COVID-19 survivors, pantapat ng Eat Bulaga sa pagbabalik ng It's Showtime

by Jojo Gabinete
Jun 13, 2020
Sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga ngayong June 13, Sabado, mga COVID-19 survivors ang pinagpilian ng guest na si Pia Arcangel.
PHOTO/S: Screen grab from GMA-7

Ang COVID-19 survivors sa "Bawal Judgmental" ang itinapat ng Eat Bulaga! sa unang araw ng It’s Showtime sa Kapamilya Channel cable TV.

Tumanggap ng mga papuri ang Eat Bulaga! dahil sa relevant, timely, at informative topic sa "Bawal Judgmental."

Nagpakita ng matinding interes ang televiewers at maging ang mga host ng Eat Bulaga! sa mga personal at makabagbag-damdaming karanasan na ikinuwento ng pitong COVID-19 survivors.

Buhay na buhay ang Eat Bulaga! dahil loaded ito ng mga commercials.

Hindi ito nakaligtas sa matatalas na mata ng televiewers na ginawang libangan ang pagbibilang ng TV ads para hindi mainip habang hinihintay nila ang pagtatapos ng commercial break at pagpapatuloy ng "Bawal Judgmental."

Sa third gap ng Eat Bulaga, umabot sa 45 ang bilang ng mga commercial spot.

Nag-trending ang "Bawal Judgmental" dahil sa interesting topic nito.

VICE GANDA'S OUTFIT

Pero ang pagbabalik sa ere ng It’s Showtime ang nanguna sa Philippines Trends na patunay na nasabik ang loyal viewers sa live broadcast ng noontime show na dating napapanood sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Dahil unang araw pa lamang ngayon ng It’s Showtime sa Kapamilya Channel, understandable na walang TV ads ang programa, maliban sa repetitive plug ng mga show na mapapanood sa cable channel ng ABS-CBN Corporation.

Bakas sa mukha ng mga host ng It’s Showtime ang galak dahil live na uli ang kanilang show na tatlong buwan na hindi napanood sa telebisyon.

Pinaghandaan ni Vice Ganda ang pagbabalik ng It’s Showtime sa pamamagitan ng kanyang black see-thru sexy outfit.

Pero may mga nahalayan sa kanyang suoit kaya tinawag nila ang atensiyon ng MTRCB.

Nakita lamang sa opening number ng It’s Showtime ang mapangahas sa tanghaling-tapat na damit ni Vice, dahil nagpalit ito ng kasuotan sa second gap ng programa nila.


Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga ngayong June 13, Sabado, mga COVID-19 survivors ang pinagpilian ng guest na si Pia Arcangel.
PHOTO/S: Screen grab from GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results