ang kalusugan ng lahat ng sangkot sa production.

Na imposible namang mangyari hangga’t wala pang natutuklasan na bakuna para masugpo ang COVID-19.

Hindi masisisi ang lead star sa kundisyon na hinihingi nito dahil ang kapakanan, kalusugan, kinabukasan, at higit sa lahat, ang buhay ng kanyang pamilya ang pinahahalagahan niya.

Mas marami ang nakakaunawa sa sitwasyon at sa ipinaglalaban ng lead star na ayaw ilagay sa panganib ang kanyang pamilya at mga kasamahan sa trabaho.

Kahit pa seryoso ang television network management na magpatupad ng rapid testing at quarantine para sa mga artista at production staff bago umpisahan ang taping ng kanilang programa.

Continue reading below ↓

Kung hindi papayag ang lead star na mag-taping, malabo na matuloy ang pagbabalik- trabaho ng lahat dahil siya ang bida ng drama series kaya hindi puwedeng patayin ang kanyang karakter.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maaaring huminto na sa pagtakbo ang mga camera sa isang drama series at tuluyan na itong magwakas agad, kung hindi maibibigay ng TV network management ang assurance ng lead star.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results